webnovel

Clash Between the Gods

"Carlie!" sigaw ni Chayanne mula sa himpapawid sakay-sakay sa likuran ni Kugure.

"Hayaan mo nalang muna si Carlie sa pinagtataguan niya, ang dapat nating intindihin ay kung paano natin makakausap ang lalakeng nag-uutos sa mga taong narito."

"Tama ka Kugure, pero di ko maaninag ang mukha ng nagkokontrol sa kanila."

"Susubukan kong lumapit sa kanila." agad binabaan ni Kugure ang paglipad para matunton ang kinatatayuan ng kumokontrol sa mga taong nakapaligid sa kanila. Si Carlie naman ay palipat-lipat ng pinagtataguan, may ilang mga taga-roon ang sumusunod sa kanya dala-dala ang mga kasangkapang pwede gawing armas. Dahil hindi gumagana ang majika sa loob ng teritoryo ni Charlemagne ay wala na silang komunikasyon sa grupo nina Cyrus.

"Huwag niyo ng tangkain pang tumakas, wala na kayong matatakbuhan. Lahat ng nasa paligid niyo ay akin lamang." sigaw ni Charlemagne sa di kalayuan.

Gustuhin mang sumagot ni Carlie pero hindi niya ito ginawa dahil baka makita siya ng mga sumusunod sa kanya. Ang nasa isip lang niya ng mga oras na iyon ay ang malusutan ang kasalukuyang sitwasyon ng hindi nakikipaglaban para maipagpatuloy na ang paghahanap nila sa Aconitum Vulparia. Sa tulong nga mga ibong nagpapasa ng mensahe niya papunta kay Chayanne ay naipaparating niya dito kinaroroonan niya.

"Lumabas na lang kayo, wala na kayong magagawa pa kaya sumuko nalang kayo. Kung gusto niyong maglaro sige pagbibigyan ko kayo." sumenyas si Charlemagne sa mga mandirigmang nasa unahan niya na magdahan-dahan sa paglapit sa kinaroroonan ni Carlie habang ang isang grupong itinalaga niya sa air defense ay inilabas ang lahat ng mga catapult na bago nilang gawa, nakahilera na ang mga archers at handa na itong tumira sa utos ni Charlemagne.

"Nasaan kaya yung isa? Hmmm.. Ano yung lumilipad na yun? Isang tigreng may pakpak? Ang gandang gawing collection niyan. Hahaha." dinadaan niya sa salita si Carlie para ma-provoke niya itong lumabas.

"Archers ready! Fire at will." utos ni Charlemagne sa mga archers nito. Sa paglipad ni Kugure pataas ay nakakita na ang mga archers ng visibility mula sa baba sa pagpagaspas nito ng pakpak. Pinaulanan sina Chayanne ng pana at pilit iniwasan ang bawat isa. Sisiguraduhin niyang hindi matatamaan ang sakay niya sa likuran at para hindi rin sila bumagsak. Matagumpay na naiwasan ni Kugure ang mga panang ipinaulan sa kanila.

"Seryoso ang lalakeng to na patamaan tayo." anas ni Kugure.

"Magtago na tayo hindi natin kayang iwasan palagi ang mga panang yan, lalaon matatamaan tayo ng isa sa mga yan." nanginginig ang boses na saad ni Chayanne. Mula sa pinagtataguan ni Carlie ay nag-aalala siya sa kalagayan nina Chayanne at Kugure, sa isip niya dapat harapin na lamang nila ito dahil wala naman itong planong makipag-usap.

