webnovel

Chapter Three

2:35 pm September 22, 2018 Saturday

Now I'm on my way to Lobo, Batangas where my best friend Isay lives.

The ride starting from Kawit, Cavite to Lobo, Batangas was three hours, but it depends if there's no long traffic jam or accidents on the road.

While driving along the way, I was listening a song from 1970.

The song title is "I Will Survive" and Gloria Gaynor sang it.

This song is one among of my favorite songs. It was the song of my life. I love this song, not only because it was a catchy song or the lyric are easy to remember, but because the message of the song reminds me of memories.

Memories precious to mine.

Memories until now that keeps coming back although it happened when I was a teen.

Enough na nga sa ka-E-English. Kawawa na si Author, sabog na sabog na ang utak niya at baka sa pagkainis patayin ang role ko sa kuwento at mawala na ang kagandahan ko sa eksena.

Ayaw ko pa, paano ako sisikat kung wala na ako sa sarili kong kuwento?

Magbalik tayo sa kuwento ko in Tagalog naman.

Kagaya nang sabi ko, ang kanta ay nagpapaala-ala sa akin nang mga ala-alang hindi madaling kalimutan kahit ilan taon na ang lumilipas.

Rom-Com ang genre nito pero paiiyakin ko rin kayo.

Usapang Love Life lang naman, bagong-bago sa pandinig.

Marahil ilan sa inyo ay makaka-relate lalo na ang mga magagandang kalahi ko. Aminin, walang tatanggi. (May secret na i-sha-share ako sa inyo, huwag lang kayo maingay at baka mabalibang ako ni Author, wala kasing Love Story iyang si Author kaya hindi siya makaka-relate sa usapan natin, nakikisawsaw lang siya, Emoterang Palaka.)

Karamihan ng kuwentong pag-ibig ay nag-sisimula o nag-uumpisa sa buhay ng mga Teens o mga estudyante sa High school. (Hindi pa puwede ang mga kids sa ganitong usapan, patnubay ng mga magulang ay kinakailangan.)

Isa ako sa mga estudyanteng nakaranas naman ng Romance sa tanan ng buhay ko. Akala ko nga magiging NBSB ako pero siyempre malabo, ang ganda ko kaya.

Kung ano o sino ako ngayon, medyo malayo sa dating ako. Ang dating ako, walang papalag, maganda pa rin siyempre pero iba akong kumilos noon kaysa sa ngayon. Ngayon ay babaeng-babae na ako kumilos pero noon, naku malayong-malayo hindi na nga matanaw sa sobrang layo.

Pero seryoso, bata pa lang ako barako na akong kumilos, laman ng kalsada, kung saan-saan nakakarating, may kalikutang taglay na parang kiti-kiti, kaya si Mommy umaga pa lang palatak na ang boses sa loob ng bahay.

Si Daddy naman sanay na sa amin ni Mommy, pero bago umalis si Daddy papunta sa kanyang Office, nagpapa-baby muna ako sa kanya.

Hindi pa ako napagbuhatan nina Mommy at Daddy ng kanilang mga kamay kahit may kalikutan ako at pasaway noon.

Pero kung parusahan man nila ako lalo na ni Mommy, panakot ni Mommy sa akin ay ang hindi pagbili ng mga bagong labas na collector's item kagaya ng Limited Edition na Hello Kitty.

Mayroon nga akong isang kuwarto para sa mga collections ko ng Hello Kitty. Bata pa ako noon kaya malamang wala akong extra money para pambili ng Hello Kitty collectibles, sapat lang para sa panggastos sa aking pag-aaral.

Hindi rin naman ako spoiled brat at marunong akong mag-impok ng pera.

Tumungtong ako ng High school na dala-dala pa rin ang ugali ng pagiging barako kaya naman palaging tukso sa akin ng mga kaibigan ko na tatandang dalaga ako kasi mahihirapang lumapit sa akin ang mga lalake.

Binabara ko lang sila noon, ewan ko ba, hindi naman ako Lesbian, wala rin po akong problema sa mga lesbian. Hindi rin naman ako Man Hater at lalong hindi ako Philophobia pero noong mga panahon na iyon hindi pa talaga tumitibok ang puso ko para sa isang lalake.

Hindi ko alam kung bakit? Hindi naman ako manhid, nakikita ko naman o nararamdaman kung sino ang mga nagpapalipad hangin pero dahil aral, tulog, kain at lakwatsa lang ang madalas kong gawin noong estudyante pa ako, wala ang atensiyon ko o isip ko pagdating sa Love, kaya ang madalas nilang sabihin sa akin noon na ang boring o ang lungkot daw ng buhay ko.

Kung ako ang tatanungin okay lang naman sa akin, walang problema sa akin kasi, una dahil bata pa ako noon, may gatas pa sa labi.

Pangalawa, priority ko ang pag-aaral at nangako ako kina Mommy at Daddy na kung sakaling tumibok itong si Heart, tatapusin ko muna ang pag-aaral ko bago ako makipag-relasyon.

