Nagkapira-piraso ang Outlaw Dimension, sa pagkawasak nito agad umaksyon ang aninong umaaligid kay Carlie. Akala ng lahat na mamamatay na sila, mula sa kinaroroonan ni Carlie ay may biglang yumakap sa kanya. Hindi niya malaman kung sino yun o kung ano man ito.
"Pull yourself together." aniya nito. "I want you to concentrate, focus your powers unto your palm." ginawa naman iyon ni Carlie.
"Sino ka?" wala siyang sagot na natanggap.
"Think of all the people alive in this dimension, feel their presence and when you do connect them to each other." sinunod ni Carlie lahat ng sinabi nito. Pinakiramdaman niya ang kanyang paligid, nag-concentrate siya at sinimulang gumawa ng link sa bawat isa. Nakapikit si Carlie at tanging pakiramdam lang ang gamit niya. Mula sa kanyang mga palad may ilaw na lumabas, mula sa ilaw na yun ay may mumunting ilaw din ang humiwalay roon. Isa-isa itong lumayo at dumapo sa kanyang mga kasamahan. Isang ilaw ang dumapo kay Chayanne ganun din kina Venz, Vladimar at sa iba pa nitong kasamahan. Naisip din ni Carlie ang bagong nakilala na si Cornelia, agad napansin ni Cornelia ang isang maliit na ilaw na parang isang alitaptap sa kadiliman. Dumapo ang ilaw sa dibdib ni Cornelia at mula doon ay may maliit na tinig ang nagsasabing "You and I are connected" pagkarinig nun ay hinawakan niya si Cyrus at CIara, inilahad din ng dalawa ang kanilang mga kamay at kinuha naman ito nina Cloyce at Casimir, ganun din ang ginawa nila kina Charice at Cassiel. Magkahawak-kamay silang nagpalutang-lutang sa kalawakan.
"Release your power." bulong sa kanya ng anino na ngayon ay nasa harapan na niya. Tinitigan niya ito ngunit wala talaga siyang makita kundi anino lang talaga. Mula sa mga palad ni Carlie ay naglabas pa siya ng liwanag at pinakawalan niya ito. Sa pagiging mga mumunting ilaw ay naging isang chain of light ang mga ito na nagkokonekta sa bawat isa. Lumayo ng kaunti ang anino at itinaas ang mga kamay. Isang butas na palaki ng palaki ang nabuo sa itaas nito. Unang pumasok ang anino at sumunod si Carlie hanggang sa isa-isa na silang hinigop ng black hole. Sa pagpasok nila sa black hole ay agad itong nawala kasama ng anino. Mula sa himpapawid ay bumagsak sila sa bagong dimension, ang hindi nila alam na pati si Caien ay nahigop din kasama nila. Sa Starfall Moor Dimension sila bumagsak.
"Aray!" daing ni CIara. Naunang bumagsak ang pwetan niya sa likod ni Casimir.
"Ikaw pa talaga ang may ganang magreklamo ako nga tong binagsakan mo." reklamo naman ni Casimir.
"Ang daya naman nito!" saad ni Charice na nakatingin kay Cornelia na nakasakay sa kanyang walis at hawak-hawak ang kamay ni Cyrus.
"Sorry biglaan kasi tapos ang nahawakan ko nalang ay si Cyrus."
"Bakit siya lang diba hinahawakan mo din naman kamay ko." patampong tono ni Ciara.
"Sorry po talaga." yumuko na lamang si Cornelia.
"Cloyce kamay mo!" sinipa ni Cassiel si Cloyce na nakahawak pala ang mga kamay sa dibdib niya.
"Hala sorry! Hindi ko sadya!" pagpapaumanhin naman nito.
"Cornelia you do know our names." tanong ni Cyrus.
"Bigla ko nalang nalaman dahil din siguro sa markang to." ipinakita ni Cornelia ang marka at ganun din sina Ciara at Cyrus.
