webnovel

Chaper 352

Pag-alis ni Elena di parin ako umalis sa kinakatayuan ko kahit di ko na siya matanaw. Nanginginig parin yung katawan ko na para bang nahihirapan akong huminga ayaw kong maniwala sa sinasabi niya kasi alam ko naman na hanggang ngayon may pagtingin parin siya kay Martin pero bakit di ko maiwasang masakatan at tanungin yung sarili ko, "what if kung totoo?"

"Madam?" tanong ni Manang Susan sakin, paraan para matauhan ako.

"Manang," tanging nasabi ko habang nagbaba ako ng tingin. Pinipilit kong kumalma para makapag-isip ako ng tama.

"Nakahanda na po yung pagkain, kumain na po kayo," sabi ni Manang Susan sakin habang itinuro ang lamesa na puno ng pagkain.

"Sige po!" sagot ko nalang habang lumapit ako sa lamesa pero ewan ko ba kung bakit nawalan ako ng gana na para bang yung gutom na nararamdaman ko kanina ay nawala na. Halos di ko nagalaw yung pagkain ko bago ako tumayo at bumalik sa kwarto.

Muli kong dinaial yung number ni Martin pero gaya kanina out of coverage parin ito. Pulit-ulit ko iyong ginawa at paulit-ulit ko rin siyang tinext na kung maari ay tawagan niya ko pero inabot nalang ako ng gabi pero di ko parin siya ma-contact.

"Baka lowbat lang," pag-aalo ko sa sarili ko pero di ko na mapigilang maiyak.

"Paano kung totoo yung sinasabi ni Ellena?" muli kong tanong sa sarili ko.

"Nagsisinungalin siya, sinungaling yun! Di na siya mahal ni Martin ako yung asawa niya ako lang! Huhu...huhu....!"' paulit-ulit kong sinasabi habang humahagolgol na ko ng iyak.

"Mahal niya ko!" sabi ko habang pinupunasan ko yung luha ko at muli kong dinaial yung phone number niya pero sa huling pagkakataon operator parin ang sumasagot.

"The number you've dial is out of coverage area please try again later!" at dahil sa inis ko ay hinagis ko yung phone ko sa may pader. Agad itong nabasag pero wala akong paki kasi ang sakit ng dibdib ko parang pinipiga yung puso.

"Kung mahal ka niya bakit di ka niya tinatawagan? Bakit di mo siya ma-contact? Huhu...huhu...!" tanong ko sa sarili ko habang umiiyak.

"Madam?" tawag ni Manang Susan sakin habang kumakatok sa kwarto ko.

Marahil narinig niya yung pagbato ko sa phone ko kaya umakyat siya.

"Okay lang ako Manang pahinga na po kayo!"

"Kumain na po kayo Madam, naka hain na po yung pagkain!"

"Sige po baba nalang po ako mamaya!" sagot ko habang pinipigil ko yung pag-iyak ko.

"Sige po Madam, tawagin niyo na lang po ako kapag gusto niyo ng kumain."

"Okay po!" sambit ko habang kagat-kagat ko yung labi ko.

Kasalukuyan akong naka-upo sa sahig habang nakasandal sa gilid ng kama. Hawak-hawak ko yung dalawa kong mga binti habang naka sob-sob ako sa dalawa kong tuhod. Hinahayaan ko lang tumulo yung luha ko.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa matuyo yung luha ko. Nang medyo mahimasmasan ako ay lumipat ako sa kama at tuluyang ipinikit yung mata ko.

Nung magising ako kinabukasan magang-maga yung mata ko dahil sa kaiiyak agad akong naligo at nagpalit ng damit. Dahil Lunes na ngayon kailangan ko ng umuwi sa bahay namin.

"Madam?" sabi ni Manang Susan ng makita niya kong pababa sa hagdan.

"Manang kakapala ko na po yung mukha ko baka po may extra kayong pera manghihirap po sana ako!" nahihiya kong sabi. Wala kasi ako kahit piso sa bulsa ko, ayaw ko naman mangalkal sa gamit ni Martin, mahirap na. Nagyon tuloy ako nagsisi kung bakit ko iniwan yung wallet ko sa condo ni Martin.

"Wait lang Madam," sabi ni Manang na mabilis na umalis nakita ko siyang pumasok sa kwarto niya. Maya-maya ay bumalik ito at inabutan ako ng isang libo.

"Salamat Manang, akin na po yung bank account niyo transfer ko nalang po mamaya!" sabi ko dito.

"Balik niyo nalang po Madam pag-uwi niyo!" naka ngiting sabi ni Manang Susan sakin.

"Okay po!" tanging nasabi ko nalang pero syempre di na yun mangyayari kasi wala na kong balak bumalik sa bahay na ito.

Mabilis akong umalis, buti nalang paglabas ko ng bahay may dumaang taxi kaya agad akong naka alis. Nagpahatid ako sa condo ni Martin para kunin yung gamit kong naiwan dun. Buti nalang pinapasok ako ng guard at di pa napalitan ni Martin yung password ng condo unit niya kaya agad akong nakapasok.

Pagpasok ko sa loob agad kong kinuha yung bag ko, agad kong kinuha yung morning pill na binili ko nung nakaraang araw at agad ko iyong ininom.

"Mahirap ng mabuntis," sabi ko sa sarili ko bago ko yun nilunok.

Bago ako umalis ay nag-iwan ako ng one thousand pambayad kay Manang Susan sa side table sa kwarto ni Martin. Nilagyan ko yun ng note na paki bigay kay Manang Susan pagkatapos nun ay iniwan ko din yung phone na binigay niya sakin noon saka ako umalis.

Habang bumababa yung elevator di ko maiwasang muli lumuha, ang hirap kasing tanggapin na niloko ako ni Martin pero wala eh, andiyan na naibigay ko na! Nauto ako walang na kong magagawa kundi magmove-on.

Dumating ako ng bahay bago mag-lunch kaya inabutan ko si Mama at Papa na naghahanda para kumain. Mabilis akong nagbless sa kanila bago ako umakyat sa kwarto ko. Nagsabi din ako na kumain na ko para di na nila ako tawagin pero ang totoo lang iniiwasan ko lang na mapansin nila Mama at Papa yung pamamaga ng mata ko kaya kahit nakapasok na ko sa loob ay naka suot parin ako ng sunglass.

Muli akong umiyak nung nasa kwarto na ko pero pinipigil kong wag humagolgol para di ako marinig ng magulang ko at di ko namalayang nakatulog ako.

"Michelle!" tawag ni Mama sa akin.

"Ma!" sagot ko habang pupungas-pungas ako.

"Kain na tayo!"

"Sige po Ma, sunod po ako!" sagot ko naman.

"Bilisan mo ha!" sigaw uli ni Mama bago ito bumaba.

"Hays!" butong hininga ko paano nakita ko yung sarili ko sa salamin. Lalong namaga yung mata ko alangan namang magsuot uli ako ng sunglass para makasalo yung magulang ko sa pagkain.

"Michelle!" muling sigaw ni Mama kaya wala akong nagawa kundi bumaba pero nagsuot ako ng reading glass para kahit papano matakpan yung mata ko ng bahagya.

Kung feeling niyo magulo eh di wag kayong magpasa di ko naman kayo pinipilit Hahaha...hahaha...!

Isa pa malinaw naman sa lahat na hangang 500 chapter ito at Hello nagbabasa na nga kayo ng FREE dami niyo pang hanas!!

Kainis kayo!

Kung pwedi lang di bigyan ng access yung mga ewan eh!

Tsk..tsk....!

pumirangcreators' thoughts
次の章へ