"Kung may magagawa lang sana ako." sa isip niya. Humanap si Carlie ng mas tagong lugar na pwede niyang pagtaguan ang hindi niya alam ay nasa likuran na pala niya ang mga maliliksing mandirigma na inutsan ni Charlemagne. Patakbo na sana siya ng mapansin niyang may kumaluskos sa likuran niya, pagtingin niya ay saktong iwinasiwas ng mandirigmang lalake ang kanyang espada, dumapa si Carlie ay gumulong papunta sa bato at sabay pulot dito at ipinukpok sa ulo nito. Tumakbo siya palayo at nagsimula na silang maghabulan. Nasa likuran niya pa rin ang walo pang humahabol sa kanya. Sa mga mata nito ay nakikita niya na wala ito sa mga sarili nila. Para silang puppet na sumusunod sa utos. Nagka-ideya na si Carlie sa kapangyarihan ng lalakeng nag-uutos sa mga ito. Kaya nitong kontrolin ang isang tao sa isang utos lang nito. Sa pagtakbo ni Carlie palayo ay may naririnig siyang dumadagundong palapit sa kanya. Limang malalaking tigre ang sumulpot at deretsong inatake ang sumusunod sa kanya. Imbes na matuwa sa tulong ay tumigil siya sa pagtakbo at sumigaw ng malakas.

"CHAYANNE!" narinig naman ito agad dahil umecho pa ito.

"CARLIE NASAN KA?" sagot naman niya habang panay ang iwas ni Kugure sa mga panang ipinaulan ulit sa kanila. Nagbigay si Carlie ng mensahe sa hawk na nakaantabay sa puno.

"Pakiusap sabihan mo si Chayanne na pigilan ang pag-atake ng mga tigre sa sumusunod sakin." agad naman itong lumipad at ipinarating kay Chayanne ang mensahe ni Carlie.

"Patitigilin niya sa pag-atake ang mga tigre? Bakit naman?" tanong ni Kugure.

"Hindi ko alam pero sigurado akong may dahilan siya." inutusan ni Chayanne ang mga tigreng tumigil sa pag-atake sa mga humahabol kay Carlie. Agad naman itong tumigil at tumabi sa kinatatayuan ni Carlie ang limang mababangis na tigre. Ang lima sa walong nakasunod sa kanya ay natumba na ng mga tigre habang ang tatlo ay nakatingin lamang sa kinatatayuan ni Carlie. Ganun pa rin ang mga mata nito, walang kabuhay-buhay.

"Bakit niyo ba sinusunod ang lalakeng yun?" tanong ni Carlie sa tatlong nakatingin pa rin sa kanya. Walang sagot siyang natanggap. Sumakay si Carlie sa likuran ng pinakamalaki sa mga tigreng kasama niya. Hinimas-himas niya ang ulo at inamo ito. Hindi pa niya alam kung paano pipigilan ang pag-atake sa kanya pero hindi niya rin hahayaang masaktan ang mga ito. Sa di kalayuan ay nakita niya ang lalake na kanina lang ay muntikan na siyang mahiwa sa espada nito. Nagkakamalay na ito, pero sa kanyang ipinapakita ay hindi niya malaman kung bakit napunta siya roon sa kagubatan at duguan ang ulo niya. Tiningnan rin nito ang mga kasamahan na parang naguguluhan sa mga nangyare. Tinawag niya pa ang mga kasamahan nito ngunit hindi siya pinansin. Nilapitan niya ang isa at niyug-yog pero wala pa rin itong imik. Tiningnan niya kung saan ito nakatingin at natakot siya ng makita si Carlie na may mga kasamang tigre.

"Huwag kang matakot, andito ako para tumulong." tumalon papunta sa lalake ang tigre para mailapit si Carlie dito. Bumaba naman siya at nakita niyang napaatras ang tatlo pang kontrolado ni Charlemagne. Hinawakan ni Carlie ang kamay ng nanginginig na lalake para i-assure na hindi siya kalaban. Pinunit niya ang laylayan ng kanyang damit hanggang sa may pusod nito at ginawang bondage sa ulo ng lalake.

"Sino ka ba? Ano ang nangyayare? Bakit ako andito?" sunod-sunod na tanong ng lalake.

"Sa tingin ko ay you're being controlled nung lalakeng andun sa lugar niyo. Pasensya na pala at napukpok kita ng bato wala na akong ibang naisip na gawin para madepensahan sarili ko." hinging paumanhin ni Carlie.

"Depensahan ang sarili? Bakit ano ba ginawa ko?" maang na tanong ng lalake.

"You aimed your sword at me at muntikan mo na akong madali. Hahaha." nagawa pang tumawa ni Carlie sa sitwasyon.

"Ginawa ko yun? Sa anong dahilan?"

