webnovel

The Revelation

"Everything's set as planned. All I have to do is wait till Carlie Samantha Gilbert Winchester draw the first call." 

Paulit-ulit na napapanaginipan ni Cydee ang paghingi ng tulong ni Cornelia. Tila umiiyak na ito sa kawalang pag-asa na makalabas mula sa pagkakakulong sa sariling katawan. Nagising si Cydee ng hahawakan na niya ang kamay ni Cornelia sa panaginip ay bigla itong nilamon ng itim na usok at nawala.

"Cornelia!" bulalas niya. "Ano ba ang ibig sabihin nun? Dapat akong mag-imbestiga dahil hindi na rin pangkaraniwan ang kinikilos ni Cornelia sa mga nagdaang araw." bumangon na siya at lumabas ng kwarto. Pagkalabas niya ay walang katao-tao sa living room. Tila walang tao sa loob ng mansion. Kahit mga ingay na gawa ng mga batang naglalaro ay wala rin. Napa-isip siya kung saan napunta ang mga taong nakatira kasama niya. Sa tapat niya ay may biglang shadow na nagpakita, kahit hindi niya makita ang mukha nito ay alam niyang nakatitig ito sa kanya. Pinaikutan siya ng mga maiitim na usok katulad ng laging humaharang sa bawat divination niya. Handa na itong lamunin siya anumang oras.

"Cydee! Cydee!" naramdaman na lamang niya na niyuyugyog siya. Ibinuka niya ang mga mata at nakita ang nag-aalalang si Charlemagne na panay ang tawag sa pangalan niya.

"Charle—"

"Buti naman at gising ka na. Kinabahan ako sayo akala ko kung napano ka na."

"Akala ko gising na ako, panaginip pa rin pala ito. Paano ka pala nakapasok sa kwarto ko?"

"Tungkol jan--" ininguso ni Charlemagne ang wasak na pintuan sa silid ni Cydee.

"Waaaa! bakit mo naman winasak?"

"Kase— basta nag-alala ako sayo."

"Nag-aalala ka? Hmmm bago yan sa pandinig ko ah." nakangiti si Cydee na ubod ng tamis.

"Ano ba iniisip mo't nakangiti kang ganyan? Huwag kang mag-assume ng kung anu-ano nakakasakit yan." pagkasabi ay umalis na si Charlemagne.

"Wag daw mag-assume kita naman sa kinikilos niya. Hahaha."

"Ano sabi mo?" nakadungaw pa pala si Charle sa labas ng silid nito.

"Ah wala, wala akong sinabi ay meron pala. Ang gwapo mo Charlemagne." halatang nagustuhan ni Charle ang narinig at nakangisi na itong umalis.

Inalala muli ni Cydee ang sitwasyon ni Cornelia. Pilit niyang kinokonekta ang lahat at sa isang konklusyon lang ito napunta. Ang shadow na akala nilang nagliligtas sa kanila ay siya palang may pakana ng lahat. Pero ano ang gusto nitong mangyari? Yan ang hindi niya pa alam. Sa ngayon ay sisimulan na niyang hanapin ulit si Cyrus, alam niyang nasa loob lang ito ng mansion. Pero sa tuwing dadaan siya sa tapat ng kwarto ni Cornelia malakas ang kutob niyang nasa loob si Cyrus. Sa nakalipas na mga araw ay sina Nigel at Cornelia na ang laging magkasama. Si Carlie naman ay mas pinili pang umalis ng mansion kesa makita yung dalawang nagkakatuwaan. Pero sa hindi malamang rason ay hindi siya nakaka-alis ng mansion kahit gustuhin man niya. Wala rin siyang event na pupuntahan dahil puro cancelled ang mga ito. Kahit pa magkulong siya sa kwarto ay hindi niya kayang hindi tignan si Nigel. Unti-unting namuo sa puso niya ang matinding selos at galit na dala nito. Pinipilit niyang magtimpi dahil alam niyang hindi pa natatanggap ni Cornelia ang pagkawala ni Vladimar.

"Carlie." tawag sa kanya ni Nigel.

"Hmm?" tinalikuran niya ito.

"Carlie mag-usap tayo. Ilang araw mo na akong iniiwasan, paki-usap ayusin natin to." hawak ni Nigel sa braso nito.