"Ooops!" harang ni Casimir sa pagdidikit nila ng mga marka. "Nung una niyong pinagdikit niyan sumabog ang dimensyong kinaroroonan natin, baka naman pag ginawa niyo ulit sumabog na naman to." pabiro ngunit may pag-aalalang tugon nito.
"Sakto tsaka niyo nalang pagdikitin yan kung alam niyo na kung anong ibig sabihin ng mga markang yan at pano gamitin ang kapangyarihang taglay ng markang yan." segunda naman ni Cassiel.
"Star of David." napatingin lahat sa gawi nina Carlie na nagpagpag ng sarili mula sa pagkabagsak, habang tinutulungan ni Vladimar si Chayanne na makatayo.
"Ano ulit yun?" tanong ni Cornelia.
"Star of David, yan ang pangalan ng markang yan it means shield." paliwanag ni Carlie.
"Shield, so ibig sabihin pala nun ay ng pinagdikit natin ang markang ito ay nagreact lang ito para depensahan tayo." conlusion ni Cyrus.
"Grabe namang proteksyon niyan kayang sirain ang buong dimension." sabat ni Casimir.
"Hindi naman siguro, dahil na rin siguro yun sa sitwasyong kinaroroonan natin kaya ganun ang nangyari." ganti ni Cornelia.
Siyam na Gods and Goddesses na ang magkakasama sa iisang kumpol, ang pang siyam na si Caien ay agad nakapagtago. Nawala ang kapangyarihan nito pero ramdam niyang paunti-unti ito kung bumalik. Hindi niya pa alam kung saan siya pupunta, ang kailangan niya munang gawin ay huwag magpakita kay Cornelia dahil kilala siya nito. Napatingin naman sa gawi ni Caien si Cornelia kaya dahan-dahang lumayo si Caien. Ang mumunting ilaw ay hindi nawala sa mga katawan nila, pare-pareho itong nanatili sa kanilang mga noo. Kahit anong tanggal nila dito ay hindi ito nawala. Pero sa kanila ni Venz ay wala ang mga ito.
"Nagpapahiwatig lang siguro yan na kayo ay magkakatulad, magkakapareho or di naman kaya magkakapatid. Kung ano pa yan dapat niyo sigurong alamin yan." pahayag ni Vladimar.
"Nandito rin pala kayo." aniya ni Cornelia.
"Oo naman nahila kami papunta rito katulad niyo, kesa naman ubusin natin ang oras natin sa kakadaldal dapat sigurong maghanap tayo ng matutuluyan at mga pagkukunan ng pagkain." saad ni Venz.
"Kung makapagsalita to parang kung sino." pabalang na saad ni Cyrus. Nagkainitan ang dalawa at nagtitigan.
"Huwag kayong mag-aaway, magkakasama tayo dito." sabat naman ni Chayanne.
"Ganito nalang, paghahatian natin ang mga gawain base sa mga kakayahan natin para mas madali nating matapos lahat."Pasiuna ni Carlie.
"Tama, ako na mismo maghahanap ng tamang lugar para mapagtayuan ng matitirhan." volunteer ni Cornelia. Agad siyang sumakay sa walis at lumipad pataas para tignan ang paligid mula sa ere.
"Yung mga babae maiiwan para magluto pero dapat mag-imbak muna kayo ng makakain." tinuro niya sina Cloyce at Casimir pati na rin sina Venz at Vladimar sa iisang grupo.
"Pano naman ang hambog na yan?" masama ang tingin kay Cyrus.
"Ako ba? Ako mismo gagawa ng matitirhan natin." ngumisi pa ito.
"Asa ka pa, ikaw mismo kukumpuni? Nahiya naman ako sa katawan mo."
"Ano bang kaya mong gawin? Daig mo pa liyon sa angas mo." pareho ng nakatayo ang dalawa at magkaharap.
"Ooops! tama na nga yan walang magagawa yang bangayan niyo eh." awat ni Chayanne.
"Tara na!" tawag naman nina Cloyce. Naiwan sa grupo nina Venz sina Vienna, Vancruise at Vyronne samantalang sa mga lalake ay sina Vannzel, Vincent, Voltaire at Valduz.