At pangatlo, wala eh!, hindi pa talaga tinatamaan ni Kupido ang heart ko, laging daplis.

Sa oras na ma-in-love ka, maraming nagbabago o pagbabago.

Iyong dating alam mong hindi naman ikaw ay bigla na lang magkakaroon ng pagbabago sa sarili mo.

Iyong dating nakasanayan mong gawin, minsan nakakalimutan mo nang gawin o hindi mo na ito ginagawa o nagagawa o kaya naman iyong dating hindi mo naman ginagawa bigla mo na lang gagawin o nagagawa mo ito nang dahil lamang sa pagmamahal.

Iyong magbabago ka para lang sa Pag-ibig.

Dahil advance mag-isip si Author nakalimutan niyang ilagay kung kailan nangyari ang pagkikita ni First Love at si Ako pero hinala ko hindi niya talaga alam.

FLASHBACK

"Hayy, tinatamad pa akong pumasok! Inaantok pa ako!"

"Puwede bang umabsent muna ng pagpasok sa school? Para kasing lalagnatin ako eh!" buntong-hininga na saad nang katabi kong babae. Nasa loob kami ng isang Black Kia Sedona Family Van dahil ito ang sinakyan namin papunta rito sa school.

Ang nag-rereklamong babae ay si Abegail Princess Lopez, o "Cessy". Isa siya sa mga Best Friends ko.

Mestiza, 5'3 ang height. Medyo chubby, katamtaman ang tangos ng ilong. Bilugan ang mga mata na kulay amber. May lahing British ngunit pusong Pinoy si Cessy.

Fifteen years old. 3rd Year High School student. Magkasing-edad kami ni Cessy. Nag-aaral kami sa isang Private School, ang JRU HIGH SCHOOL dito sa Mandaluyong, Manila.

"Sus!, gusto mo lang lumusot, iyan kasi panuod-nuod ka pa ng Teleserye at mga K-Drama at nagpuyat ka pa talaga!"

"Alam mo naman na kinabukasan ay papasok na ulit tayo ngunit hindi mo man lang ginawa ang homework mo." sabi ko naman sa katabi ko ngunit hindi ako nakatingin sa kanya sapagkat nakatuon ang mga mata ko sa binabasa kong libro, samantalang siya na malamang ay nakasimangot ang mukha at kulang na lang ay sakalin ako mula sa kinauupuan ko.

"Ikaw kasi ang damot mo, sabi mo pahihiramin mo ako ng notes mo pero hindi mo ipinaalala sa akin noong Biyernes, iyan tuloy nakalimutan ko."

"Nanisi pa ito, Oh! baba na! ma-la-late na tayo." bumaba na ako sa van samantalang siya ay hindi pa rin umaalis sa kanyang puwesto at nag-iinarte pa rin, habang ako heto pasimpleng nangingiti nang hindi niya napapansin.

Matalino rin si Cessy pero dahil nga kikay at mahilig manuod ng mga drama sa t.v kaya hayun pati paggawa ng homework nakakalimutang gawin.

Pagkababa ni Cessy sa van sinenyasan ko na si Mang Arthuro, ang Family Driver namin na puwede na siyang umalis.

"Hoy!, hintayin mo ako." hiyaw ni Cessy habang humahabol sa akin sa paglalakad, ikinawit niya ang kanyang mga braso sa kanan kong braso at nagpatuloy na kami sa paglalakad papasok sa entrance gate nang school namin.

"Oo nga pala Donna! Bestie!, Alam mo na ba iyong balita? May bago palang guy na transfer student."

"3rd Year din siyang katulad natin."

"Ang dinig ko sa usap-usapan ng mga chismosa sa paligid, guwapo at matalino iyong guy."

"Naku sana sa klase namin siya mapunta o kaya naman sa inyong klase, Ohh grabe excited na akong makita o makilala siya." tuloy-tuloy na saad ni Cessy habang hindi magkaintindihan kung anong kilos ang gagawin dahil na rin sa kilig na nararamdaman sabay hagikgik pa.

"Hoy, nakikinig ka ba?" sabay hanggit nito sa librong binabasa ko bukod doon niyuyugyog pa niya ang balikat ko para lang mabaling ang atensyon ko sa kanya.

"Ano ba Cessy? Nagbabasa ako." sinamaan ko nang tingin si Cessy at kinuha sa kanya ang librong inagaw niya sa akin.

"Kasi naman po kanina pa ako dada ng dada rito pero wala ka man lang ka rea-reaksyon diyan." nakapangusong saad ni Cessy sa akin, hindi ko naman naiwasang paikutan siya ng mga mata ko dahil hindi ko maiwasang hindi mainis.

Basta guwapo na ang pinag-uusapan updated talaga itong si Cessy.

"Hoy, bruha baka nakakalimutan mo hindi mo pa nagagawa ang homework mo, maya-maya taranta ka na naman dahil may pa-suprise quiz pala sa inyo si Prof."

