"Good Morning Ma!" Mahina kong bati kay Mama habang pababa ako ng hagdan kagigising ko lang halos kung di pa ko kinatok ni Mike para sabihang tapos na siya maligo at ako na ang susunod di pa ako magigising.
"Puyat a puyat ka ah!" Sagot ni Mama sa akin habang naghahalo ng sinangag sa kawali.
"Hmmm!" Tanging sagot ko bago ako pumasok sa banyo.
Nung mabasa ako ng tubig biglang nawala yung antok ko paano ba naman sa ganitong panahon super lamig na ng tubig daig mo pang naligo ng may yelo. Kaya pinaspasan ko yung paliligo isa pa tanghali narin ako malamang si Papa naman ang magagalit sa akin kung nagkataon buti nalang naka limutan na ni Mama yung issue namin kagabi. Ganun naman si Mama kung anong nangyari kahapon pagtinulog niya limot na niya yung lahat.
Paglabas ko ng banyo agad akong umupo sa lamesa di muna ako nagbihis kasi andun na sila Papa at hinihintay nila ako para makapag simula na kaming kumain. Binilisan ko ang pagsubo kasi nga need ko pang magbihis ng pamasok samantalang sila Papa at Mike naka gayak na.
"Tara na Pa!" Yaya ko kay Papa pagsakay ko sa kotse niya na agad naman nitong pinaandar yung sasakyan.
"Puyat pa more!" Pang-aasar ni Mike sa akin.
"Bugbugin kita mamaya more!" Sagot ko naman sa kanya habang inaambahan ko siya ng suntok.
"Ikaw na nga ang dahilan kung bakit male-late kami ni Papa ikaw pa mambubugbog!" Reklamo ni Mike habang naka tingin sa bintana pero halatang naiinis siya. Di na ko sumagot kasi nga naman totoo naman sinabi niya. Si Papa nanatiling walang kibo hanggang ibaba na niya ako.
Pagdating ko sa office agad akong kumuha ng allowance ko kasi nga kailangan kong pumuntang Cavite para dun sa client naming si Mr. De Jesus. Agad akong bumiyahe papuntang Kawit para maaga matapos.
Pagdating ko sa site mag e-eleven na ng tanghali agad kong hinanap si Mr. De Jesus para matapos kagad yung problema niya.
"Michelle buti andito ka na!" Masayang bati sa akin ni Mr. De Jesus ng magkita kami sa looby ng hotel niya.
"Yes Sir, need niyo daw po ng support kaya pinapunta po ako dito ni Boss Helen!" Magalang kong sagot kahit sa totoo lang nasasagwaan ako sa pagkaka tingin niya sa akin alam mong may malisya.
Nasa fourtees na ung edad ni Mr De Jesus pero binata parin siya according sa kanya wala paraw nagpapatibok ng puso niya kaya di siya nag-asawa. Mapili pa ang Lolo nasabi ko sa sarili ko nung ikinuwento niya sa akin yung rason kung bakit siya nanatiling single sa edad niyang yun. Nung kabataan daw niya ang dami daw babaeng nagkakandarapa sa kanya dahil siya daw ang pinaka gwapo noon pero habang tinitinggnan ko siya di ko makita yung sinasabi niyang "GUAPO" di naman sa mapanglait ako or ano ha paano mo masasabing guapo napakalaki ng mata niya na parang owl tapos ang ilong Dyosko para naipit ng pison at ang kapal ng labi mabuti na lang maputi siya kasi kung nagkataon pang maitim siya naku kawawa lalo. Feeling ko isa siyang buda kasi ganun ang katawan niya ang pinagkaiba lang nila malaki mata niya.
Ang tipo daw niyang babae ay yung kagaya ko simple saka di maluho sa katawan kaya kung gusto ko daw siya ay willing naman daw niyang pakasalan ako kahit di naman daw ako kagandahan pwedi na daw ako sa standard niya di ko tuloy alam kung iuuntog ko siya o yung ulo ko yung iiuntog ko para makita ko yung sinasabi niya. Naputol ang pag-iisip ko ng muli siyang magsalita.
"Kain mo na tayo Michelle para busog ka bago magsimulang magtrabaho."
"Hindi Sir okey lang po ako busog pa naman ako." Magalang kong tanggi.
"Wag ka ng mahiya sagot ko ito saka masarap yung pinahanda kong pagkain puro yung seafood!" Pagyayabang niya sa akin. Pero nung makita niya na may intensyon parin akong tumanggi muli siyang nagsalita.
"Once in a life time ito Michelle na yayain kita sa susunod ikaw na dapat ang manlibre sakin alam mo naman di ako easy guy!" Sabay kindat sakin parang nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan sa kilabot parang gusto ko ng umuwi.
"Nakakahiya naman Sir!"
"Wag ka ng mahiya, Minsan ka lang makakasabay ng guapo kaya dapat grab mo yung opportuniting ito!" Narcissistic na tao ang tingin ko sa kanya. Wala na kong nagawa ng hilahin na niya yung kamay ko pero agad ko yung hinila pabalik
"Sige po Sir sunod po ako!" Sagot ko sakanya nung matigilan siya dahil sa paghila ko sa kamay ko.
"Nahihiya ka pa na makita nila tayong intimate wag kang mag-alala di naman kita ikinakahiya!" Nakangiti niyang sabi sakin.
"Hehe..hehe...! Plastic kong tawa napa kamot na lang ako sa ulo ko habang umiiling. Dahil sa ginawa ko di na siya nagtangka pang muli akong hawakan.
Naglakad kaming magkasabay pero may distansiya dinala niya ko sa bandang likuran ng hotel kung saan may maliit na garden at pool. Tanaw mo rin yung dagat kaya lang kasi mabato ang dagat sa area na ito kaya di masyadong pinapaliguan pero kahit papano panalo parin sa view at ambiance ng lugar lalo pa nga yung swimming pool na pinatayo ni Mr. De Jesus is infinity pool na nahahati sa tatlong bahagi may pang professional swimmer na ang lalim ay umaabot ng 10ft ang middle na may 6ft at ang pang bata na 3ft. Pabilog yung design ng pool niya na talagang kaakit akit yung kulay blue niyang tubig parang gusto ko tuloy biglang mag swimming.
"Dito tayo Michelle!" Yaya sakin ni Mr. De Jusus papunta sa isang malapad na lamesa na nasa ilalim ng isang puno ng mangga kung saan napupuno ito ng mga pagkain gaya ng hipon, crabs, pusit at meron ding isda at mga prutas.
"Anong meron Sir?" Di ko napigilang itanong baka kasi may okasyon na di ko alam.
"Ano ka ba naman Michelle dalawa lang tayo dito kaya wag mo na kong tawaging Sir, call me Arman." Nahihiya pa niyang sabi.
Di ko tuloy malaman kung anong sasabihin ko or kung paano ako magrereact sa sinabi niya.