"Anong pag-uusapan natin?"

"Carlie please, alam kong nagagalit ka pero namimiss na kita."

"Miss? ang saya-saya mo nga pag kasama mo si Cornelia tapos pupunta ka dito sasabihin mong miss mo ako? Lokohin mo na lahat wag lang ako Nigel!"

"Carlie please, natutuwa ako dahil sa mga bata at sa pakikitungo niya dito hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya."

"Kaibigan?" isang boses ang sumabat mula sa likuran nila.

"Cornelia." dueto ng dalawa.

"Nigel hanggang dun lang ba talaga? Akala ko nung hinalikan mo ako kagabi may nararamdaman ka na rin para sakin." nakayuko si Cornelia na naiiyak.

"Kita mo Nigel naghalikan pa nga kayo tapos sasabihin mong kaibigan lang?!" sa tono ni Carlie halatang sasabog na ito sa tindi ng nararamdaman nitong selos.

"Nigel, h-hanggang ngayon pala niloloko mo lang ako? Akala ko ba nagka-usap na kayo. Handa kong ibigay ang lahat sayo." niyakap ni Cornelia si Nigel na nakatalikod sa kanya at sabay iyak.

"Cornelia bitawan mo nga ako. Anong halikan at anong usapan? Gumagawa ka lang ng kwentong hindi naman totoo." tinanggal ni Nigel ang pagkakayakap nito sa kanya.

"Nigel please. Huwag pati ikaw mawala sakin. Nawala na nga si Vladimar at ang katawang yan nalang ang natira sa ala-ala niya." hinawakan ni Cornelia ang batok nito at hinalikan sa harap ni Carlie. Nandilat naman ang mga mata ni Carlie sa ginawa nito.

Habang nangyayari ang komosyon sa baba ay nakahanap ng tyempo si Cydee na pasukin ang kwarto ni Cornelia. Sa loob ay hinalughog niya ang lahat ng gamit nito at tinignan ang lahat ng pwedeng pagtaguan niya kay Cyrus. Binuksan na niya ang mga kabinet, tinignan ang banyo at ang huli niyang tinignan ay ang ilalim ng kama nito. Paghawi niya sa bedsheet ng kama ay nakita niya ang paa ni Cyrus, agad niya itong hinila palabas. Sa itsura nito ay matagal na itong natutulog at walang kain sa loob ng anim na araw. Halos isang linggo si Cyrus sa ilalim ng kama nito. Mas lumakas ang hinala niyang may nangyayaring hindi maganda kay Cornelia at tanging si Cyrus lang ang makakasagot nito. Sa pagkawala naman ni Cyrus ng ilang araw ay ang sabi lang ni Cornelia ay may pinuntahan itong site na pagtatayuan ng project ng isang construction firm at doon ito magsta-stay. Pero ang kasinungalingang iyon ay nabuking na sapagkat nakita na ni Cydee si Cyrus. Ngayon ang tanging dapat niyang gawin ay gisingin ito sa pagkakahimbing. Doon niya naalala ang laging pinapanood ng mga bata na fairy tale na hinalikan ng prinsipe ang prinsesa at ito'y nagising.

"Ano ba naman tong naiisip ko. Pero baka nga may mga instances na ganun. Wala namang makaka-alam." dahan-dahang inilapit ni Cydee ang mukha kay Cyrus at nilapatan ito ng isang halik. Naghintay siyang magising ito pero walang nangyari.

"Sabi na nga ba eh hindi totoo yung pinapanood ng mga bata." naghanap si Cydee ng maaaring pangontra para sa kalagayan ni Cyrus. Hindi rin siya pwedeng mag-ingay at baka marinig siya. Nakita niya ang papel na may nakasulat na formula ng sleeping potion, naisip niya baka ito ang ginamit ni Cornelia sa kakambal nito. Sa ibabang bahagi ay nakita niya ang pwedeng pangontra nito. Dapat ang nagpatulog nito ang siyang ring gigising nito.

"Kailangan ni Cornelia na banggitin ang pangalan ni Cyrus para gisingin ito. At dapat nasa harap si Cyrus. Pero paano?" tamang-tama lang na napadaan si Charlemagne at tinawag ni Cydee.

