webnovel

Chapter 198

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ni Mama nung salabungin kami sa may pintuan.

"Medyo traffic Ma." Paliwanag ko habang nag bless sa kanya.

Kasunod ko si Martin na nag bless din kay Mama.

"Hi Pa!" Bati ko kay Papa nung makita ko siyang palabas ng kwarto nila ni Mama.

"Buti naman at nakarating na kayo."

"Good evening po Tito!" Bati rin ni Martin na tinugon ni Papa ng tango at ngiti.

"Ate asan na yung pasalubong ko?" Sigaw ni Mike na humahangos galing sa taas.

"Kadarating lang namin pasalubong kagad hinihingi mo." Sagot ko sakanya na may kasamang batok.

"Aray naman!" Comment niya habang hinahaplos yung bahagi ng ulo niya na binatukan ko.

"Nasa kotse yung pasalubong mo kunin mo sa likod." Salo ni Marin habang iniabot kay Mike yung susi.

"Salamat Kuya!" Sabay karipas ng takbo palabas.

Samantalang ako ay napapa-iling na lang kasi ang tagal kong komontra pero talagang binili parin niya di mapigilan.

"Tigas ng ulo!" Bulong ko kay Martin habang lumakad ako papuntang taas para magpalit ng damit at tuluyan muna siyang iniwan sa baba para makipag kwentuhan sa magulang ko.

Nag-aayos ako ng mga dala ko ng umakyat si Mama at pumasok sa kwarto ko.

"Nak?"

"Bakit Ma?"

"Patingin naman ng sing-sing mo." Lambing niya sa akin pero makikita mo sa mga mata niya na parang iiyak na.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Akala ko ba gusto mo na kong pakasal, eh bakit para kang iiyak?"

"Di naman ako umiiyak ah. Masaya lang ako anak kasi lalagay ka na sa tahimik."

"Anong lalagay sa tahimik baka papasok na ko sa masalimuot na buhay?" Pagbibiro ko kay Mama.

"Ano ba yang sinasabi mo? Di maiiwasan yan sa buhay mag-asawa ang importante is nagmamahalan kayo at isa pa nakikita ko naman kay Martin na mahal ka niya."

"Mukang nasuhulan ka ata ah?" Pang-aasar ko kay Mama habang tinitingnan yung suot niyang hikaw na perlas.

"Hindi noh!" Sabay hampas sa akin.

"Haha... haha... eh bakit parang guilting-guilty ka?"

"Ewan ko ba diyan sa boyfriend mo at bili ng bili ng pasalubong ayaw namang pumayag na di ko kunin." Nahihiyang paliwanag ni Mama habang hinahawakan yung hikaw na suot niya.

"Ewan ko nga rin ba bakit ang tigas ng ulo niya at ayaw makinig sa akin sabi ko naman sa pagkain lang okey ka na eh. Kaya nga ako Hopia lang pasalubong ko sayo."

"Ikaw naman kung anong galante ng boyfriend yun naman kuripot mo." Sabay kurot ni Mama sa akin.

"Hala grabe siya nagiging materialistic na siya!" Nanlalaki kong matang sabi.

"Anong materialistic na sinasabi mo diyan?" Sabay hampas sa akin.

"Aray, ngayon naman nagiging violent ka naman!" Arte ko sabay hawak yung braso kong hinampas niya.

"Ewan ko sayo! Tara nga dito at patingin ng sing-sing mo." Pagyaya sa akin ni Mama sa may gilid ng kama at doon kami umupo.

"Ito Ma oh!"

"Wag mong tanggalin!" Pagpipigil ni Mama nung akto sanang tatangalin sa daliri ko.

Kinuha nalang niya yung kamay ko kung saan naka suot yung sing-sing at masusi niya yung pinagmasdan habang nang gigilid ang mga luha sa mata.