"Yung ibang natira kumuha kayo ng mga kahoy." sumunod naman kay Carlie ang mga kasamahang lalake ni Venz.
Mula sa himapapawid ay bumaba si Cornelia.
"May isang kapatagan akong nakita, kaso walang anumang pananim na pwedeng pagkunan ng pagkain."
"Ituro mo samin ang direkyon."
"Lalakarin niyo lang?" nakangising tanong ni Cornelia.
"Sa mukha mong yan parang hindi kayang lakarin?" saad ni Chayanne.
"Tayo kaya naman pero sila." turo ni Cornelia sa ibang kasamahan.
"Ako na bahala sa kanila." pagboluntaryo ni Charice. Nagpalit-anyo siya bilang isang malaking ibon at pinasakay niya ang mga babaeng kasamahan ni Venz. Nag-aatubili pa silang sumakay dahil namangha sila sa kanilang nakita. Pero di rin nagtagal ay sumakay din sila.
"Charice paano ako? Kami nina Carlie at Chayanne." tanong naman ni Cassiel.
"Huwag mo kaming alalahanin." sumipol si Chayanne at isang kakaibang hayop ang dumating. Isa siyang malaking tigre na may pakpak at nakasuot din ito ng isang gintong helmet. Lumapit ito agad kay Chayanne at lumuhod sa harap nito. Namangha ang lahat sa paglapit nito mas napamangha pa sila dahil nakakapagsalita ito.
"Ano ang maitutulong ko sa inyo?" magalang na bati nito.
"Ahmm-- kung maaari sana ay pwede mo ba kaming dalhin papunta sa isang kapatagan." pati si Chayanne pala ay namangha rin.
"Kung iyan po ang ikasisiya ng aking pinaglilingkuran. Pero kung iyong mararapatin ay hanggang dalawa lang po ang kaya kong dalhin."
"Wala ka bang ibang kasamahan na pwedeng makatulong?"
"Pasensya na po pero ako lang ang may ganitong pakpak." nakayuko ito na tila may malagim na nangyari sa kanila.
"Okay lang huwag kang mag-alala. Ano ba ang pwede kong itawag sayo? May pangalan ka ba?" tanong ni Chayanne habang itinataas ang ulo nito.
"K-kugure."
"Kugure ang gandang pangalan, ikinatutuwa kong makilala ka Kugure. Ako pala si--"
"Si Chayanne ang Goddess ng wilds at hunt." putol ni Kugure sa pagsasalita ni Chayanne.
"Goddess?" tila nagtaka rin si Kugure kung bakit nag-iba bigla ang among nagpalaki at nag-aruga sa kanya.
"Hindi ko alam kung anong nangyayari pero kung ano man ang maitutulong ko handa akong paglingkuran ka." hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin si Chayanne sa sinabi ni Kugure.
"So kilala mo pala ako, bakit di kita maalala." biglang nalungkot si Chayanne.
Hinagod naman ni Carlie ang kanyang likuran.
"Huwag kang mag-alala Chayanne magagawa rin nating alamin ang lahat-lahat." pag-aassure nito. Dito rin nakahinga ng maluwag si Chayanne dahil hindi nga pala siya nag-iisa. Pare-pareho silang walang maalala.
"So sino pala makakasama kong sumakay sa likuran ni Kugure?" nakaakyat na siya sa likuran nito.
"Hmmm. Si Cassiel na lamang isama mo."
"Sure ka Carlie?"
"Ayaw mo yatang ma-experience ko ang pagsakay sa likuran ni Kugure ah." pabirong bitaw nito ng sinabi.
"Syempre gusto, halika na." agad na umakyat si Cassiel sa likuran nito at ibinuka naman ni Kugure ang pakpak at ipinagaspas.
"Cyrus." tawag niya sa naiwang lalake.
"Yes Carlie?"
"Siguro naman may kaya kang gawin." pang-iinis niya rito.