"Charle! Pssst!" pero halos pabulong lang ito. Nakita niya ang isang sapatos at kinuha yun tsaka ibinato kay Charlemagne. Tinamaan naman ito sa ulo at napalingon.

"Shit! sino bumato nun?!" galit na saad nito. Nakita niyang sumesenyas si Cydee mula sa loob ng kwarto ni Cornelia. Hindi siya makatayo dahil nakahiga si Cyrus sa mga hita nito. Pinuntahan naman siya ni Charle at kina-usap.

"Charlemagne bilis!"

"Bakit ka nandito? Paano na lang pag nakita ka ni Cornelia na nasa kwarto ka niya."

"Tingnan mo kung sino to."

"Si-si Cyrus yan ah, akala ko ba nasa site siya para tingnan ang construction ng project nila."

"Yun na nga Charle. Wala ka bang napapansing kakaiba kay Cornelia?"

"Maliban sa pagiging sexy nito ngayon, wala na." kinuha naman ni Cydee ang kabilang pares ng sapatos na tinapon at ipinalo kay Charle.

"Puro ka biro!"

"Totoo naman e, ang sexy manamit ni Cornelia ngayon hindi tulad nung dati na halos hindi makitaan ng balat sa katawan."

"Hindi yun ibig kong sabihin." pinalo niya ito ulit.

"Nakakarami ka na Cydee. Sabihin mo nalang kasi na nagseselos ka. Kita mo si Carlie hindi inaaming nagseselos siya kaya ayon hindi mapalagay. Nagkakasagutan na nga sila ni Cornelia sa baba." pagbibigay-alam nito.

"Tamang-tama. Si Cyrus lang ang nakaka-alam kung bakit nagkakaganyan si Cornelia. At bakit nasa ilalim ng kama ni Cornelia si Cyrus samantalang sinabi niyang nasa site nga ito. May mali Charle."

"Siya nga pala Cydee, narinig ko pala si Cornelia nung isang gabi. Di ko maiwasang mag eavesdrop sa pinto niya dahil kinaka-usap niya ang sarili niya. Narinig kong sabi niya na malapit na at magsisimula na raw ang labanan."

"Tama nga pala yung hinala ko. Hmmm. Charle tulungan mo akong makahanap ng paraang mailapit si Cyrus kay Cornelia para magising siya. Yung hindi nalalaman ni Cornelia." nag-isip ang dalawa. Biglang may tumawag kay Charle at nakita niya sa cellphone nito ang pangalan ni Cassiel.

"Tama!"

"Anong tama Charle?" ipinakita ni Charlemagne ang cellphone nito.

"Tama nga, tumatawag si Cassiel."

"Hindi yun. Si Cassiel ang sagot sa problemang to."

"Ibig mong sabihin?"

"Kayang maging invincible ni Cassiel diba at lahat ng hawakan nito pag ginamitan niya ng kapangyarihan nagiging invincible din ito."

"Tama nga! Ang talino mo talaga Charlemagne kaya nga mahal ki——" tinikom niya ang bibig at napayuko.

"Iisipin ko nalang hindi ko narinig yun." sabay kindat kay Cydee. Sinagot naman ni Charlemagne ang tawag ni Cassiel at pinaki-usapang umuwi agad at isinalaysay ang planong naisip niya.

"Cassiel nasaan na kayo?"

"Malapit na kami sa mansion bakit ba?"

"Emergency umuwi ka kaagad pero kung maaari ay huwag kang magpapakita sa mga tao sa baba dumeretso ka sa kwarto ni Cornelia." pagkasabi ay ibinaba niya agad ito. Ginawa naman ni Cassiel ang sinabi ni Charlemagne at tumagos siya sa pinto ng mansion. Nakita niyang nagkaka-initan na ang sagutan nina Cornelia at Carlie. Pinipigilan na lamang ni Nigel si Carlie para hindi ito makapanakit ulit. Nakita pa niyang napalingon sa gawi niya si Cornelia at nagmadali siyang umakyat. Dumeretso siya sa kwarto ni Cornelia at napabuntong hininga. Nagpakita siya sa mga kasamang andun sa kwarto.

"Cassiel may naka-alam ba?"

"Ewan ko kung napansin ako ni Cornelia, napalingon sa gawi ko nung napadaan ako."

"Lagot dapat na tayong umaksyon ngayon bago pa mahuli ang lahat."

