"Salo!" sigaw ni Cassimir na tumatakbo palayo sa humahabol dito.
"Cassimir! ang hina mo talagang bumato!" galit na sabi ni Cloyce.
"Aangal ka pa buti ka nga isa lang humahabol sa'yo." nag-asaran pa ang dalawa habang tinatakasan ang mga police na naghahabol sa kanila.
"Mir oras na." nakangising sabi nito.
"Dating gawi?" tumango lang ang nakangising si Cloyce.
Dating-gawi, yun yung mga instances na tinatakasan ng dalawa ang humahabol sa kanila. Mabilis tumakbo si Cassimir habang si Cloyce ay kayang magteleport.
"Unahan sa hide-out Mir." biglang nawala si Cloyce.
"Unahan daw ang daya talaga nito." bulong niya sa sarili. Sinimulan ng magdash ni Cassimir papunta sa hide-out nila.
Tulad lang ng laging nangyayari, si Cloyce ang laging nauuna sa hide-out nila. Pero hindi naman magpapahuli si Casimir, maya-maya lang ay nakarating na din ito.
"Ano ba yan, hay, inaantok na ako sa kahihintay sa'yo." pang-aasar ni Cloyce.
"Tignan mo naman, hindi ka lumalaban ng patas eh." medyo hingal na angal ni Casimir.
"Buti naman maaga kayo ngayon." salubong sa kanila ng isang babae.
"O ayan na yung nakuha namin ngayon, Charice tingin mo kakasya na ba yan?" tanong ni Cloyce.
"Cassiel! Punta ka dito bilis." tawag ni Charice sa isa pang kasamahan.
"Buti hindi kayo naabutan ng mga police na yun. Napaghandaan na kayo." nakakibit-balikat na saad ni Cassiel.
"Cassiel kahit padalhan pa nila kami ng tanke at pasabugan pa kami ng granada hindi kami kailanman maaabutan ng mga yun." may kumpyansang saad ni Cloyce.
Pumasok na ang apat sa kanilang hide-out, isa ito sa mga warehouse na natatagpuan malapit sa pier. Nagtatrabaho din sila bilang mga porter bilang pagbabalat kayo at sideline na rin, maliban lang yan sa pagiging mga magnanakaw nila. Yung mga nananakaw nila ay palihim nila itong binibigay sa mga palaboy-laboy. Tinatago nila ang mga bata sa hide-out nila kesa naman dakpin ang mga ito ng mga sindikato at pinaglilimos sa mga kalye. Ang mga taong corrupt at abusado lamang ang ninanakawan nila at kinakalaban na rin.
Ang apat na mga Gods and Goddesses na ito ay sa ibang dimension napunta. Sa kanilang pagbagsak ay hinihop sila ng isang blackhole na biglang lumitaw at sanhi rin ito ng kapangyarihan ni Gaia. Pero silang apat ay pare-parehong bumagsak sa iisang lugar at pare-parehong alam ang mga kakayahang taglay nila. Si Cloyce ay kayang magteleport sa kahit saan man nito gustuhin pero dapat alam na alam nito ang eksaktong destinasyon niya. Si Casimir naman ay mabilis tumakbo, mas mabilis pa ito sa kidlat at dahil din sa bilis niya ay nakakatakbo siya sa ibabaw ng tubig. Si Cassiel ay nagiging invincible at tumatagos sa mga pader o sa kahit anong matitigas na bagay basta't ninanais niya. Ang panghuli ay si Charice, kaya niyang gayahin at kopyahin ang kahit ano o sinumang naisin din nito. Nakakapag-palit anyo siya at madalas napapain sa kanila lalo na kapag may dapat silang gayahin. Silang apat ay kilala bilang gang of thieves sa Los Angeles. Sa modernization ng kanilang nabagsakang lugar kailangan nilang makipagsabayan sa mga tao roon.
"Akin na yung buong kita natin ngayon." utos ni Cassiel.