"Like what I've said tingin ko kinokontrol ka." napatingin si Carlie sa reaction ng lalake. Tila gulat na gulat ito sa sinabi niya at pilit inaalala ang ginawa. Tinulungan niya itong tumayo at pinasandal sa malaking bato.

"Ganun din ba ang nangyayari sa mga kasamahan ko?"

"Sa tingin ko ganun na nga."

"Paano natin sila maibabalik sa dati nilang kamalayan?"

"May teorya ako, siguro dapat nating maputol ang koneksyon ng nagkokontrol at ng kinokontrol. Tulad ng nangyari sayo, nasaktan ka ng pinukpok kita at mas nanaig ang sakit at hinimatay ka. Siguro pag nawalan sila ng malay ay maari natin silang ilayo sa lugar na ito para hindi na sila makontrol pa ulit."

"Kailangan natin pabagsakin isa-isa yung tipong hihimatayin talaga sila." aniya ng lalake.

"May iba pang paraan para mapadali ang pagbagsak nila, pero hindi sa bayolenteng pamamaraan kundi patutulugin natin sila para makalma yung utak nila." nakangiting saad ni Carlie.

"Paano?"

"Hmmm, sa tulong mo."

"Paano ako makakatulong?" determinadong pahayag ng lalake. Sa isang sipol lang ni Carlie ay bumaba papunta sa kinaroroonan nila ang ibang kasamang tigre ni Kugure. Nagulat ang lalake pero sinabihan siya ni Carlie na kakampi nila ito. Pinasakay niya ito sa isa sa mga tigre at sinabihang magpunta sa isang kapatagan na kung saan may nakatirik na bato at bakal na tirahan. Doon sinabihan niya itong humingi ng tulong mula roon at ilahad ang naturang sitwasyon nila Carlie at Chayanne. Pumayag naman ang lalake sa plano ni Carlie. Mabilis na umalis ang tigre kasama ang isa pa para pag may pumigil sa kanila ay may makakapagdepensa sa kanya.

"Sana makarating ka doon ng ligtas." sa isip niya.

Sa isang banda ay patuloy pa ring pinapaulanan ng mga pana sina Kugure at Chayanne. Hindi nagtagal ay dumoble na ang mga panang iniiwasan ni Kugure.

"Hindi pwede ang ganito masyado ng marami ang mga panang kailangan kong iwasan."

"Kugure bumaba tayo, baka may naisip ng paraan si Carlie kung paano tayo makakalapit sa lalakeng nag-uutos ng pag-atake."

"Pag binabaan ko ang aking paglipad baka ma—————" tinamaan si Kugure ng pana sa kaliwang pakpak nito at pinilit pa rin ipagaspas ang tinamaang pakpak ngunit sunod-sunod na ang pagtama ng mga pana sa kanya. Upang hindi matamaan si Chayanne ng kahit isang pana ay isinangga niya ang pakpak at sinalo lahat ng mga pana. Bumagsak silang dalawa sa lupa at mabilis na pinaikutan ng mga nasa baba. Nakatuon kay Chayanne ang matutulis na spears at ginapos naman ang sugatang is Kugure.

"CARLIE!!!" sigaw ni Chayanne, sa sobrang lakas nito ay narinig ito ni Carlie na ngayon ay inaatake ng muli ng tatlong mandirigma.

"Chayanne, nasa panganib si Chayanne." nagwala ang mga mababangis na tigreng kasama ni Carlie at hinambalos ang tatlong kalalakihan. Ayaw ni Carlie na may masaktan pero hindi niya kontrolado ang mga tigreng iyon, nagmadali silang pumunta sa kinaroroonan ni Chayanne. Ang tigreng sinasakyan niya ay nagawa niya pang patigilin sa pagtakbo ng malapit na sila sa kinaroroonan ni Chayanne. Nakita niyang naka-upo lang ito hawak-hawak ang kanang paa na unang tumama sa pagbagsak nila.