"So paano to? Hindi ko naman kayang buhatin yang si Cyrus eh."

"Ako bubuhat sa kanya."

"Ikaw yung bubuhat pero dapat nakakonekta kay Cassiel si Cyrus."

"Hmmm. Papasanin ko siya sa likuran ko tapos para kang nakahawak sa likod ko Cassiel."

"Sige subukan natin." ganun nga ang ginawa nila. Pasan-pasan ni Charlemagne sa likuran ang tulog pa rin na si Cyrus at naka-alalay sa likuran nito si Cassiel na nakawak sa likod ni Cyrus. Bumaba na sila para isagawa ang plano. Pero bago yun ay tinawagan na ni Cydee si Cloyce at sinabihan din sa plano nito. Nang makababa na sila ay inaawat na ni Nigel ang dalawa na makikita sa mukha ni Cornelia na nasampal na ito ni Carlie.

"Cornelia pabida ka kase palagi kaya yan ang bagay sayo!"

"Carlie tama na! Pinalalala mo lang ang sitwasyon."

"Awat na guys." kalmadong sabat ni Charlemagne na hindi pinapahalata na may binunuhat sa likuran nito.

"Cornelia pwede ka ba naming maka-usap?" saad naman ni Cydee.

"Tungkol saan?"

"Tumawag kasi si Cyrus kanina tapos tinatanong niya kung bakit hindi ka raw makontak."

"Ah talaga?" halatang hindi naniniwala si Cornelia pero dapat siyang magpanggap para hindi siya mabuking.

"Oo may ipapaki-usap daw siya eh."

"Nakalimutan ko kase kung saan ko nailagay yung cellphone ko. Hayaan mo tatawagan ko siya ngayon." nakikiramdam lang sina Carlie sa pinupunto ni Cydee.

"Ngayon mo na ba agad tatawagan? Tingin mo hindi tulog yun?"

"Gising siguro yun. Kunin ko lang cellphone ko at tatawagan ko na siya. Hapon pa naman eh." aakyat na sana si Cornelia pero nagsalita ulit si Cydee.

"Hmmm. Sana hindi siya busy no?"

"Cydee ano ba ang pinupunto mo?" hinarap ni Cornelia si Cydee.

"Hmmm. Gisingin mo kaya si Cyrus."

"Nakikita mo bang tulog siya? May mata ka ba sa pinagtatrabahoan niya?" tila naiinis na si Cornelia.

"Wala naman, Bakit galit ka?"

"Hindi ako galit kung wala ka ng sasabihin pupunta na ako sa kwarto ko." bago pa siya makahakbang ay nasa hagdanan na sina Cloyce at Casimir.

"Cornelia may isa pa akong gustong sabihin sayo." seryoso na ang mukha ni Cydee.

"Ano to Cydee?" sina Carlie at Nigel ay naguguluhan na din sa nangyayari.

"Wag mo na palang tawagan kase andito na si Cyrus." pumasok naman si Charice sa eksena na nagpanggap na si Cyrus.

"What? Hmmm. Mabuti nakauwi ka na Cyrus." sinalubong niya si Cyrus ng yakap tsaka nagpumilit ngumiti. Alam niyang hindi si Cyrus iyon pero tila planado na nila ang lahat. Nakikisabay na lamang siya sa daloy ng usapan dahil kahit pa anong sabihin niya huling-huli na siya. Alam na siguro ni Cydee na nasa loob ng mansion si Cyrus.

"Alam kong alam mo naman Cornelia na hindi si Cyrus yan. Kung makatingin ka tila may hinahanap ka." lumakad si Cydee palapit kay Cornelia.

"Hmmm." nakakatakot ang ngiting ipinapakita ni Cornelia.

"Cornelia anong ibig sabihin ni Cydee?" sabat ni Carlie sa usapan.

"Cornelia kung ikaw nga yan hindi mo magagawa sa kakambal mo ang iwanan siya sa ilalim ng kama mo ng anim na araw at patulugin ito ng ganun katagal. Pwera na lang kung hindi ikaw yan at tanging si Cyrus lang ang nakaka-alam kung sino ka talaga."

