Heidi's Pov...
Pagkagising ko ay nakita ko ang puting kisame na pamilyar sa akin.Nasa bahay ako pero paano naman sya nakapasok sa oras na ito?
*tok tok*
Napatigil ako sa pag-iisip dahil sa kumatok.
"Heidi anak gumising ka na may pasok ka pa at diba sabi mo ngayon ang sport's festival ninyo"nagulat ako sa sinabi ni mama oo nga pala agad agad akong tumayo at nag ayos, pagkalabas ko ay dumiretso ako sa kusina para kumain.Habang kumakain ako ay may biglang tinanong si mama sa akin.
"Anak sino yung naghatid sa iyong lalaki kahapon?" Nabilaukan ako dahil sa sinabi ni mama at nang makarecover ako ay tinignan ko sya.I..ibig sabihin nagpakita na sya kay mama."Ka..kaibigan ko pa sya hehe" Nakakainis bakit kasi sya nagpakita eh."Kung kaibigan mo sya eh bakit sya nagpaalam na manliligaw sya" Napahinto ako sa pagkain dahil sa sinabi ni mama.Ano daw?Nakakahiya ang ginawa nya.
"Hi..hindi ko alam sa kanya"sabi ko habang nakayuko.
*ding dong*
Kung sino man ang nagdoorbell maraming salamat dahil nakatakas ako sa interrogation ni mama na wala namang kwenta."Oh tamang tama anak andito ang pinag uusapan natin" This time tubig naman ang dahilan kung bakit ako nabilaukan at nakita kong tumakbo papunta sa akin si Adam at tinanong kung ayos lang ako at pumaypay lang ako ng kamay sa kanya para sabihing ayos lang ako.
Mabilis kong kinuha ang bag ko at tumakbo palabas hila hila si Adam."Alam mo ba ang mga pinagsasasabi mo kay mama?!" Sabi ko na may galit na tono."But I'm really sincere about it" Dahil sa sinabi nya ay nakaramdam ako ng pag init ng mukha at parang sobrang nahiya ako pero hindi ko naman alam ang dahilan kaya tumakbo ako kaagad papuntang bus stop bahala sya sa buhay nya dun kung ano-ano kasi pinagsasabi eh.Grabe ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko baka may sakit na ako sa puso.
Nang dumating na ang bus ay papaakyat na sana ako ng biglang may nagsalita sa likod ko."Why did you ran?"dahil sa gulat ko ay muntik na akong malalaglag sa bus pero sinalo nya ako."Carefull"sabi nya at dahan-dahan akong itinulak sa loob at inalalayan nya akong makaupo.Tsk ano ba itong ginagawa ko.
Pagkarating sa school ay bumaba kaagad ako dahil natetense talaga ako pero napatigil ako ng makita ko ang itsura ng school.Omygod anong oras na?Ito nga pala ang dahilan kung bakit ako nagising kanina nakalimutan ko, si mama kasi eh.Tumakbo na kaagad ako room kung saan magmemeeting ang mga class president.
"Sorry I'm late!" Sigaw ko pagkabukas ko ng pinto at napatingin naman sila kaagad sa akin. Napakamot ako ng ulo at nagsorry pagkatapos ay pinaupo na nila ako. Pinagmeetingan lang namin ang listahan ng pagkasunod sunod ng mga sports then pinaalalahanan kaming ayusin yung mga booths at idinissmiss na kami.
"Hey Heidi sino yung rude na lalaking humatak sa iyo kahapon?" This time nagulat ako dahil biglang nagsalita si Trance na hindi namalayang nandoon pala kanina,oo nga pala isa rin syang presidente."Ahhm kaibigan ko iyun, oo kaibigan ko" Sabi ko sabay kamot ng ulo."Kung ganon may kaibigan ka palang may malakas na grupo" Tumango lang ako at tumakbo, ayoko talaga ng mga tanong kasi wala ako minsang mahanap na sagot.
Pagkalabas ko ng school building ay marami ng booths ang nakaayos at marami na ring mga estudyante ang nasa school at lahat sila ay papunta na sa Gym kaya sa Gym ako dumiretso. Base sa listahan ang unang spots na paglalabanan ay Fencing, sa school kasi namin pinagsama sama ang mga may magkakaparehang sports at pinaghahati iyon sa iba't ibang grupo at ang grupong mananalo ay ipanglalaban sa ibang mga elite na eskwelahan.
Nagsimula na ang fencing kaya pumasok na ako sa loob pero pagkapasok ko ay iba na ang sport na ginaganap siguro kanina pa yun ginanap at nang tiningnan ko ang oras sa listahan ay tama nga. Kanina pang umaga ginanap yung fencing at table tennis naman ang ginaganap ngayon.
At dahil parang nakakaboring manood ng table tennis ay lumabas kaagad ako ng gym. Nang nasa labas na ako ay nakita kong may kinakausap si Trance na lalaki at kakaiba yung pinahihiwatig ng mga mata nya parang sobrang lungkot. Ano kayang dahilan?
Di ko nalang pinansin at umalis, pagkatalikod ko ay may nabangga ako at deretso namang nagpaumanhin yung nabangga ko."So... sorry" Pagkakita ko sa mukha nya ay ngumiti lang ako."Ok lang pero may gagawin ka ba sa araw na 'to?" Tanong ko sa kanya "me... Meron pero mamaya pang hapon bakit?" Sagot nya,mamaya pa palang hapon kaya pwede ko syang isama sa pag-iikot."Tara Seira samahan mo kong mag ikot" Hindi na sya nakapagsalita at hinila ko na sya kaagad.
"Sa..saan tayo pupunta miss Heidi" Sabi nya habang hinihila ko sya kaya napatingin ako sa kanya pero nabangga naman ako sa taong nasa harap ko at pagtingin ko ay nakita ko si Adam.Napatingin ang dalawa sa isa't isa. "He..Hello kuya Kiev" Bati ni Seira sa kuya nya at pagkatapos ay sya nagtago sa likod ko. Bakit ba sya nagtatago sa kapatid nya, si Adam naman parang hindi naman nya nakita si Seira at umalis. Wow ganon lang iyon hindi nya pinapansin ang kapatid nya at kahit ako pero ayos yun kung ganon isasama ko na alang lagi si Seira sa akin para hindi ako lapitan ni Adam.
Adam's Pov...
Shit,why do I need to see that sister of mine,I'm doing my best to avoid meeting her.If only they doesn't make that mistake then father will be alive and we will be a happy family,I really hate my mother and sister.
A Suivre..