"Kailangan kong maka-isip ng paraan." nakita na lang ni Carlie na dumeretso ang dalawa pang tigre papunta sa mga taong naka-ikot kay Chayanne. Parang basurang pinag-kakagat ang mga ito at itinatapon para lang maligtas si Chayanne. Mula sa likuran ng mga tigre ay ang mga archers na handa ng tumira sa mga nagwawalang tigre. Sa gitna ng mga archers ay sa wakas nakita na ni Carlie ang lalakeng nag-uutos sa mga taong nakatira sa nayon. May namuong galit sa puso ni Carlie dahil sa kasamaang taglay ng lalakeng ito.

"Paraanin niyo ako." utos ng ni Charle sa mga nasa harapan niya. Agad namang sumunod ang mga ito.

"Pakawalan mo si Kugure." galit na saad ni Chayanne.

"Inuutusan mo ba ako?" mariin na tinitigan ni Charlemagne si Chayanne.

"Oo! kaya pakawalan mo na si Kugure!"

"Wala ka sa posisyong utusan ako."

"Pakawalan mo siya!" pagkasabi nun ay inatake ng dalawang tigre si Charlemagne ngunit inutusan lang nito ang dalawang katao na harangan ang mga tigre at ang mga ito ang nakagat ng tigre. Mas lalo lang nagalit sina Chayanne at Carlie sa ginawa ni Charle.

"Nagagawa mong ibuwis ang buhay ng mga taong nakatira dito ng basta-basta lang." umiiyak na saad ni Chayanne.

"Mga laruan ko lang sila. Mas importante naman ang buhay ko kompara sa mga buhay ng mga taong ito."

"Napakasama mo!" humagulgol na lamang si Chayanne.

"Hindi ba tatlo kayong nagtagumpay na hanapin ang nayong ito? Pakiwari ko ay nakaalis na yung isa, pero may isa pang andito. Naduduwag kaya siya?"

"Hindi duwag si Carlie."

"Hindi ba? Bakit hindi siya nagpapakita, ramdam ko parin ang presensya niya."

"Baka ang sabihin mo, ikaw yung duwag. Ginagamit mo ang mga taong to para maging depensa mo. Nakakaawa ka naman." biglang hinawakan ni Charlemagne ang panga ni Chayanne at mas diniinan pa ang pagkakahawak dito. Nakikita sa mukha ni Chayanne na nasasaktan na siya. Saktong nagkamalay si Kugure at kitang-kita niya kung paano sinasaktan ni Charlemagne si Chayanne pero nakagapos siya at sugatan.

"Kung wala rin lang palang magandang salita na manggagaling sayo mas mabuti pang tumahimik ka!" tinitigan niya ito sa mata pero hindi tinatablan si Chayanne sa kapangyarihan nito. Hindi niya ipinahalata ang pagtataka niya at malakas niyang binitiwan ang mukha ni Chayanne. Napadapa si Chayanne halos masubsob ang mukha sa ginawa ni Charle. Sa di kalayuan ay nakikita ni Carlie ang mga ginagawa ni Charlemagne kay Chayanne, ngayon ay sinisipa na ni Charle si Chayanne na walang kalaban-laban. Dumura ng dugo si Chayanne at pilit na maupo bilang pahiwatig na hindi siya sumusuko sa ginagawa nito sa kanya. Kitang-kita rin ni Kugure ang pagpapasakit kay Chayanne at unti-unting naiipon ang galit niya para kay Charlemagne. Sa bawat pagsipa ni Charle kay Chayanne ay paulit-ulit pa rin itong bumabangon.

"Ang tapang-tapang mo pala ha. Sa lugar na ito ako lang ang dapat masunod at mamuno sa mga taga-rito." mas nilalakasan na ni Charlemagne ang pagsipa kay Chayanne. Pero mas nagalit pa siya ng makita niyang ngumiti ito.

"Hahaha, akala mo ba dapat ka ng katakutan? Pwes pasensya na pero kahit katiting na takot wala akong naramdaman." isang malakas na sampal ang inabot ni Chayanne. Mismo ito ay nabigla sa sampal na iyon at natahimik.

"Sa sampal ka lang pala natatahimik." angas na saad ni Charlemagne. Mas lalong naasar si Charlemagne sa ipinapakitang asal ni Chayanne. Nakangiti pa rin ito at ngayon ay nakikita niya sa mga mata nito ang nag-aapoy na katapangan.