"Hahaha, hindi ko inisip na ang isang katulad mo ay makakabuo ng isang teoryang ganyan. Hindi ba pwedeng masyado akong nasaktan kaya ako nagbago." sinenyasan ni Cydee si Charlemagne na ilapag si Cyrus sa sofa. Inalis naman ni Cassiel ang pagkakahawak kay Cyrus at bumungad kina Carlie ang natutulog na si Cyrus.

"Gisingin mo siya Cornelia. Nabasa ko sa potion mo na ikaw rin lang ang makakapag-pagising sa kanya."

"Pilitin niyo muna ako!" tinulak ni Cornelia si Charice at sinipa papunta sa kinaroroonan ni Cydee. Nagawa namang saluhin ni Cloyce si Charice at naiwas na ni Casimir si Cydee sa pagtama ni Cloyce at Charice sa kanya.

"Cornelia!" inilabas ni Carlie ang chains of light at hinabol ang umiiwas na si Cornelia. Pero nagagawa lang nitong iwasan ang lahat ng atake ni Carlie. Nagteleport naman si Cloyce at pinigilan si Cornelia, nagsummon naman ito ng halimaw at hinablot si Cloyce sa pagkakahawak niya kay Cornelia tsaka parang bolang itinapon papunta sa kinaroroonan nina Carlie. Nakaiwas naman ang huli.

"Cornelia, ayaw naming makipaglaban pero pinipilit mo kami." sigaw ni Charlemagne.

"Hindi niya kayo naririnig! Hahahaha!" bumuhakhak pa ito ng tawa bago inutusan ang halimaw na sugurin sila. Bumaba si Cornelia sa pagsakay sa walis at tumayo sa harap ng pintuan ng mansion.

"Palayain mo si Cornelia. Umalis ka sa katawan niya!" utos ni Carlie.

"Hindi niyo ba naisip kung bakit si Cornelia ang ginamit ko? Hahaha. Masyado kasi siyang mabait at hadlang siya sa mga balak ko. Pero higit sa lahat ang makontrola ang katawang ito ang pinakamasarap sa lahat! hahaha. Sa lakas ng angkin nitong kapangyarihan kaya ko na kayong ubusin lahat. Ang nakakalungkot lang ay sa bawat gamit ko ng kapangyarihan niya, hahahaha, PINAPATAY KO SIYA!" isang pentagram ang ginawa ni Cornelia na nagpapakita sa hourglass na huli nitong pinakita sa pagtitipon nila noon sa Starfall Moor Dimension. Nakalimutan na nila ang tungkol doon dahil masyado na silang nakatutok sa bago nilang buhay sa planetang earth.

"Pipilitin kitang sumunod sa akin!" utos ni Charlemagne na ginamit na ang kapangyarihan nitong pasunurin ang mga taong nakakarinig sa boses niya. At dahil bihasa na siya ay kaya na niyang i-focus lang sa gusto niyang pasunurin ang kapangyarihan nito.

"Subukan mo!" nagsummon pa ng isa pang halimaw si Cornelia at dalawa na ang handang makipaglaban para sa kanya.

"CORNELIA SYREN GILBERT WINCHESTER LUMABAN KA!" pumasok sa eardrums ni Cornelia ang sinabi ni Charlemagne at inabot mula sa nakakulong na kaluluwa ni Cornelia. Tila nagkaroon siya ng malakas na kapangyarihang ipinasa ni Charlemagne. Sinubukan niyang sirain ang kulungang nakaharang sa kapangyarihan niya. Sa bawat atake niya dito ay nagkakaroon ito ng lamat.

"Charlemagne di ba mas dapat na hindi natin siya pa-atakihin para hindi niya gamitin ang kapangyarihan niya." saway naman ni Cydee sa kanya.

"Iba ang naisip ko. Tulad ng sabi mo hindi si Cornelia yan di ba? Ang inutusan kong lumaban ay si Cornelia mismo." umaatake na ang dalawang halimaw sa kanila. Iniiwasan lang nila ito dahil pag inatake nila nangangamba silang magsummon na naman ulit ito. Halos kalahati na ang buhangin sa hourglass at sa bawat gamit nito ng majika ay pinabibilis nito ang pagbagsak ng buhangin.