"Ayy, Oo nga pala nakalimutan ko, pahiram nga ng notes mo, pareho naman ang topic na diniscuss sa atin." pagmamadali ni Cessy sa akin kaya naman kinuha ko na sa bag ko ang mga kailangan niya para lang maiba ang usapan pero sadyang makulit itong bestie ko dahil napunta na naman sa bagong transfer student ang usapan.

"Naku! basta! Bestie kapag sa amin napunta si Pogi lagot siya sa akin."

"Baliw ka ba? May Daniel ka na, huwag mong sabihing hiwalay ka na naman sa Boyfriend mo?" manghang tanong ko sa kanya kasi kung nagkataon, palimang beses na niya itong pakikipaghiwalay sa kanyang nagiging kasintahan.

"Hmp, bahala siya! Ang seloso niya kasi, kinausap lang ako nang ibang guy masama na agad ang isip niya sa amin." nakapasimangot na hinaing ni Cessy sa akin.

Madalas sa relasyon ni Cessy siya ang palaging nagseselos at umuuwing luhaan kaya naman kulang na lang sapakin ko si Cessy dahil walang kadala-dala, pero siyempre hindi si Cessy ang mananagot sa akin kung hindi iyon mga lalakeng nanakit sa kanya.

Kaya itong huling pakikipagrelasyon ni Cessy, nahirapan muna si Daniel bago nakuha ang matamis na Oo ni Cessy.

Pero sa totoo lang sa lahat ng naging Boyfriend ni Cessy si Daniel ang pinakamatagal at pinaka-nagseryoso kay Cessy. At boto ako sa kanya.

Guwapo rin, Varsity Player ng JRU High School Basketball Team si Daniel Bartolome. Matangkad, sa tantiya ko nasa 5'11 ang height nito. Moreno ang kutis at bumbayin ang itsura niya. 4th Year High School. Sixteen years old.

Noong una hindi siya type ni Cessy kasi Mama's Boy daw pero noong minsang iligtas ni Daniel ang alagang chihuahua ni Cessy, hayun tumibok ang puso ng loka.

"Ayaw mo noon, ibig sabihin hindi siya pumapayag na maagaw ka nang iba sa kanya dahil iiyak siya kapag iniwan mo siya o mapunta ka sa iba."

"Biro lang!, huwag kang magkakamali na iwanan o hiwalayan si Daniel."

"Ang bait noong tao at talagang mahal na mahal ka. Kung ako sa iyo kalimutan mo na iyong tinutukoy mong bagong transfer student, wala kang mapapala doon, hindi mo pa nga siya kilala eh!"

"Kaya nga kikilalanin natin si Pogi."

"Kung ayaw mo siya para sa akin sa iyo na lang siya." sabay kindat sa akin ni Cessy.

Halos matalisod ako mula sa aking paglalakad patungo sa classroom ko dahil nagulat ako sa sinabi ni Cessy.

Ang bruhang ito, ako na naman ang napagtripan.

Hindi na bago sa pandinig ko ang mga ganitong usapan kapag si Cessy na ang kasama o kausap ko pero hindi ko naiwasang hindi mabigla sa tinuran niya.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Sa kakapanuod mo ng drama sa t.v pati utak mo puro drama at kung ano-anong imahinasyon na ang laman." inilagay ko muna sa loob ng kuwarto ang bag ko at lumabas na ulit ako ng kuwarto. Nasa ikalawang palapag ng building pareho ang classroom namin ni Cessy.

Wala pa si Ma'am Margareth Sanchez ganoon din si Sir Nick Reyes na teacher ni Cessy, kaya heto nag-usap muna kaming dalawa.

"Alam kong alam mo ang sinasabi ko, single ka naman, Ahh! hindi NBSB pala, walang masama kung sakaling makilala mo siya."

"Malay mo o natin, siya na pala ang hinihintay mong magpapatibok diyan sa puso mong tuyo at walang kabuhay-buhay." pamustra-mustra pa si Cessy habang sinasabi ang punto niya, kung hindi ko lang alam, gawain na niya ang ireto o i-match ako sa mga guys lalo na sa mga guys na sa tingin niya ay tipo ako.

"Tigilan mo nga ako Cessy, mabibigo ka lang, ilan beses ko na bang sinasabi sa iyo na wala akong panahon para diyan."

"Sinasabi mo lang iyan sa ngayon dahil wala ka pang nararamdaman na kahit anong kakaiba pero sa oras na maramdaman mo na iyon kahit ayaw mo pa hindi mo siya mapipigilan."

"At sa tingin ko ngayon na iyon mangyayari." saad ni Cessy habang nakangisi at tila nangangarap na naman.

Malamang kung ano-ano na naman ang tumatakbo sa isipan. Napapailing na lang ako habang natatanaw ko mula rito sa taas ng building kung saan kami nakatayo ni Cessy ang ilang mga estudyanteng nasa baba na pauli-uli sa loob ng campus namin.

次の章へ