"Yan na lahat ang nakuha namin sa mismong head ng Mafia Octa. Medyo minalas nga lang dahil yung Hepe ng polisya pala ang may deal sa mga tarantadong yun." inis na saad ni Cloyce.
"Talaga? as in si Chief Johannsen ang protektor ng Mafia Octa?" naka-upo si Charice habang tinutulungang magbilang si Cassiel.
"Tumpak! heto pa, si Senator Williams ang nagbibigay ng financial support sa Car smuggling at child trafficking." pagbibigay impormasyon ni Casimir.
"May transaction sila bukas para sa shipment ng mga smuggled cars galing Europe. Dapat maunahan natin sila. At swerte natin dahil dito sa port area na to mismo dadaong ang cargo ship."
"Bukas? hindi ba bukas din i-didispose ng Mafia Octa ang mga batang may sakit? So ano yung mas uunahin natin?" tanong ni Cassiel.
"Dating gawi rin. Paghatian natin ang trabaho. Mas mabuting si Cloyce at si Cassiel ang magteam-up at tayo Charice ang bobokya sa transaction bukas."
"Magkano ba yung money involve sa transaction na yun Casimir at ayaw mong bitawan?" kibit-balikat na tanong ni Charice.
"1.2 billion dollars. Magbubuhay mayaman na tayo niyan." Nakangisi pa ito ng ilahad ang perang pwede nilang makuha.
"Uunahin pa ba natin yung pagyaman natin? Ugok ka talaga!" sabay batok ni Cloyce kay Casimir.
"Syempre joke lang naman yun, pero yung perang yun ay pwede na nating ipagamot lahat ng mga batang may sakit na maliligtas natin at makakapagpagawa na tayo ng bahay na pwedeng tuluyan ng mga bata." sumeryoso ang mukha ni Casimir habang nakatingin sa mga batang nakahiga sa sahig.
"Tama ka Mir. Para sa mga batang ito." pagsang-ayon ni Cloyce.
Ang mga batang nakuha nila nung mismong araw na nagising sila ay bumibilang sa 13. Dalawa sa mga batang iyon ay may malubhang sakit, dahil bago pa sila sa dimensyong ito ay hindi nila alam ang mga dapat gawin. Tatlong araw lang nilang nakasama ang dalawang iyon at binawian na ito ng buhay. Kaya naisumpa nilang apat na ililigtas nila ang mga batang inaabuso at pagbabayarin ang mga sakim at abusado.
Kinabukasan ay naghahanda na sila sa kanilang pag-alis. Ang mga batang maiiwan ay naipaghanda na nila ng pagkain at ang pinakamatanda sa mga ito na si Drake ang siyang iniwan nilang in-charge sa mga nakababata nito.
"Drake, pag nagutom kayo may mga pagkain jan, kain lang ng kain. Kung pwede wag niyo ng hintaying magutom kayo." pagpapaalala ni Cassiel.
"Opo. Mag-iingat po kayo. Alam po naming may mga powers kayo pero sa tuwing aalis po kayo ay nag-aalala din po kami."
"Pag natapos kami agad bibilhan namin kayo ng mga pasalubong."
"Tsaka may bago na rin kayong makakasama pagbalik namin." ginulo ni Casimir ang buhok ni Drake.
"Sana maligtas niyo sila agad." at nagpaalam na ang apat. Tulad ng lagi nilang ginagawa ay cli-noak ni Cassiel ang hide-out nila para hindi ito matunton. Nagmukha lamang itong mga dikit-dikit na puno na mismo sila lamang ang nakakaalam. Nagteam-up na ang mga ito sa tig-dadalawa.
"Charice, Casimir, mag-iingat kayo. Pag nailigtas na namin lahat ng bata at naitago na namin sila dito sa hide-out pupuntahan namin kayo." saad ni Cloyce.
"Ganun din kami." nakangiting saad ni Casimir at umalis na sila.