Habang inaatake sila ng halimaw ay inaatake naman ni Cornelia ang kulungan. Sa bawat atake nito ibinabalik ng dalawang beses ang atake nito sa kanya pero kahit na ganun ay determinado itong lumaban. Isang parte ng kulungan ang nasira at sinubukan niyang lumabas sa pagitan doon, inaabot niya ang isang bilog na naglalabas ng itim na usok.

"Baka ito ang utak ng kumukontrol sa katawan ko kailangan ko na itong sirain bago ko pa masaktan ang mga kasamahan ko." tinanggal ni Cornelia ang isang bahagi ng kulungan at ipinalo sa bilugang umuusok na nasa katapat ng kulungan niya. Tinamaan niya ito ng isang beses at tila nalamatan niya ito ng kaunti. Inulit-ulit niya ang kangyang ginagawa.

Dumating sa eksena si Castiel na kakagaling lang sa trabaho at umuwi lang para kumuha ng gamit at bumalik ulit. Pagkapasok niya ay papunta sa kinaroroonan niya ang isang malaking axe. Ginawa niya itong yelo at binasag.

"Anong kaguluhan to?" nasa tabi lang niya pala si Cornelia na nakahawak sa tiyan nito na parang nasusuka.

"Castiel umalis ka sa tabi ni Cornelia!" sigaw sa kanya ni Carlie. Agad naman siyang sumunod at tumabi sa kakambal.

"Anong nangyayari?"

"Hindi ko rin alam ang buong detalye pero may ibang nagdadala sa katawan ni Cornelia. Hindi natin siya pwedeng atakihin dahil maaari niyang gamitin ang kapangyarihan ni Cornelia at maaaring ikamatay niya ito."

"Kuha ko na. Iwas lang pala ang magagawa natin sa ngayon. Pero parang may nangyayari kay Cornelia." saad ni Castiel na gumawa ng isang malaking shield na gawa sa yelo.

"Siguro nilalabanan na ni Cornelia ang sino mang kumokontrol sa katawan niya." sagot naman ni Charlemagne na walang kahirap-hirap na umiwas sa halimaw na umaatake sa kanya. Ilang minuto pa ay nanumbalik ang kontrol ng anino sa katawan ni Cornelia.

"Bilang ganti sa ginawa niyo, parurusahan ko kayo!" isang magic circle ang lumabas at mula doon ay isa-isang lumabas ang iba't ibang klase ng patalim at espada. Sigurado silang seryoso na ito na tamaan sila at hindi na ito nakikipaglaro. Itinaas na ni Cornelia ang kamay at handa na sa pag-atake. Nagsihandaan na rin sila na salubungin ang napakaraming patalim na handang sumugat sa kanila dahil hindi na nila pwedeng maiwasan ang mga yun. Bigla nilang napansin na tumigil ang oras at mabilis na nagpunta sa tabi ni  Castiel si Camille na naramdaman ang komosyon sa mansion.

"Oras lang ang kayang patigilin niyan pero ang atake ko ay hindi!" Ibinaba na ni Cornelia ang kamay bilang simbolo ng pag-papaulan ng mga patalim sa mga nakikita niyang kalaban niya. Panay ang iwasan ng iba at isang napakalaking harang na yelo ang ginawa ni Castiel para maprotektahan ang lahat. Pero sa bawat tusok ng patalim sa yelo ay tila pinipilit nitong tumagos. Nakakabingi ang tawang pinakawalan ni Cornelia na tuwang-tuwa sa nakikita niya. Unti-unting natutunaw ang yelo sa init na nagmumula sa bawat patalim na tumutusok dito. Nahihihirapan na rin siyang doblehin ang kapal nito dahil pinipigilan niya ang pagdiin ng mga patalim.

"Mamamatay na yata tayo dito ah. Buti nalang at nakilala ko na ang kakambal ko bago pa ako mamatay. Hahaha." binatukan naman ni Camille si Castiel.

"Nakuha mo pang magbiro!" inis na saad nito.

"Paano natin siya mapipigilan?" tanong ni Carlie.

"Everyone naririnig niyo ba ako?" isang boses ang pumagitna sa usapan nila.

"Christopher?"

"Oo ano ang nangyayari sa loob? Kasama ko sina Charlene at Cryptic, pati na rin si Cloudia."

"Baka marinig ka ni Cornelia." saad naman ni Cydee.

"Hindi niya ako maririnig, kayo lang ang kinakausap ko."

