Bukas ay aalis na sila Anna, Analyn at Christopher kaya pumunta ako sa kanila para makita ko sila. Di ko na kasi sila mahahatid kasi nga kailangan kong pumunta ng Subig bukas.
"Kala ko pa naman may pabaon ka samin?" sabi ni Anna habang naka upo na kami sa labas ng bahay nila nagpapahangin. Dalawa na lang kami natira kasi si Analyn at Nina ay umuwi na.
"Gusto mo dalhin mo yung gulay na dala ko," sabi ko. Nagdala kasi ako n gulay na dala naming galing sa Bataan.
"Bulok na yun mga yun bago kami dumating ng America," reklamo ni Anna.
"Haha...haha...," tawa ko.
"Di ka ba talaga sasama samin?" malungkot na sabi ni Anna sakin.
"May two weeks pa kong natitira para mag-isip kaya wag kang magulo."
"Mahal mo parin ba siya?" tanong ni Anna habang nakatingin sa mukha ko.
"Sino?" maang-aangan ko.
"Alam mo naman kung sino tinutukoy ko,"
"Di ko pa alam, Anna!"
"Paanong di mo alam?"
"Basta!" tanging sagot ko na para matapos na yung usapan namin pero alam ko naman sa sarili ko na mahal ko parin si Martin at walang duda yun.
"Hinihintay ka parin Christopher,"
"Sinabihan ko na siya na di na talaga kami para sa isat-isa,"
"Pero alam mo naman Michelle kung gaano ka niya kamahal?" nginitian ko lang si Anna kasi nga di ko din alam yung isasagot ko.
"Gabi a, pahatid na kita kay Christopher," sabi ni Anna sakin makalipas ng ilang minuto ng di ako magsalita.
"Mauna na ko, Ingat kayo bukas. Chat-chat nalang tayo!" sabi ko kay Anna na niyakap ko.
"Kung mahal mo parin siya ipaglaban mo!" bulong ni Anna sakin habang pinitik ako sa noo.
"Ikaw naman mahalin mo yung sarili mo bago yung lalaki!" ganting payo ko kay Anna at syempre pinitik ko din noo niya para makabawi.
"Sige na, lumayas ka na!" sabi nito sakin bago ako itinulak palabas ng gate nila.
Nasa labas na si Christopher at hinintay na lang akong makasakay sa kotse para ihatid ako sa bahay.
"Hintayn kita sa America," sabi ni Christopher makalipas ng ilang minutong katahimikan sa kotse.
"Hmmm!" tanging nasabi ko.
"Michelle!"
"Hmmm!" muli kong sagot. Acutally nakakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan namin ni Christopher.
"Alam mo naman na mahal parin kita di ba?"
"Christopher,"
"Alam ko mahal mo parin siya, pero willing parin akong maghintay!" Di na ko sumagot kasi ilang beses naman na namin yung napag-usapan at ilang beses ko naring nasabi na gusto ko magkaibigan na lang sana kami pero ayaw naman niyang pumayag at hayaan ko nalang daw siyang maghintay kaya wala na kong nagawa.
Pahiga na ko sa kama ng biglang tumunog yung phone ko. Si Mang Kanor yung tumatawag, nagtataka ako kung bakit pero sinagot ko parin.
"Kuya?"
"Ma'am good evening!" bati nito sakin.
"Napatawag ka po?"
"Ah kasi Ma'am ako po yung susundo sayo bukas. Hintayin niyo na lang po ako diyan sa bahay niyo."
"Sa may labasan mo nalang ako hintayin Kuya, text mo ko kapag malapit ka na para labas nalang ako."
"Sige po Ma'am!"
"Sige po kita nalang tayo bukas, Good night po!" balak ko na sanang ibaba yung tawag ng muling magsalita si Mang Kanor.
"Ma'am di niyo na po ba ginagamit yung isang phone niyo?"
"Yung isang phone ko?"
"Opo yung ay number na 0956123XXXX,"
"Asan nga ba yung phone ko na yun?" bigla kong naalala kasi kagabi alam ko inilagay ko yun sa bag ko pero di ko na yun nahawakan kanina. Yun yung phone na binigay ni Martin sakin, dahil nga ginagamit ko lang yun for FB and more may contacts sa bagong phone ko na tumatawag.
"Dun po kasi ako tumatawag kanina pero out of coverage,"
"Ah, baka na lowbat na di ko napansin."
"Dun nalang po ako tatawag bukas kaya paki charge po!"
"Okay!" nasabi ko sa huli bago ko ibinaba yung tawag pero nagtataka parin ako bakit need ni Mang Kanor tumawag dun eh pwedi naman siyang tumawag dito sa bago kong phone. Habang nag-iisip ay hinanap ko na yung phone ko na nailagay ko pala sa drawer ko at lowbat na nga kaya chinarge ko ito.
"Tulog ka na?" may nagtext sakin si Stalker. Kanina pa siya nagtetext sakin pero di ko siya nirereplayan kasi nga nakina Anna ako.
"Patulog pa lang, bakit?"
"Wala naman, Anong ginagawa mo kanina bakit di mo ko nirereplyan?"
"Busy!"
"Busy, saan?"
"Kung saan-saan!"reply ko ayaw ko kaisng magbigay ng masyadong information sa kanya. Mahirap na baka msamang staker siya mapahamak pa ko.
"Nakita ko sa Fb account mo na pumunta ka sa kaibigan mo."
"Oo, bukas na kasi alis nila!" sagot ko. Matagal kong nireview yung mga Fb friends ko kung may na-add akong di ko kilala pero wala. Chinect ko din yung security setting kung naka public ba ko pero hindi din naman kaya nagtataka ako bakit nakikita ni Staker yung post ko. Kaya ang conclusion ko is isa siya sa mga friends ko pero bakit ayaw niyang magpakilala. Yun ang tanong na di ko alam ang sagot kahit anong gawin kong isip.
"Nasa bahay ka na?"
"Oo, kaya nga patulog na ko!" sarkastiko kong sabi.
"Sige na,tulog ka na bumkang mainit parin kasi ulo mo!"
"Di mainit ulo ko," mabilis kong tanggi.
"Bakit ang sungit mo?"
"Masungit lang ako sa di ko kilala."
"Good night na!" sabi ni stalker di ko na yun nireplyan ay pinili ko ng matulog.
Nagising ako sa alarm ng orasan ko. Six pa lang ng umaga at ang usapan namin ni Mang Kanor ay eight daw niya ko dadaaana. Pinili kong gumising ng maaga kasi nga di pa ko nakapag-imapake ng damit. Sa tantiya ko two to three days ako sa Subic para ma check lahat ang problema dun. Nagdala ako tatlong damit na pangtrabaho at dalawang pantulog nilagay ko yun sa bag pack ko.
Pagkatapos nun ay naligo na ko at nag-almusal. Nagsuot lang akong ng pantalon na maong at white shirt. Inisip kong magsuot ng subrero para kahit papano di istorbo yung buhok ko. Di ko pa kasi siyang itali lahat kasi nga maiksi parin. Saktong seven fourty five tinawagan ako ni Mang Kanor kaya umalis na ko pagkatapos kong magpaalam kina Mama at Papa.