Sa Hilton mansion nagpunta sina Cloyce at Cassiel habang inaabangan na nila Charice at Casimir ang cargo ship mula Europe. Nakita na ni Cloyce ang target nitong van na naglalaman sa mga batang may mga karamdaman. Yung mga hindi na nila mapagkikitaan. Ang kailangan nalang nilang gawin ay sundan kung saan nila itatapon yung mga bata.
"Cloyce tara na!."
"Sige."
Pinaalis na muna ng dalawa ang van at tatlong nakamotor na escort nito. Nagtatago sila sa isang puno na malapit lamang sa gate ng mansion. Nang tuluyan ng makalabas ng vicinity ay doon na sila kumilos. Nagteleport si Cloyce palabas ng vicinity habang tumagos naman si Cassiel sa mahaba nitong pader. Sa di kalayuan ay doon nila pinark yung gagamiting motorsiklo. Kahit na may mga kapangyarihan sila ay hindi pa rin maiwasan na may mga bagay talagang hindi nila basta basta sinusuong. Para hindi mapaghahalataan na nakasunod sila ay cli-noak ni Cassiel ang motorsiklo at pati na rin ang mga sarili nito. Sa madaling salita ay naging invincible sila. Nauna ang dalawang escort nito at nakasunod ang itim na van. Habang sinusundan nila ito ay pinagmamasdan din nila ang paligid. May nakitang sign si Cassiel na nakalagay doon "Point Fermin Park" nangamba siyang bigla.
"It says Point Fermin Park. Cloyce, kinakabahan ako."
"Bakit naman?"
"Hindi nila basta basta iiwan ang mga batang yan, ihuhulog nila ang mga ito sa cliff."
"Ano?!" bulalas ni Cloyce. Napatigil ito sa pagmamaneho at itinabi saglit ang motor.
"Sigurado ako Cloyce, may bangin sa park na ito. Dapat hindi natin sila paabutin sa area na yun." hindi na mapakali si Cassiel.
"Ambush."
"Ano?"
"Ambushin natin yung van."
"Paano? wala tayong armas Cloyce."
"Pero may kapangyarihan tayo. Kaya natin to."
"Ano ba balak mo?"
"Haharangan ko sila, pag napatigil ko ang takbo ng van pumasok ka sa loob nito at kunin mo yung susi ng tarangkahan sa likod. Bibigyan kita ng sapat na oras para mailabas lahat ng bata doon sa loob."
"Paano ka?"
"Wag kang mag-alala ang isipin mo nalang kung paano mailalabas lahat ng mga batang yun ng di namamalayan."
Sumang-ayon na lamang si Cassiel sa plano ni Cloyce. Tulad ng plano ay mabilis na nagpatakbo si Cloyce, nakaangkas naman si Cassiel sa likod pero nagcloak na ito. Sinadyang mag-ingay ni Cloyce at dinikitan ang mga escort ng van, ng makakita ng pagkakataon ay inunahan niya ang mga ito at hinaharang ang motor. Nang tumigil ang motor ay sumimpleng bumaba si Cassiel at tumagos sa harap ng van, ang susi ay nakita niyang kasama ang susi ng van na nakasaksak sa susian nito. Kailangan niyang makuha ang susi ng hindi siya nahahalata. Dahan-dahan niyang tinanggal ang susi at biglang namatay ang engine ng van. Nagtaka naman ang driver at kinapa ang susian pero wala na ito. Napansin naman ni Cloyce ang reaksyon ng driver kaya bumaba siya ng motor at gumawa ng eksena.
"Yo my man!" angas na saad nito.
"What's up with you?" itinutok ng isa sa mga nakamotor ang dala nitong rifle.
"Wala lang naman. As you can see." nagteleport si Cloyce sa tabi nito at hinablot agad ang rifle. Itinutok niya ito pabalik. "Ano mararamdaman mo kapag tinutukan ka bigla nito?"