"Ako pa." pagksabi nun ay gumalaw ang kintatayuan nila. Isang platform na gawa sa lupa ang bumaklas sa mismong kinatatayuan nila. Kontrolado ni Cyrus ang platform na iyon at sabay ng pagtaas ng isang kamay ay ang paglipad din nila pataas. Lahat sila ay nasa himpapawid na at ang susunod na destinasyon ay ang kapatagang tinutukoy ni Cornelia. Ilang kilometro din ang layo nito mula sa binagsakan nila. Nakita nila ang mga kasamahang nasa baba at kinawayan nila ito. Sumenyas na babalikan sila. Bago pa sila makarating sa kapatagang iyon ay may malalaking baging na may tinik ang biglang sumulpot mula sa ibaba, nakaiwas naman sina Cornelia pero nahawakan naman ang mga pakpak at paa ni Charice, at napapaikutan naman sina Kugure ng mga baging na handang kumapit sa kanya. Sina Cyrus at Carlie naman ay nakahinto bago paman makalapit sa mga baging. Mas lalong humihigpit ang pagkakapulupot ng mga baging kay Charice.
"Tumutusok na yung mga tinik at humihigpit na ng husto." daing ni Charice.
"Charice huwag kang pumalag baka mas lalo lang yang didiin." saad ni Cassiel.
"Kugure wag kang kumilos baka madampian mo yung mga tinik." saad naman ni Chayanne.
"Gumawa kayo ng paraan."
"Sino ba kumokontrol sa mga ito?" pumikit si Cyrus at pinakinggan ang bawat laman ng isip ng mga kasama at may isang hindi pamilyar sa kanya ang kanyang napakinggan. Takot ito at ang mga baging ang gamit niyang proteksyon. Bumulong si Cyrus kay Carlie tungkol sa bagong boses na ito. Tumingin si Carlie sa gawing itinuro ni Cyrus na pinagmulan ng takot na boses. May nakita si Carlie na isang babae na agad namang nagtago. Sa posisyon nito ay kitang-kita na ito nga mismo ang kumokontrol sa mga baging.
"Putulin niyo ang baging!" utos ni Carlie.
"Aye!" sagot ng lahat.
Gumawa si Cornelia ng magic circle at mula dito ay may lumabas na mga espada, sa isang kumpas ay isa-isang pinutol ng mga ito ang mga baging pero sa bawat pagputol nito ay may bagong paparating. Panay atake at ilag ang ginawa ni Cornelia mas nakakakilos siya dahil wala siyang angkas sa walis na gamit niya.
"Carlie dumadami sila ng dumadami, hanapin niyo yung source para matigil to." saad ni Cornelia.
"Yun talaga balak namin." sagot ni Carlie. Binabaan ni Cyrus ang paglipad ng platform papunta sa nakitang pinagmumulan ng mga baging.
"Yun! Cyrus bilisan mo tumatakbo na siya!." utos ni Carlie.
"Sige." mas lalong binilisan ni Cyrus ang pagpapalipad sa platform. Hindi naman nagpapahuli ang kanilang hinahabol at panay ang atake nito. Kaya nitong kontrolin ang mga halaman at isang malaking man-eating plant ang kanyang pinalabas, muntikan ng mahuli sina Cyrus pero buti at nakaiwas ito. Wala ring balak magpatalo ni Cyrus kaya gamit ang kabilang kamay ay ikinumpas niya ito at mga batong iba't ibang laki ang lumabas. Inihagis niya ang lahat papunta sa tumatakbong babae. Isang malaking puno ang humarang sa atake ni Cyrus at biglang gumalaw ang mga branches nito. Umaatake ang puno habang paalis naman ang hinahabol nila.
"Yang punong yan ay galing sa lupa, kaya ibabalik ko siya kung saan siya galing." hinigop ang malaking puno sa kumunoy na ginawa ni Cyrus at muli na naman nilang hinabol ang babae.
"Cyrus masyado na yatang matagal yang paghabol mo." pang-iinis ni Carlie.