"Hindi ka marunong makipaglaban ng patas. Wala pa nga akong pinapakita sayo panay na ang sugod mo. Wala ka pa ngang alam kung bakit kami andito at kung gusto ba naming makipaglaban sayo, sumusugod ka na. Kung laban ang gusto mo pagbibigyan kita." mahabang pahayag ni Chayanne. Pinilit niyang tumayo at i-balanse ang katawan. Nang makatayo ay nag-concentrate siya para tawagin ang lahat ng pwedeng makatulong sa kanya. Mula sa likuran niya ay isa-isang hinimatay ang mga taong nakapalibot sa kanya, gawa pala yun nga iba't ibang hayop, mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki. May mga oso, unggoy, liyon, tigre, jaguar, hyena, cheetah, at iba pang mababangis na hayop. May mga ahas rin na iba-iba ang kulay at mga ipis, bubuyog at iba pang mga insekto.Sumugod ang mga ito sa mga taong kinokontrol ni Charlemagne. Inutusan naman itong atakihin ang lahat ng humadlang sa kanya. Isang labanan sa pagitan ng isang God at isang Goddess. Gamit ang mga boses at ang authorities nila, nagsimula na silang maglaban.

"Archers Fire! you two shoot the fire balls. Line-up ahead and make a shield. The rest gather some straws and burn 'em up so some of the insects can't get near." utos ni Charlemagne sa mga tao roon.

"Running out of options?" kalmadong saad ni Chayanne. Isang grupo ng mga hyena ang nakalusot sa mga apoy na harang na ginawa nila. Agad naman itong sumugod sa mga tao roon at kung maaari ay hindi nila ito masyadong saktan tulad ng utos ni Chayanne. Sa nakikita ni Charlemagne ay nakakalamang na si Chayanne sa kanya. Nagkapalit na sila ng sitwasyon ni Chayanne, si Charle na naman ang napapalibutan ng mga mababangis na hayop na takam na takam ng kumagat sa kanya.

"Tignan mo nga naman, nasaan na yung yabang mo?"

"Hmm. Ito lang ba ang meron ka?" nakangiti lang si Charle na tila hindi man lang nangamba.

"Tanggap mo na siguro ang pagkatalo mo at nakangiti ka na."

"I'm not that easy to defeat." pagkasabi nun ay may dumating na tatlong one-eyed giants or cyclopes sa lugar ng pinaglalabanan nila.

"Fi, Fi, Fo." aniya ni Charlemagne.

"Are we having a feast here?" tanong ng isa sa mga cyclopes. Tila nililindol sila sa lakas ng impact sa paglakad ng mga ito.

"Alam ko namang matagal na kayong gutom, so, see these fresh meat on the ground they're all yours." takam na takam na pinulot ng mga cyclopes ang sugatang mga taga-roon at kinain. Sa nakita nina Chayanne at Carlie ay hindi na nila alam kung makakaya pa nilang talunin ang tatlong higanteng yun. Iwinasiwas lang ng mga cyclopes ang mga hayop na nagpoprotekta kay Chayanne ng palapit na ito sa kanya.

"What's that scent?" tanong ng isa sa mga cyclopes.

"It smells like you." sagot naman ng isa habang nakatingin kay Charlemagne.

"I don't know what your talking about pero may isa pa akong regalo para sa inyo, siguro yung naamoy niyo ay ang babaeng nasa harapan niyo." inilapit ng tatlo ang mukha nila kay Chayanne para makasiguro na sa kanya galing ang amoy na tinutukoy nila.

"That's right but there's another scent that it's just the same with hers."

"Oh yeah, it's somewhere behind those trees." saad naman ng isa.

"You're right. Dalawa silang nandirito ngayon."

"Actually there are more than just two, the third scent is from you and the fourth and last scent is from that little hut." turo naman ng isa. Tiningnan ni Charlemagne ang hut na tinutukoy ng cyclopes ay alam niya kung sino ang naroon, si Cydee.

"Do we smell delicious?" pag-eengganyo ni Charle sa mga cyclopes.

"You do smell awesome." naglalaway pa ito.