Itinaas nito ang dalawang kamay at inutusan ni Cloyce na lumayo sa van. Sinipa niya ito at pinutukan ang paa. Umiling iling sa sakit ang lalake at napadapa sa damuhan. Bumaba din ang isa pa nitong kasamang nakamotor at binaril si Cloyce, tulad ng nangyari sa nauna ay nagteleport siya malapit dito at hinablot ang rifle tsaka pinaputukan ang paa. Tinali niya ang dalawa sa puno para hindi na ito makakilos. Sinunod niyang tutukan ang dalawang tao sa van. Ang driver ay mabilis na sumunod at lumabas ng van habang yung isa ay nagtitigastigasan pa. Sapilitang hinila ni Cloyce ang isa at pinadapa sa lupa. Libre ng nakatagos sa likuran si Cassiel at nagpakita sa mga bata.Takot na takot ang mga ito at madudungis. Kinalma niya ang mga ito tsaka tumagos palabas para buksan ang lock. Pagkatanggal ng lock ay binuksan niya ang van at isa-isa niyang inalalayan ang mga bata para makababa. Binilang niya ang mga ito at pitong bata ang laman ng van. Mababa ang bilang nito kesa sa impormasyong nasagap niya. Si Cloyce naman ay tinali ang apat na mga lalake at tinakpan ng masking tape ang mga bibig nito. Kinuha nila ang van at isinakay ulit ang mga bata pero ngayon ang destinasyon ng mga bata ay ang ospital. Dinala nila ang pitong bata sa kakilala nilang doctor na siya ring nakakaintindi sa ginagawa nila. Mabilis na inatupag ng doctor ang mga bagong dating na mga bata. Inabutan rin nila ng envelope ang doctor na may lamang pera. Halos mapunit na ito sa kapal ng laman nito. Nang makampante ay umalis na ang dalawa para tulungan sina Charice at Casimir.
"Mir, bakit wala pa yung cargo ship. Tama ba yung impormasyong nakuha mo?" nagtatago ang dalawa sa isang maliit na bangka.
"Tama naman yung narinig ko. Hintay lang tayo baka nadelay lang o may di pagkakaunawaan ang dalawang kampo."
Sa di kalayuan ay may isang kotseng huminto sa tapat ng isang occupied na warehouse. Mula sa warehouse ay may tatlong kalalakihan ang lumabas at sinalubong ang lalaking lumabas sa kotse. Lumabas din ang dalawa pang lalake sa kotse at sinara ang pinto. Nag-usap-usap ang mga ito na para bang may hindi pagkakaunawaan. Sa isang iglap ay binaril ng naunang lalake ang tatlong mula sa warehouse ng ganun kabilis. Nabigla ang dalawa at hindi makapaniwala sa nakita nila.
"May hindi tama dito. Mabuti pa umalis na tayo Casimir. Hindi lang pala tayo ang nakakaalam ng transakyong ito."
"Hindi Charice nandito na tayo, ipagpatuloy na natin to, tsaka hindi tayo pwede basta basta nalang aalis dito at magtungo sa hide-out. Mapanganib para sa mga bata."
"Anong balak mo?"
"Maghintay lang tayo ng tamang tyempo."
Ang tatlong lalakeng lumabas ng kotse ay tumingin-tingin sa paligid nito, ng makasigurong walang nakakita ay hinila ng dalawang lalake ang mga bangkay at tinapon sa dagat. Ang isang nkatayo ay tinaggal ang suot nitong shades at lumantad ang mga mata nitong kulay pula. Nakatingin ito sa direksyon ng dalawa. Napaatras si Casimir sa nakita ng ngumiti pa ito bago isinuot ulit ang shades. Lumapit naman ang mga kasamahan nito at may ibinulong siya sa mga ito. Napatingin din ang dalawa sa direksyon nila at bigla ring naging pula ang mga mata nito.
"Mir!" mahigpit na hawak ni Charice sa braso nito.
