webnovel

I don't like you

"Ms. Michelle gusto po kayong makausap ni Sir Martin!" Sabi ni Sir Ronald nung maka lapit na siya amin.

Bahagya pa kaming nagulat ni Sir Arnold nung magsalita si Sir Ronald paano di namin siya napansin tapos parehas pa kaming seryoso sa ginagawa namin.

"Ako na tatapos niyan Ma'am! Punta na po kayo!" Pagmamagandang loob ni Sir Arnold. Kaya agad ko sa kanya inabot yung screw driver para maisara yung device.

"Sige po Sir, salamat! Sagot ko naman at tuluyan ng tumayo. Bahagya ko pang pinagpagan yung pantalon ko para matanggal yung alikabok. at dumi.

"This way po Ma'am!" Sabi ni Sir Ronald.

Tumango lang ako at sumunod kay sakanya. Habang naglalakad kinuha ko yung panyo sa bulsa ko para punasan yung pawis ko sa muka. Iniwan ko muna yung bag pack ko na ibinilin ko kay Sir Albert. Kunin ko nalang sa kanya mamaya.

Makalipas ng ilang minutong paglalakad huminto kami sa isang pintuan na may nakasulat na confference room. Agad kumatok Sir Ronaldo.

"Sir andito n po si Ms. Michelle!" Sigaw niya mula sa labas.

"Sige pasok!" Sagot nung tao sa loob na alam kong si Martin base sa timbre ng boses niya.

"Ms. Michelle pasok ka na!" Utos sa akin ni Sir Ronald nung mabuksan niya yung pinto kaya kahit kinakabahan ako pumasok parin ako. Pagtataka ko lang di na sumunod sa akin si Sir Ronald kaya lalong tumindi ang tibok ng puso ko lalo ng isinara niya yung pinto.

Napa tingin ako sa lalaking naka upo sa bandang unahan ng lamesa na di man lang ako tinapunan ng tingin dahil yung full attention niya ay nasa papel na hawak-hawak ng kaliwa niyang kamay samantalang yung kanan naman niya ay may hawak ng ballpen.

"Hi Sir good morning!" Muli kong bati nung magtaas siya ng tingin marahil napansin niya na nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kanya.

"Sit down Ms. Michelle!" Command niya sa akin at muling binalingan yung papel na hawak niya na pinirmahan niya. Matapos niya yung gawin inayos niya ito at ipinasok sa loob ng isang envelop at itinabi. Pagkatpos niyang magligpit muli niya kong tiningnan habang naka taas ang kilay na parang nagsasabi na "Ano ayaw mong umupo?"

Kaya dahan-dahan akong umupo sa bandang kanan niya. Sinadya kong umupo sa upuan na medyo malayo sakanya para di siya masyadong maasiwa kasi nga baka ayaw niya talagang mapa lapit sa babae. Habang lumalapit ako naka tingin parin siya sa akin at di niya yun inaalis hanggang sa maka upo kaya ako naman nanatiling naka ngiti kahit pa sa loob ko gustong gusto ko na talaga siyang suntukin.

"I DON'T LIKE YOU!" Bigla niyang sabi sakin nung maka upo na ko.

"Huh???" Maraming question mark ang nakapaskil sa muka ko.

"Anong connect? Di rin kita gusto!" Gusto kong isigaw sa muka niya. Pinipigilan ko lang kasi nga iniisp ko talaga si Boss Helen kaya nanatili akong nakatingin ako sa muka niya at ganun din siya sakin.

Hinihintay kong elaborate niya sana yung sinabi niyo kung bakit ayaw niya sa akin or kung anong nagawa kong kasalanan pero makalipas ng ilang minuto nanatili parin siyang nakatingin sa akin at tikom ang labi di na siya nagsalita kaya wala akong nagawa kundi biglang matawa.

"Haha... Haha...! Feeling ko kasi napaka walang kwentang joke yung sinabi niya. Akala ko makakakuha ako ng reaction or comment dahil sa pagtawa ko pero nanatili parin siyang naka tingin sa akin bahagya lang na kumunot ang nuo niya na parang nagsasabing "What' so funny?"

Kaya di ko mapigilang magsalita na kasi wala naman akong oras makipag titigan sa kanya or magbasahan ng isip kaya para matapos nagsalita na ko.

"Alam mo Sir di rin naman kita gusto." Banat ko na medyo napapa iling pa kasi nga di ako makapaniwala na yun ang sasabihin niya sa akin.

"At saka di naman po ako pumunta dito para magkagustuhan tayo! Andito ako para gawin ang trabaho ko at siguraduhing gagana yung security ng hotel niyo. Kaya di ko maintindihan anong problema at galit ka sakin?" Diretso kong tanong sa kanya. Bahagya ko ring itinaas yung kilay ko para alam niya na di lang siya ang marunong magtaas ng kilay.

Pero sa halip na magpaliwag or sagutin yung tanong ko, Muli lang niya inulit yung sinabi niya.

"Basta i don't like you... tapos!" Sabay sandal sa upuan at muling pinag cross yung mga braso sa dibdib niya pero nanati sa akin ang mga mata niya.

"So anong gagawin natin?" Tanong ko para matapos na. Ginaya ko rin yung position niya sumadal din ako sa upuan at pinag-cross ko rin yung braso ko sa dibdib niya at tinitigan ko din siya.

"I want you to leave!" Matigas niyang sabi sakin habang pinangdidilatan niya ko ng mata. Malang nagalit kasi nga ginaya ko siya.

"Eh di umalis sagot ko naman!" Sabay tayo at dirediretsong lumabas ngi di ko na siya nilingon. "Kala niya siguro magmamakaawa ako sakanya ang yabang yabang porkit siya may ari at dahil di lang niya ko gusto papalayasin ako kagad. Akala naman niya gusto ko siya." Sambit ko sa sarili ko.

Pero dahil nga sa inis ko di ko mapigilang mapasigaw sa saradong pinto.

"HOY DI KITA GUSTO ANG PANGIT MO!" Sabay alis. Wala na kong paki kung narinig ba niya ako o ano atleast nasabi ko yung nasa loob ko. Muli akong bumalik sa parking lot para kunin yung bag ko na naiwan. Nagpasalamat ako kay Sir Arnold at tuluyan ng umalis.

Nasa tricycle na ko pero nagpupuyos parin ako sa galit kaya bahagya kong pinikit yung mata ko para kumalma. Nung magmulat ako biglang kong naisip si Boss Helen.

"Putik patay ako nito!" Nausal ko sabay hawak sa noo ko na bigalang sumakit.

"Hay naku Michelle bakit di ka nalang nagmakaawa big project mo 'to eh... pano na plano mong kotse, bahay...!" Paninisi ko sa sarili ko habang hinahampas ko yung noo ko. Natigil lang ng biglang tumunog yung phone ko sa bag.

"Eto na siya!" Sambit ko.

Di nga ako nagkamali si Boss Helen nga yung tumatawag pero kahit anong ring niya di ko siya magawang sagutin.

"Anong sasabihin ko...isip isip.. naka apat ng ring yung cellphone ko pero di ko parin sinasagot di ko alam anong palusot ko." Nanginginig na yung kamay ko habang pinagpapawisan na ko ng malamig.

I'm starting to edit yung chapter gagawin ko kasi siyang 1000+ word yung lahat ng chapter plus some revision regarding some charecter ang events.

Hope you understand...

Salamat...

pumirangcreators' thoughts
次の章へ