"Mahal yan Ma! Kapag binenta natin ito Milyonaryo na tayo!" Pagbibiro ko para kahit papano gumaan yung pakiramdam ni Mama. Alam ko naman masaya siya para sa akin pero alam ko din andun parin yung takot niya kasi nga magkaiba yung estado namin sa buhay ni Martin.

"Sa tingin mo?" Pagsakay ni Mama sa biro ko at abot ang tenga ang ngiti.

"Oo Ma, sabi ni Martin nasa mga five million daw ito eh."

"Di ba niya tayo mahuhuli kung sakaling ibebenta natin yan?"

"Hindi naman siguro, sabihin ko nalang sa kanya nawala o kaya na hold-up ako, o kaya cancel ko nalang engement namin. Ano sa tingin mo Ma?"

"Ano kaya... bumaba na kayong dalawa ng makakain na tayo?" Sagot ni Papa na di namin namalayang umakyat narin pala kasunod si Martin na bahagyang naka taas ang kilay malamang narinig niya yung mga pinagsasabi ko kay Mama.

"Hon sabi ni Mama wag na daw tayo magpakasal kasi malulungkot daw siya di siya sanay na wala ako dito sa bahay!" Mabilis kong sabi sabay takbo sa tabi ni Martin pero kahit anong bilis ng takbo ko inabot parin ako ng hampas ni Mama.

"Siraulo kang bata ka kung ano-ano pinagsasabi mo!"

"Sinasabi ko na talaga Ma eh, nasuhulan ka na talaga ni Martin!"

Sabay baling ko kay Papa.

"Ikaw Pa, nasuhulan ka narin ba?" Pa inosente kong tanong.

"Oo, masarap yung bigay niyang wine eh."

"Hala grabe sila huhu...huhu...!"

"Ako din Ate nasuhulan niya! Ganda kasi ng gitarang bigay niya eh."

"Isa ka pa! Maghain ka na nga dun. Sipain kita diyan eh." Pandidlat ko kay Mike.

"Ikaw lang naman ang hirap suhulan!" Bulong ni Martin.

"Kahit di mo nga ako suhulan wala na din naman akong magawa kasi nasuhulan mo na sila!" Sabay kurot sa kanya.

"Syempre para wala ka ng kawala." Proud pa niyang sagot sabay akbay sa akin palabas ng kwarto ko para bumaba na at nauna na sa amin sila Mama at Papa samantalang si Mika nagpunta muna sa kwarto niya para itago yung bago niyang gitara.

Pagbaba namin naghahain na si Mama habang naka upo si Papa sa dinning table namin.

"Upo ka na, tulungan ko lang si Mama." Utos ko kay Martin na agad naman sumunod.

Matapos namin maghapunan pinauwi ko na si Martin para nga sana makapag pahinga na pero ewan ko ba sa lalaki itong ang hirap pauwiin.

"Uwi ka na!"

"Mamaya na maaga pa naman!"

"Anong maaga nine na ng gabi! May pasok ka pa bukas."

"Maya na mga twelve!"

"Hindi umuwi ka na!"

Buti nalang nasa kwarto na sila Papa samantalang si Mama nasa kusina nagliligpit. Yung magaling kong kapatid nasa taas na at nagpapatugtog na ng gitara niya. Kaming dalawa lang sa may sala habang nagtatalo.

"Aga pa nga!" Nagtatampo niyang sabi.

"Hon, magkasama na tayo ng isang lingo umuwi ka na."

"Five days palang kaya."

"Anak ka ng tokwa umalis ka na nga!"

"Ayaw mo na kong makasama?"

"Hon may pasok ka pa bukas, umuwi ka na para makapagpahinga ka naman."

"Ayaw ko pa!" Muli niyang tangi.

"Sige na please!" Pero di parin talaga siya nagpatinag.

"Sige ganito nalang punta na lang ako bukas sa office mo after lunch dalhan kita ng lunch."

Pag-aalo ko.

次の章へ