"Tsk. Edi tapusin na natin to." mula sa tinatakbuhan ng babae ay lumabas galing sa lupa ang isang bakal na cage at doon ay nakulong ang babae. Hingal na hingal itong napa-upo. Sinubukan nitong gamitin ang kapangyarihan ngunit walang lumabas sa kaniya.
"Huwag mo ng subukan pang gamitin ang kapangyarihan mo kasi wala ka namang mapapala." saad ni Carlie na nagawa niyang harangan ang kapangyarihan ng babae para hindi na makapalag.
"Kaya mo naman palang harangan ang kapangyarihan niya bat di mo naisip yan kanina." pinababa ni Cyrus ang platform.
"Pasensya na ngayon ko lang nalaman, gusto ko kasing makatulong." mahinang sagot ni Carlie.
"Okay lang." bumaba na sila ng platform at nilapitan ang babaeng nasa cage na bakal na gawa ni Cyrus.
"Bakit mo ba kami inaatake?" tanong ni Carlie. Walang imik ang babae at nakayakap lang ito sa mga tuhod niya. Si Cyrus naman ang lumapit at inalis ang hawla. Sinalo niya ang babae at ibinaba sa lupa.
"Uulitin ko bakit mo kami inatake?" medyo nawawalan na ng pasensya si Carlie.
"Ako na ang bahala." aniya ni Cyrus na pinakinggan na lamang ang nasa isip ng babae.
"Umalis na kayo dito, manganganib lang din ang buhay niyo. Ilang kilomtero mula sa kapatagang gusto niyong puntahan ay may isang haring sakim sa kapangyarihan ang kumukulong sa mga tao sa nayon ng Claristun." sa isip ng babae.
Ibinahagi ni Cyrus ang narinig niya kay Carlie. At determinado pa rin si Carlie na pagsalitain ang babae ngunit wala parin siyang napala. Sinubukang ibuka ng babae ang kanyang bibig ngunit walang boses ang lumalabas dito. Nakita niya ang marka ni Cyrus sa kanyang kanang kamay at hinawakan ito. Ipinakita rin ng babae ang kanyang marka sa batok pero iba ang itsura nito sa markang nakaukit kina Cornelia, Ciara at Cyrus.
"Isa siya sa atin." konklusyon ni Carlie. "Pasensya na at pinahirapan pa kita hindi ko alam na hindi ka pala nakakapgsalita."
"Sasabihin ko sana sayo pero ayaw mo naman makinig." pabalang na saad ni Cyrus.
"Anong pinupunto mo Cyrus?" pinandilatan niya ito ng mata.
"Wala naman ah." sabay binatokan siya ni Carlie. Natuwa naman ang babae at natawa ito sa asaran ng dalawa pero wala paring boses ang lumalabas mula rito.
"Gusto mong sumama samin?" anyaya ni Carlie. Itinuro ng babae si Cyrus at sumenyas ito na pakinggan siya sa pamamagitan ng kanyang isipan.
"Gusto ko kung okay lang sa inyo." aniya sa isipan nito.
"Gusto raw niya kung okay lang sayo." pahayag naman ni Cyrus.
"Okay na okay Charlene." pagkasabi nun ay namilog ang mga mata nito sa tuwa at biglang umilaw ang kanyang marka sa batok. Sa isang banda ay napansin din ni Charlemagne ang markang nakaukit sa leeg na umilaw saglit pero inakala niyang namalik-mata lang siya kaya di na niya pinansin.
Isinama nina Carlie at Cyrus ang babae sakay ng mas malaking platform sa kanilang pagbalik sa mga kasamahan. Andun pa rin ang mga baging pero hindi na ito gumagalaw. Hindi naman agad naputol ni Cornelia ang lahat ng mga ito dahil na rin sa kakapalan ng bawat baging. Napatingin silang lahat sa bagong mukhang kasama nina Carlie. Mas lumapit pa sina Cyrus sa kinalalagyan ng mga baging at sa isang hipo lang ni Charlene ay nawala na ito. Sugatan ang mga pakpak at paa ni Charice sa pagkakakapit ng baging na yun sa kanya. Dumudugo ang mga sugat niya at hindi na niya kaya pang lumipad kaya bumalik siya sa tunay niyang anyo sabay hulog sa kasama na mga angkas niya. Sinalo agad ni Cornelia si Vienna at sina Vancruise at Vyronne naman ay bumagsak sa isang malaking dahon na gumagalaw pataas. Tumalon papunta roon si Charlene at kumapit sa baging na pinalabas mula sa lupa.
