webnovel

Unbalanced assassins

Gian's Pov...

Nasa base na kami at maayos ng nalinisan ang mga sugat ko pero si Dugo ay nasa medical site ng temple at inooperahan pero hindi ako nag aalala sa babaeng yon dahil naniniwala akong ang masamang damo ay hindi kaagad namamatay at si Amasona ay nasa underground prison.

Pero...

Mas naaawa ako sa kalagayan ko ngayon.

"Girlfriend ayos ka lang ba talaga" nakakadiring tanong sa akin ng lalaking nakayakap sa braso ko tsk, nabibwisit na talaga ako ha.

Ano ba talagang kailangan sa akin ng lalaking 'to.

"Grabe ka talaga pre nakayakap ka kaagad ah samantalang hindi mo naman pala siya girlfriend napakasinungaling mo talaga." Sabi nung isang lalaki na hindi ko na matandaan ang pangalan tch pakelam ko sa kanila.

Hinawakan ko sa mukha yung lalaking nakayakap sa akin at inilayo sa akin at tumayo na ako.

"Girlfriend san ka pupunta?" Nakakadiring palambing na tanong sa akin ng lalaking nakayakap naman ngayon sa binti ko.

"Bitaw" walang emosyon kong utos pero hindi pa rin niya binibitawan at nakalimutan ko bang sabihin na nakapalda ako.

"Bitaw" medyo naiinis ko nang utos at iwinasiwas ang paa ko para mapabitaw siya.

Nang makabitaw siya ay madali akong lumabas para hindi ako mahabol.

Papunta ako ngayon kung nasaan si Dugo at mukhang tapos na ang pag oopera sa kanya kaya dumiretso na ako sa kwarto niya. Umupo ako sa unan na nakalagay sa sahig.

"Dugo" Tawag ko sa kanya at unti unting bumukas yung mga mata niya. "Good morning" Napangiti lang siya sa sinabi ko. "Hindi naman umaga Gian eh, ang laki laki ng buwan oh" Turo niya sa buwan sa nakabukas na pintuan na kakabukas ko lang kaya napatayo ako para isarado.

"Wait Gian, hayaan mo lang" Dahil sinabi niya ay hinayaan ko na lang.

"Hello Ranzel" napatingin ako sa nagsalita mula sa pintuan patungo sa labas at mukhang sumunod ang mga makukulit na gangster.

"Aalis na ako Dugo" Paalam ko sa kanya dahil may pupuntahan pa ako at mukhang mag eenjoy naman siya dahil maraming lalaki.

"Wait Gian" Nag thumbs ako sa  kanya at ngumiti ng nakakaloko.

"Gian aalis ka na agad?" Tanong sa akin ng nakakainis na lalaki pero winasiwas ko lang ang buhok ko at hindi siya pinansin.

Dumiretso ako sa underground prison at dadalawin si Amasona at habang tumatagal ay nagiging kakaiba ang pakiramdam ko.

Nang nasa harap na ako ng selda niya ay hindi ko alam kung maaawa ako.

Nakayakap siya sa mga binti niya at may binubulong na hindi ko alam.

"Mukhang nanalo ako Amasona" Napatingin siya sa akin at napansin kong parang nawala ang kulay ng mga mata niya.

"De... demonyo ka na... nasaan ang papa ko! " Sigaw niya na galit na galit ang tono. Hindi ako makapaniwalang pinagkatiwalaan ko ang isang oatulad niya.

"Tama lang ang nangyari sa ama mo dahil napakarami na niyang inagrabyadong tao para lang yumaman siya, hindi ba Kanari"

Sagot ko sa kanya na walang halong emosyon.

"Maraming nasaktan dahil sa kasakiman ninyo, pati ang mga mahal na prinsesa ay nadamay, hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mong pagsisinungaling Kanari kahit kaibigan ka pa ni Delos Santos.

Mababakas ang takot sa mga mata niya at nagsimula na namang yakapin ang sarili.

Tsk, traydor.

Cassandra's Pov...

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, hindi ako makapaniwalang natakot ako kay Gian kahit siya ang leader namin ay ni isang beses ay hindi pa ako naintimidate katulad ng nangyari kanina.

Kakaiba ang ugali ni Gian, hindi mo alam kung ano ang iniisip. Kaya isa siya sa mga pinakamalaking balakid sa plano namin.

Mahirap siyang basahin.

Kailangan kong makaalis dito at makasigurong mailigtas si papa.

"Kana... kana"

Kinabahan ako sa boses na narinig. 'Papa' madali akong tumingin sa labas ang nagpalinga linga para malaman kung nasaan si papa.

"Pa... papa nasaan ka papa!" Kinakabahan ako para kay papa.

Please pa wag mo kong iwan tulad ng ginawa ni mama.

"Na... nandito ako sa kabila" nang maging malinaw ang boses ni papa ay tumabi ako sa pader kung nasaan siya. Sinubukan kong abutin siya sa gilid at nang mahawakan ko ang balikat niya ay naging mahinahon ako. Salamat naman at ok lang si papa.

*screech*

Napabitaw ako kay papa ng narinig kong bumukas ang pintuan. Nang nasa harap ko na siya ay wala akong ibang nagawa kundi ang matakot.

"Hello Kanari Rin" saad niya na may kakaibang ngiti sa kanyang labi. "Maawa po kayo sa amin sensei, ako na lang po ang patayin niyo pakawalan niyo na si papa" Biglang naging seryoso ang mukha niya kaya napaatras ako sa takot.

"Your father will be tortured and you will watch him die that is my punishment for your sins or should I say consequences" Hindi ako makapaniwala na ganito siya kabrutal na tao, lagi siyang lumalayo sa iba at laging seryoso ang mukha pero hindi ko inakalang wala siyang pakealam kahit na kilala niya ako at gusto pa niyang patayin si papa.

"Hayop ka! Lalabas ako dito at papatayin kita hindi mo..." Napatigil ako sa pagsigaw ng bigla niyang susian ang kandado ng selda ko ng mabuksan niya ito ay ibinato niya sa akin ang mga susi.

"Ba... bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Actually that was my punishment for you but I know my Miki will never forgive me if I kill you, by the way I'm amaze how you want your father to live. Hurry up and get your father to be treated. " Umalis siya na nakangiti ng mapait. Oo nga pala patay na ang papa ni Adam sensei. Dumiretso ako sa kabilang selda at madaling binuksan ito.

"Papa ayos lang ang lahat naiintindihan tayo ni Sensei." Pinaakbay ko si papa sa akin at tumayo para lumabas ng kulungan pero ng nasa labas na ako ay may nakita akong babae na inaalalayan ng isang lalaki habang nakatingin sa akin at umiiyak.

"Nakakainis ka Cass!" Bumitiw siya sa lalaki pero dahan dahan siyang lumapit sa akin habang hawak ang tiyan na sinaksak ko. Nang makalapit na siya ay niyakap niya ako.

*hik*

"Akala ko papatayin ka ni Adam sensei uhuhu" Kakaiba ang babaeng ito ako ang sumaksak sa kanya pero parang wala lang sa kanya.

Niyakap ko rin siya gamit ang kamay na libre at umiiyak.

"Uhuhu sorry Ranzel uhuhu"

Kaibigan ko ngang talaga ang isang ito.

A suivre...

Perehas po ng itsura yung kwarto ni Ranzel at Adam kasi nasa temple sila kaya ibig sabihin pwedeng buksan yung malaking pintuan doon tsaka nakafuton si Ranzel kaya unan ang upuan.

YumenoKisekicreators' thoughts
次の章へ