webnovel

Diyosa

"Madam tumatawag po si sir Manuel" pagtawag ng isa nilang kasambahay. Siya ata yung may kambal.

"Sige iha mag-ayos ka na" pag-uutos ni madam Karen at iniwan ako para kunin ang cellphone na hawak ng kasambay. Kung hindi ako nagkakamali ay siya yung may kambal.

"Sige po tita" pagsagot ko kay madam Karen. Tita kasi ang sinabi niyang itawag ko at huwag daw madam dahil hindi naman ako nagtratrabaho sa kanila. Kailangan ko daw sanaying tawagin siyang tita.

Pinakilala niya ako bilang anak ng kaibigan niya kaya hindi ko siya pwedeng tawaging madam.

Para daw masiguro ang kaligtasan ko ay ginusto nitong sakanila na muna ako manirahan hanggat hindi pa bumabalik ang ala-ala ko. Hindi din naman daw niya ako pwedeng ipakilala bilang bagong kasambahay nila dahil mukhang wala naman daw akong kaalam alam na trabaho lalo na at may amnesia pa ako.

***

Mga 30 minutes ay natapos na akong mag-ayos.

Binilisan ko nalang dahil ayoko namang ako pa ang maging dahilan ng pagkalate ng mga bata.

Isinuot ko ang Fire Brick na dress, saktong sakto ang sukat nito sakin. Hanggang tuhod ko ang sukat nito at kuhang kuha ang hubog ng chest at waist ko pero sa hip hanggang baba ay loose na.

Nagsuot nalang din ako ng flat shoes na black dahil ito lang naman ang nakita kong komportable isuot dahil puro mga may heels ang binili ni madam Karen kahapon.

Matangkad naman ako at 1.7 m kaya hindi ko na talaga kailangang magheels.

Bumili rin siya ng iba't ibang klaseng make up pero di ko naman alam gamitin kaya hindi na ako naglagay.

At yan din ang dahilan kung bakit kami nagabihan ng uwi kahapon dahil pagkalabas ko ng hospital ay dumiretso kami sa pinakamalaki daw na mall nila sa bayan at dun niya ako pinagbibili ng mga kung anu-ano.

Hindi ako komportable sa buhok kong nakalugay kaya tinali ko nalang at kahit na may mga ilang strand pa rin akong buhok na nakalugay ay hinayaan ko nalang.

Para sakin okay naman na ang ayos ko at ang importante ay komportable ako.

Pababa na ako ng hagdan at naririnig ko na ang salita ni Chaika at Kurt na mukhang nag-aaway na naman.

Ilang minuto lang ay nakita ko na sila at tama nga ako dahil sinusuway na naman sila ni madam Karen at nakasimangot na si Chaika.

"Oh iha nariyan ka na pala. Halika na at mag-almusal" pagtawag sakin ni madam Karen.

16 seats ang mesa nila at silang tatlo lang ang nakaupo. Nasa gitnang dulo si madam Karen at nasa kaliwa niya si Chaika at kanan naman si Kurt.

"Ma'am Celeina nakamake-up ka po ba?" tanong ng isang kasambahay kaya napatigil ako sa paglalakad at tumingin dito.

"Ha? Um... hindi e. Kailangan ba? Hindi kasi ako marunong gumamit" ani ko at alam kong napansin din nito ang pagkahiya ko

"Hala ma'am! Kung ganun natural na pong ganiyan kapula ang bibig niyo?! Pati din po yang mamula mula ninyong pisngi at eyelashes na napakapaganda ay natural po lahat?" exagerated nitong puri

"Ang kinis kinis din po ng mukha niyo ma'am. Naliligo po ba kayo sa gatas kasi yang kaputian po ng kutis niyo ay nagniningning ng pagkakinis. Pati kilay niyo napakaperfect. Ang ganda din po ng pagkatangos ng ilong niyo. Pati hugis at kulay ng mata niyo kakaiba. Yung totoo ma'am? Tao ka ba talaga?" bigla namang singit ng kapatid ata nito at sa totoo lang napakabilis nitong magsalita.

Mas matangkad ako ng konti kaya nakababa ang tingin ko sa kanila habang ang lapit lapit ng mga ito sa mukha ko.

Napaatras ako ng kaonti at umiwas ng tingin sa kanila. Hindi ko alam ang sasabihin ko mabuti nalang at biglang nagsalita si Chaika.

"Yes. Ganiyan kaganda ang tita Celeina ko and someday I will be look like her. Right grandmama?" ani nito na mas ikinahiya ko kaya yumuko nalang ako at tumingin din sa dalawang kasambahay na magkamukha.

"Super agree" pagsang-ayon naman ni madam Karen sa kaniyang apo.