"Magpunta na muna tayo sa kapatagang yun at tsaka na tayo mag-usap-usap." inalalayan ni Carlie si Charice. Pagkababa sa kapatagan silang lahat ay nagpahinga. Nilapitan agad ni Cassiel si Charice at tiningnan ang sugat. Akmang lalapit si Charlene pero pinandilatan siya ni Cassiel kaya hindi na niya itinuloy ang paglapit. Tiningnan niya si Cyrus at tumango naman ito.
"Hindi niya raw ibig na may masaktan sa atin, ginawa lang niya yun dahil na rin sa takot. At tsaka." bumuntong-hininga pa ito.
"Ano Cyrus? at tsaka ano?" galit na tanong ni Cassiel.
"May lason ang mga tinik na yun, hindi raw agad eepekto ang lason na yun kaya may oras pa tayong kumuha ng antidote para dun."
"Lason?" agad sinugod ni Cassiel si Charlene at sinampal. Wala ni isang nakapigil kay Cassiel. Agad namang namula ang pisngi ni Charlene at napaiyak na lamang ito.
"Saan ba makukuha ang antidote?" sabat naman ni Chayanne.
"Sa Claristun raw." pahayag ni Cyrus.
"Di ba Claristun yung sinabi mong pinamamahalaan ng isang Sakim na Hari?" tumango lang si Charlene habang pinupunasan ang luha.
"Ilang araw ba or oras bago umipekto ang lason?"tanong ni Carlie,
"Tatlong araw." saad naman ni Cyrus. Si Cyrus ang nagsisilbing tenga nila kay Charlene at bibig naman nito.
"Titignan ko kung may magagawa ako." aniya ni Cornelia at nilapitan si Charice.
"Bright light, shining light heal the pain with all my thy might." isang healing spell ang ikinast ni Cornelia pero yung sugat lang at sakit ang nawala hindi ang lason.
"Ginawa mo naman ang makakaya mo." hinimas ni Ciara ang likod ng kakambal.
"Meron tayong tatlong araw mula ngayon para kunin ang antidote sa Claristun. Hintayin muna natin ang iba pa nating kasamahan para mapag-usapan ang paksang to." aniya ni Carlie.
Habang naghihintay ay gumawa si Cyrus ng masisilungan nila na gawa sa hinulmang bakal na may coating ng lupa at bato. Parang isang malaking mansion ang ginawa nito. May kaniya-kaniyang kwarto ang bawat isa pero pinabago naman yun ni Carlie at ipinasyang dalawang malalaking kwarto ang gawin nito para sa mga babae at mga lalake. Sumang-ayon naman ang lahat. Medyo padilim na ng makarating ang iba nilang kasamahan na may dala-dalang isda at mga prutas. Sina Cloyce at Casimir ang unang nakarating.
"Nasaan na ang iba mo pang kasamahan?"
"Yung mga tao ba? ang bagal kasi nila." saad ni Casimir.
"So iniwan niyo na lang?" kibit-balikat na saad ni Chayanne.
"Hindi ah sila yung ayaw magpatulong e." sabat naman ni Cloyce. Hindi rin nagtagal ay nakarating na rin sina Venz at ang iba pa niyang kasamahan. Pagkakita niya sa matutuluyan ay wala na siyang naisip na ipang-asar kay Cyrus at hindi na lamang niya ito pinansin. Nagluto na muna sila ng makakain at nagpahinga. Matapos makapaglinis ng katawan ang bawat isa ay sa isang meeting hall na sadyang ipinagawa ni Carlie sila nagtuloy.