"If you can capture the two of them, the one in front of you and the one behind those trees, they're all yours." pagkasabi na pagkasabi ni Charlemagne ay nag-uunahan ang mga ito sa direksyon ni Chayanne na pinakamalapit sa kanila. Dinampot siya ng isa sa mga ito at naglalaway pa na nakatitig kay Chayanne. Agad naman na sumugod si Carlie sakay-sakay sa tigre. Hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil hindi niya pa alam ang kanyang kapangyarihan.

"Yo cyclopes! I'm here!" agad naman siyang nilingon ng tatlong cyclopes pero ang dalawa lang sa mga ito ang nagpunta sa direksyon niya. Andun pa rin ang isang may hawak kay Chayanne na tila ipagpapatuloy pa rin ang pagkain dito.

Bumaba si Carlie sa tigre at inutusan ang tigreng pakawalan si Kugure. Lumusot naman si Carlie sa gitna ng dalawang cyclopes at nagpunta sa cyclopes na may hawak sa kaibigan.

"Paano ko siya maibaba? Paano ako makakatulong? Ayoko na mag-utos ng mag-utos lang gusto kong may maitulong man lang." sa puso niya ay nais na niyang makatulong sa mga kasama niya.

"Let it all go. Release your power." isang boses na pamilyar sa kanya ang narinig niyang nagsalita.

"Release my power. let it all go." inulit niya ang sinabi nito. Tumigil si Carlie at tinignan ang kaibigan na tila wala ng malay sa higpit ng pagkakahawak ng cyclopes na ito kay Chayanne. Nag-concentrate siya at inisip ang mga taong namatay ng dahil sa kalaban nila. Sa kaibuturan ng kanyang puso ay gusto niyang gisingin ang nakatagong kapangyarihan na matagal-tagal na ring nahimbing. Tila isang maliit na apoy si Carlie na biglang nagliyab. Unti-unting lumalabas ang kanyang kapangyarihan. Biglang naglabas ng liwanag si Carlie, ang mismong katawan niya ang nagliwanag. Pinakawalan niya ang kanyang kapangyarihan at lumikha siya ng nakabubulag na liwanag. Naramdaman ni Charlemagne ang kapangyarihang nagmumula kay Carlie, pati na rin si Cydee na nasa kalagitnaan ng kanyang divination, na kung saan ay nakita niya ang maaring mangyari kay Charlemagne kung hindi pa ito aatras. Dala ng liwanag ay mas klaro na kay Cydee ang buong nangyari sa labanang kinasangkutan ni Charlemagne, agad siyang lumabas para hanapin ito ngunit masyadong maliwanag ang paligid at nasisilaw siya. Mula naman sa kinaroroonan ng iba pang kasamahan nina Carlie ay naramdaman din nila ito mula sa malayo, sa kinaroroonan ng grupo ni Cyrus, sa mga naiwan sa hide-out at ang tumatakbong si Casimir na napatigil sa biglang naramdamang kapangyarihan. Pare-pareho nilang natukoy na si Carlie ang naglalabas ng kapangyarihan na iyon.

"Anong klaseng kapangyarihan yan?" tanong ni Charlemagne.

"Ang tanging nais ko lang ay mailigtas ang kaibigan ko. Hindi namin alam na mapapalaban kami, wala kaming balak na lumaban sana pero pinilit mo kami. Nanganganib ang buhay ng kasamahan naming naiwan sa hide-out namin at inuubos mo ang oras namin sa wlang kwentang labanang to. Maraming buhay ang nawala at nakalas dahil sayo." nagpipigil sa galit na saad ni Carlie.

"Hindi ako natatakot sayo, wlang kwenta ang isang kapangyarihang ganyan kalakas kung hindi mo naman pala alam kung paano kontrolin." pagyayabang ni Charlemagne.

"Chains of Light. Release!" mula sa lupa ay kulay gintong kadena ang lumabas at agad na pumulupot sa mga cyclopes. Mula sa pagkakahawak nung isa ay hinablot ni Kugure si Chayanne na wala ng malay. Inilapag niya ito ng dahan-dahan at binantayan kasama ang isa pang tigre.