"Oo nga pala Gina, ikaw ang sasama kay Celeina para ihatid ang mga bata. Ikaw kung gusto mong ikaw nalang ang magdrive or tawagin mo ang kuya mo para ipagdrive kayo." pag-uutos ni madam Karen

Ngumiti ako sa dalawang kambal at bumulong ng salamat at tuloyang lumapit at umupo sa tabi ni Chaika.

"Madam nakalimutan ko po pa lang sabihin kahapon na ngayong araw po ang check up ni tatay sa hospital para sa dialysis nito. Galit pa rin kasi si tatay kay Tina kaya siguradong hindi po niya papayagang si Tina ang sasama sa kaniya" pagpapaalam nito. Siya yung unang nagtanong sa akin kung nakamake-up daw ba ako.

Kung ganun ay hindi ako nagkakamali at magkambal nga sila.

"Ganun ba.. Kung ganun ikaw nalang Tina" pagsang-ayon ni madam Karen

Nang matapos kaming kumain ay agad na nag-ayos ang dalawa para makaalis na kami.

"Bye grandmama" sabay na pagpapaalam ng dalawang bata pagkatapos nilang halikan sa pisngi ang lola nila.

"Mag-iingat kayo ha? Huwag pasaway... Oh sige na at malilate na kayo. Dahan dahan din sa pagdrive Tina" bilin ni madam Karen.

"Anong grade ka na pala Kurt?" tanong ko nang makalabas na kami ng mansyon.

"4" maikli nitong sagot na ikinabilib ko. Kasi dapat grade 1 palang niya dahil 6 years old palang niya.

"Napakatalino kasi niya ma'am kaya ganiyan na ang layo ng baitang niya. Dapat nga nasa grade 6 na rin niya dahil sa katalinohan nito kaso hindi na pumayag si sir Jameson" paliwanag ni Tina habang nagmamaneho.

Tinignan ko si Kurt habang nakatingin sa labas. Napakaseryoso ng tingin nito na mukhang ang lalim ng iniisip.

"Tita.. hindi mo din ba tatanongin kung anong grade na ako?" biglang tanong ni Chaika na ikinangiti ko at pati ata si Tina ay tumawa sa pagpapapansin nito.

"Anong grade na ng aking prinsesa?" pagtawag pansin ko na ikinangiti din nito.

"Grade 1 ko na tita at 4 years old ko pa lang. Di ba ang talino ko din? Ako din ang pinakabata sa room namin tulad ni kuya!" pagmamayabang nito na sinang-ayunan ko nalang din.

20 minutes lang ay narating na namin ang napakalawak nilang school. Ibinaba kami ni Tina sa harap mismo ng paaralan nila at sinabing hintayin namin siya dito at magpapark lang ito.

"Pwedeng mauna na ako?" biglang tanong ni Kurt.

"Pasensya ka na Kurt pero pwedeng hintayin nalang muna natin si tita Tina mo?" pakiusap ko kahit na mukhang naiinis na ito.

"Kuya are you mad to tita Celeina? You are being rude. Isusumbong kita kay grandmama" ani naman ni Chaika.

"Chaika its okay. Malilate na din kasi kayo kaya gusto ng mauna ni kuya" pagdadahilan ko nalang kahit na ang totoo ay napansin ko din na mula noong dumating ako sa mansyon nila ay ni minsan hindi niya ako pinansin o tinawag man lang na tita.

Pitong minuto na kaming naghihintay pero wala pa si Tina.

"Good morning ma'am Clarenz" sabay nilang pagbati sa parating na guro.

Mukhang dalaga pa siya kasi parang kaedad lang ng kasambahay nilang si Rita ito.

"Oh good morning Kurt, Chaika. Anong oras na? Malilate na kayo a. Hindi pa ba kayo papasok?" pagbalik pansin nito sa mga bata.

Sa pagtatanong nito ay tinignan ako ng dalawang bata at sa mga tingin nila ay mukhang nagtatanong kung pwedeng sumabay nalang sa kaniya.

Wala akong nagawa kundi tumango at sumang-ayon na sumabay nalamang dahil malilate na din sila kung hihintayin pa namin si Tina.

"Ma'am siya nga po pala si tita Celeina" pagpapakilala sakin ni Chaika habang naglalakad kami at sinusundan si ma'am Clarenz.

"So ikaw ang bagong yaya ng mga bata?" tanong nito habang naglalakad pa rin kami at sinusundan siya.

"Hindi po ma'am" agad na pagsagot ni Chaika para sakin.

Nang masagot ito ni Chaika ay bigla itong tumigil at hinarap ako at tinignan mula ulo hanggang paa.

"Bakit po ma'am?" takang tanong ni Kurt nang tumigil ito.

Dahil sa pagtanong ni Kurt ay tinanggal nito ang tingin sakin at kinuha ang kamay ni Kurt at nagpatuloy sa paglalakad.

次の章へ