"Pinatawag ko kayong lahat para sa isang usapan, gusto ko sanang makiisa ang lahat. Unang-una ay tungkol sa bago nating kasamang si Charlene. May nakaukit ring marka sa kanyang batok pero hindi pa namin alam kung ilang bahagi ang kulang dun dahil hindi ako pamilyar sa markang ito." ipinakita ni Charlene ang kanyang marka.
"It's the symbol of Khadra!" bulalas ni Cornelia. "Nakita ko yan sa isang libro na ipinahiram sakin ni Elder Welhelmina."
"Khadra?"
"Opo, yang nasa batok niya ay ang kalahati ng markang yun. Ibig sabihin may kakambal siya. Gaya namin nina Cyrus na nahati ang marka sa tatlong bahagi. Ang ibig sabihin niyan ay pag pinagsama ang kambal ay magiging balanse na ang kapangyarihang taglay nito. Siguro kaya hindi makapagsalita si Charlene dahil ang kapangyarihang taglay ng kakambal nito ay nangagaling sa boses nito." teorya ni Cornelia.
"Siguro nga pero tsaka na natin problemahin yan ang dapat nating pagtuunan ng pansin ay si Charice. Nalason siya sa tinik na nanggaling sa baging na nakapulupot sa kanya kanina." nagulantang ang lahat sa nalaman.
"Sa loob ng tatlong araw paunti-unting lalabas ang sintomas ng lason at ang antidote nito ay matatagpuan lamang sa Claristun. Hahatiin ko ang grupo sa tatlo. Grupo niyo Venz ay matitira dito kasama si Cornelia para bantayan ang kondisyon ni Charice. Cloyce, Ciara Cassiel at Cyrus doon kayo sa east side maghanap isama niyo na rin si Charlene. Sa west side naman ay si Casimir, Chayanne at ako pati na rin si Kugure." sabay turo sa tigreng nakaupo ng tuwid sa tabi ni Chayanne.
"Anong klase ba ng antidote ang hinahanap natin?"
"Isa raw maliit na kulay bughaw na bulaklak ang may taglay na ng antidote. Ang halaman na ito ay kasinglaki lang ng mga palad niyo kaya dahan-dahan kayo sa mga tinatapakan niyo. At tanging bulaklak lang nito na may kung anumang kumukislap sa gitna nito ang kunin niyo. Mag-iingat kayo dahil kahit na antidote ito may taglay din itong sariling lason." paliwanag ni Cyrus sa mga sinabi ni Charlene sa isipan nito.
"Buti pa magpahinga na muna tayo ngayon at bukas na bukas ay simulan na natin ang paghahanap." utos ni Carlie sa mga kasama. At silang lahat ay nagsi-alisan na papunta sa mga kwarto. Si Cornelia ay tumabi kay Charice para tignan ang kalagayan nito. Pinahiga niya ito sa isang Pentagram na gawa niya para subukang harangan ang lason sa katawan nito.
Sa loob ng Claristun napadpad si Caien sa kakahanap nito ng matutuluyan. Sumalubong sa kanya si Charlemagne na agad siyang pinalibutan nito ng mga kawal. Dahil hindi pa bumabalik ang kapangyarihan nito ay hindi niya kayang makipaglaban sa sitwasyong iyon. Ibinilanggo ni Charlemagne si Caien mag-isa sa isang selda. Panay buto ang mga andun na tila namatay sa gutom o kung anuman. Laging nasa tabi ni Charlemagne si Cydee at nag-aupdate sa kanya sa bawat divination nito. Dahil hindi pa sakop ng barrier na nagawa ni Charlemagne ang kinaroroonan nina Carlie ay hindi pa nito alam na naroon na sila sa dimensyong kinaroroonan niya. At sa kalagayan ni Caien ay hinahayaan niya munang makulong siya roon malayo sa ibang nakasamang bumagsak sa Star Fall Moor dimension.
Ang aninong inakala ni Carlie na naglaho kasabay ng black hole ay naghahanda na pala para sa palapit na pagsasama-sama ng lahat ng Gods ang Goddesses. Kung ano ang kahihinatnan nito ay hindi pa niya alam.