"Charice mag-anyo ka bilang isda. Hanapin mo sina Cloyce at Cassiel wag mo silang papuntahin dito. Bilis na." mabilis na nag-anyong isda si Charice at dahan-dahan siyang nilagay ni Casimir sa tubig. Mabilis na lumangoy paalis si Charice at naiwan sa bangka si Casimir. Saktong paglingon ni Casimir ay magkalapit na ang mukha nila ng lalaking naka-shades. Ngumiti ito at lumabas ang mga pangil nito. Tumalon si Casimir paalis sa bangka at tumakbo sa ibabaw ng dagat. Kung inakala niyang nakalayo na siya ay hindi pala. Laking gulat niya ng ang dalawang kasamahan nito ay nakasunod sa kanya. Kasing-bilis niya rin itong tumakbo. Hinablot ng dalawa ang braso ni Casimir at lumubog siya sa dagat. Hinila siya pataas ng dalawa na nakaapak pa rin sa tubig at hindi lumulubog.
"Boss, we got one hell if a fish er ei!" nagtawanan pa ang dalawa. Sumensyas ang tinatawag nilang boss at mabilis silang bumalik sa tabi nito.
"Let me see his face." matamang tinitigan ng boss nila si Casimir na inuubo dahil sa tubig-alat na nainom nito.
"Is he one of them boss?" tanong ng isa.
"Yes he is, we need to get the rest of them."
"Yes boss." agad na umalis ang dalawa.
"What do you want from us?" matapang nitong tanong.
"Not me, utos lang naman to at sinusunod ko lang naman."
"Sino nag-utos?"
"Unfortunately, he's one of you."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Di ko rin alam kong ano kayo, pero hindi kayo mga normal na tao. Kakaiba ang amoy at lasa ng mga dugo niyo kesa sa mga taong lagi naming nakakahalubilo." tatakas na sana si Casimir pero mabilis nahablot ng lalake ang leeg nito. Itinaas pa siya at inilabas nito ang mga pangil na handang-handa ng tumuklaw.
"Run guys! run!" sigaw ni Casimir sa isip nito. He was hoping na marinig nila iyon.
Sa isang banda ay umahon na si Charice mula sa karagatan ilang kilometro ang layo niya mula sa kinaroroonan ni Casimir. Rinig na rinig niya ang utos nitong patakbuhin sila. Nag-anyo siyang cheetah para matuntun niya ang amoy ng iba pa nilang kasama at mabilis na mapuntahan ito. Habang papalapit na siya sa kinaroroonan nina Cloyce at Cassiel ay laking gulat niya ng makita ang dalawang sinasakal ng lalakeng namumukhaan niya. Hindi niya namalayan na sa kanyang likuran ay nandun rin ang isa nitong kasama. Nakailag pa siya sa biglang pagyapos nito. Nag-anyo siya bear at kinalmot ang lalake, nasugatan naman niya ito sa dibdib pero gumaling din ito agad. Nagalit ito at inilabas ang pangil. Nag-anyong agila si Charice at lumipad. Hindi niya pwedeng iwan ang mga kasamahan at humahanap lang siya ng tyempo para umatake. Si Cloyce naman ay tinangkang magteleport pero parang may humaharang sa kapangyarihan nito ganun din si Cassiel. Nag-isip si Charice ng paraan kung paano niya matutulungan ang mga kasamahan.
"Charice! umalis kana dito!" Sigaw ni Cassiel. Mas lalong hinigpitan ng lalake ang pagkakasakal niya kay Cassiel.
"Umalis ka at mamamatay tong kasama mo. Hahaha."
"Wag mo na kaming isipin umalis ka na!" segunda ni Cloyce. Hinigpitan din ng lalake ang pagkakasakal niya kay Cloyce.
"Hindi pwede, ayoko kayong iwan!" sigaw ni Charice. Nag-anyo siyang bubuyog at lumayo-layo ng konti. Nakaisip siya ng paraan. Inisip niya ang mukha ng naiwang kasamahan ng mga nilalang na umaatake sa kanila. Nagconcentrate siya at ginaya ang kasamahan nila. Lumabas siya sa pagtatago at taas-noong nagpakita sa mga ito.
"Boss!"