"Oras na para magseryoso, huwag niyong sabihing magpapadaig kayo sa isang babae lamang?" nagkatinginan ang mga cyclopes at nagpupumiglas para kumawala sa pagkakapulupot ng mga kadena sa katawan nila. Dahil hindi pa alam ni Carlie ang limit ng kapangyarihan niya ay sinubukan niya pa ring pigilan ang pagpupumiglas ng mga cyclopes. Mas diniinan niya ang pagkapulupot ng mga kadena at hinila ang mga ito pababa. Nawalan ng pasensya si Charlemagne at pumagitna sa mga cyclopes.

"You fools! I command you to kill those brats and chunk them to pieces!" pagkasabi nun ay tila sinapian ang mga ito at biglang lumakas. Nagawa nilang putulin ang mga kadenang nakapulupot sa kanila. Agad nilang pinaghahampas si Carlie at panay iwas naman ito. Kamuntikan na siyang tamaan ng malaking axe na hawak ng isa sa mga ito. Tumakbo si Carlie papunta kay Charlemagne at pinulot ang nakabaong espada tsaka iwinasiwas kay Charlemagne, kung hindi niya kayang kalabanin ng pisikalan ang mga cyclopes ay itutumba niya ang nag-uutos dito. Pero hindi niya inaasahang maliksi rin pala itong is Charlemagne at naiiwasan nito ang pag-atake niya.

"Hindi ka naman swordsman, walang silbi ang espadang yan." sinipa ni Charle ang kamay ni Carlie at tumilapon ang espada, sinalo niya ito at itinutok kay Carlie.

"Chains of Light. Release." mula sa kinatatayuan ni Charlemagne ay lumabas ang mga kadena, nakapulupot na ito sa mga paa niya at hinarang ang espada para hindi maka-akyat ang kadena papunta sa katawan nito. Hinatak ni Carlie ang kadena pababa at nabaon ang mga paa ni Charle.

"Yan lang ba kaya mo?" hamon niya kay Carlie.

"Wag kang magmayabang talo ka na."

"Wag kang kampante kontrolado ko pa ang mga yun." ininguso pa niya ang papahampas na cyclope. Saktong paglingon ni Carlie ay tinamaan siya nito. Tumilapon siya palayo at nawala naman ang mga kadenang nakapulupot kay Charle, itinayo siya ng cyclope at nagpagpag. Sa lakas at layo ng binagsakan ni Carlie ay halos mabali lahat ng buto niya sa katawan. Ibinuka niya ang mga mata ngunit hindi ito umaayon sa gusto niya. Sa mumunting nakikita ay tanging imahe ni Kugure ang nakita niyang nakaharang sa kanilang dalawa ni Chayanne.

Hinarap ni Kugure si Charlemagne at ang tatlong cyclopes na kontrolado niya mag-isa. Ano ba ang kayang gawin ng isang tigreng may pakpak sa labanang kinakaharap. Ni hindi nga nagawang galusan nina Chayanne at Carlie si Charlemagne na ngayon ay pabor dito ang laban. Samantala, ligtas na nakarating ang lalakeng nakasakay sa tigre sa hide-out nila at agad naman itong sinalubong ni Cloudia at ginamot ang sugat nito. Sa una ay ipinagtabuyan pa ito ni Venz ngunit pinigilan siya ni Christopher dahil alam niyang nagsasabi ito ng totoo. Pina-upo nila ito at ikinwento ang nangyayari sa loob ng Claristun. Si Cloudia at Christopher ang agad na rumesponde sa mensaheng ipinadala ni Carlie. Si Casimir naman ay napag-isa na sa grupo ni Cyrus na nagmamadaling makapunta sa kinaroroonan nina Carlie. Ipinagpaliban na muna nila ang paghahanap sa bulaklak dahil mas kailangan sila para lumaban.

Si Kugure ay iniharang ang sarili para protektahan ang dalawang babaeng sugatan at wala ng malay sa pakikipaglaban sa lalakeng nasa harapan niya. Kampanteng-kampante naman si Charlemagne dahil ano ba ang magagawa ng isang tigre sa kanya. Ang hindi niya lang alam ay may misteryong naghihintay na matuklasan sa katauhan ng tigreng si Kugure.

次の章へ