"Malaking tulong kung makakapasok sina Charlene at Cryptic dito. Pero mahihirapan kayo." saad naman ni Carlie.

"Ano ba ang nangyayari?"

"Inaatake kami ni Cornelia, I mean ng kumokontrol sa katawan ni Cornelia." sagot naman ni Cydee.

"Nakalimutan mo atang idetalye na pinapaulanan tayo ng patalim." sabi naman ni Camille.

"Kailangan ko ng tulong Christopher, kung andito si Cryp at Charlene makakatulong silang itulak ang harang na ginawa ko palapit kay Cornelia para mas mabawasan ang bwelo ng mga patalim." pahayag naman ni Castiel.

"Ako na bahalang dalhin sina Charlene at Cryptic dito sa loob." boluntaryo ni Cloyce. Agad naman itong nagteleport sa labas ng mansion at hindi nagtagal at sinama ang dalawang magteleport sa loob. Pagkadating ni Cyrptic sa loob ay itinulak niya ang malaking harang na yelong gawa ni Castiel tulad lang ng plano nito. Si Charlene naman ay inilabas ang pinakamatitibay na baging para matulungang palakasin ang depensa nila. Sa pagdapo ng patalim sa baging ay pinupulupotan ng baging ang mga ito kaya konti nalang ang tumatama sa yelong harang. Tila pabor na sa kanila ang laban pero ng matignan ni Carlie ang hourglass ay napakabilis ng pagbagsak ng buhangin. Hindi tumitigil si Cornelia sa pagpapalabas ng mga patalim.

"Kailangan natin siyang pahintuin sa pagpapalabas ng kapangyarihan. Nasa kalahati na ang laman nito." saad ni Carlie.

"Pero paano?" tanong naman ni Camille. Narinig nilang may nagbukas ng pinto at isinara din ito. Si Carlisle pala ang dumating at nasa likuran niya si Chayanne. Huli na para umiwas pa si Cornelia dahil nahawakan na siya ni Carlisle sa balikat.

"Masyado ka ng maraming pinsalang idinulot. Ibalik mo na sa amin si Cornelia." dinrain ni Carlisle ang kapangyarihang taglay nito para mapigilan ito sa pag-aaksaya sa kapangyarihang taglay ni Cornelia. Nawala ang magic cirlce na naglalabas ng mga patalim at napaluhod si Cornelia sa biglang pagkawala ng kapangyarihan nito.

"Okay na." saad naman ni Chayanne ng masigurong hindi na kayang makipaglaban ni Cornelia. Kahit na nanghihina na ito ay mas pinili nilang makasigurong hindi na ito makakagamit pa ng kapangyarihan kaya pinaupo nila ito tsaka iginapos gamit ang chains of light. Ang mga paa at kamay ni Cornelia ay napupulupotan ng kadena kaya hindi na ito nakakagalaw pa sa kinauupuan nito. Itinapat nila ang natutulog pa ring si Cyrus at sinabihan si Cornelia na gisingin na ito.

"Wala ka ng magagawa pa kaya gisingin mo na si Cyrus." saad ni Cydee na nakatitig sa mga mata ni Cornelia.

"Ako na bahala sa kanya Cydee. Hindi na siya makakatanggi pa sa utos ko." seryoso ang mukha ni Charlemagne na itinaas ang baba ni Cornelia at tinitigan ang mga mata nito.

"Hahalikan mo ba ako?" nakangiti pa rin kahit na nanghihina na ito. Inilapit ni Charlemagne ang mukha niya at unti-unting nilalapit ang mga labi sa labi ni Cornelia, pero nakita ni Charlemagne sa mga mata nito ang isang hindi pamilyar na itsura.

"Inuutusan kitang gisingin si Cyrus." dahil sa mahina na ito ay hindi na ito nakapalag sa utos ni Charle.

"Cyrus, gumising ka na." pagkarinig ni Cyrus sa boses ni Cornelia ay ibinuka nito ang mga mata. Kinusot niya pa ito dahil nasisilawan siya sa mga ilaw ng mansion. Tinulungan siya ni Cydee na bumangon at ipinaupo ng maayos.

Sa paggising ni Cyrus at sa kalagayan ng katawan ni Cornelia ay naghihintay na pala sa kanila ang hindi nila inaasahang pangyayari.

次の章へ