"Let them go, you might kill them. We need them alive." galit na tugon ni Charice. Gayang-gaya niya ang boses nito pero nangangamba siyang baka mahalata siya. Tulad ng iniutos niya ay binitiwan ng malaking lalake ang dalawa. Gustohin mang lapitan ni Charice ang kasamahan ay tiniis niya lamang iyon.
"Boss where's the other one?"
"I locked him up already. Bilisan niyo na ang kilos niyo at dalhin niyo na ang dalawang yan sa kotse."
"Pero boss may isa pang nakatakas."
"Mahuhuli rin natin siya. Pero sa ngayon ay kailangan na nating umalis."
"FOOLS!" isang malakas na sigaw ang nanggaling sa likod ni Charice. Tinulak siya nito at bumagsak siya sa lupa.
Nagulat naman ang dalawang nalinlang ni Charice.
"MORONS! IDIOTS! hindi niyo man lang namalayan na magkapareho lamang ang mga amoy nga mga yan!" galit na saad ng boss nila. Ibinagsak din niya sa harap nila Cloyce, Cassiel at Charice ang katawan ni Casimir.
"CASIMIR!" sabay na sambit nila.
"Buhay pa yan, kung ako lang masusunod ay papatayin ko na kayong lahat." kahit pa naka shades ito ay lumalabas ang pulang kulay nga mga mata nito sa tindi ng galit nito.
Inalalayan ni Cloyce ang kaibigang si Casimir na hinimatay. Tinitignan lamang nila ang tatlong nag-uusap sa harapan nila. Gustuhin man nilang lumaban ay wala silang magagawa, may kung anong pumipigil sa kanilang mga kapangyarihan. Nang magkasundo ay kinarga ng pinakamalaki sa tatlo ang dalawang babae. Habang kinarga ng isa ang walang-malay na si Casimir. Yung boss naman nila ang humihila kay Cloyce.
Sa isang bakanteng lote ay tumigil sila sa paglalakad. Humarap ang boss nila at binitiwan si Cloyce, ibinaba rin ng dalawa pa nitong mga kasamahan sina Charice, Casimir at Cassiel.
"Pwede na siguro dito." saad ng boss nila.
"Okay boss." sang-ayon ng dalawa.
Mula sa bulsa nito ay may inilabas siyang isang bato, hindi ito ordinaryong bato dahil umaapoy-apoy ito. Ibinagsak niya ang bato sa gitna ng apat at isang magic circle ang lumabas.
"Boss alam mo ba pano gamitin yan?" tinitigan lang siya ng masama ng boss nila kaya hindi na lang ito kumontra.
"Take us to Lord Cyrus." pagkasabi nun ay lumiwanag ang magic circle at bigla silang nawala. Ang batong inilagay sa lupa ay nawala rin. Napunta sila sa isang madilim na lugar, sa isang kastilyo na napapalibutan ng mga paniki. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ng liwanag sa lugar na iyon. Sa isang maluwag na kwarto may nakaupong lalake na nakangiti ng makita sila. Katabi nito ay isang babae, parehong hindi malinaw ang mga itsura nila dahil sa usok na bumabalot sa buong kwarto. Ang nakita lang ni Cloyce ay ang paglapit ng tinatawag na boss ng umatake sa kanila sa babaeng katabi ng lalakeng nakaupo sa harapan nila at nawalan na sila pare-pareho ng malay.
Naiwan ng apat na Gods and Goddesses ang mga bata sa hide-out nila. Ramdam na ni Drake na hindi na babalik ang mga ito. Hindi dahil inabandona na sila kundi ramdam niyang may nangyaring masama sa apat nilang tagapagligtas. Ang doktor na kaibigan ng apat ay nagpunta sa hide-out nila para kunin ang labing-isang batang naiwan ng mga ito. Kasi bigla niyang narinig si Casimir na nagsalita. "Alagaan mo silang lahat. Babalik kami. Pangako yan." Inakala niya nung una na guni-guni niya lamang iyon pero nasundan ito sa mga boses nina Charice, Cassiel at Cloyce kaya alam niyang may nangyari sa apat at responisbilidad na niya ang mga batang naiwan nila.