"Yan po ang problema Miss Mcain, hindi po namin alam kung paano yun nangyari. Hindi po ligtas ngayon ang SR." pagsabi niya na ikinagulat ko.
"What? What are you guys doing that you didn't even maintain the safety of secret room!" pagalit ko na namang bigkas, hindi ko na nakocontrol ang sarili ko at maging kalmado dahil sa nangyayari.
"Calm down Miss Mcain, inaaalam na namin at ipinag-utos na ni señora na wala munang makakapasok sa SR kahit isa." mahina nitong sabi kaya dali-dali kong binuksan ang bawat mga data sa SR para malaman ang nangyari.
"Kailan nagsimulang magkaron ng problema sa mga cctv?" tanong ko dahil sa nakikita ko ay nag-umpisa ang problema sa mga cctv.
"Pagkatapos ng huli niyong bisita sa kompanya Miss Mcain" ang huli kong punta sa kompanya ay yung araw na pinatawag ako ni lola at yun ay dahil nandun si Carter at ang araw din na hiniling niyang manatili samin.
"Don't tell me na si Carter ang pinanghihinalaan niyo." paglalahad ko sa maaari nilang iniisip.
"I never said that." at saka ako seryosong tiningnan na ikinaiwas ko ng tingin.
"Umalis ka nalang." irita kong sabi at saka ko ulit siya tinalikuran. May posibilidad naman na si Carter pero hindi... the word conclusion, opinion or whatever synonyms of those words are not included in my vocabulary.
"Just be careful, love will make you blind." at saka ito tuluyang umalis. I don't know if he is also irritated or angry. Like what? Sino ba siya? Kung makapagsalita close kami.
At paano niya nalamang mahal ko si Carter?
Bigla kong naalala na hindi pala pwedeng malaman ng iba na may secret room din ako sa room ko kaya dali-dali akong lumabas at naabotan ko siyang nakatayo sa gitna ng kwarto ko habang pinagmamasdan ang iba't ibang naglalakihang nakaframe na puro mukha ni Carter, I paint all of those and up until now I can't imagine that I am the artist.
"You're in danger." sabi nito pagkaharap sakin at saka ako inilingan ng nakangisi.
Bakit ko ba kasi pinapasok sa kwarto ko ang taong 'to?
"No, you are the one who is in danger because I feel like my hand is so itchy to hurt you right now." at saka rin ako ngumisi sa kaniya na nanghahamon.
"Really? Then try me." at saka siya unti-unting lumapit habang hindi pa rin nabubura ang nakangisi nitong pagmumukha.
He really look so arrogant! I can't take it anymore that even laying my hands to him will make me disgusted.
"LEAVE! And if you ever, ever tell to anyone that I also have SR. I swear, I'm going to make you suffer and make you resign in your own." at saka ko siya tinalikuran.
"I'm sorry Miss Mcain but it will never happen." sabi nito na sinamahan niya pa ng mahinang tawa na nang-aasar.
And thats just it, hindi ko na nacontrol pa ang sarili ko at hindi ko na namalayang gumalaw ang sarili kong katawan ng ganun kabilis at ibinato ko na agad sa pagmumukha niya ang isang maliit na frame na una kong nakita at hindi ko na inalintana kung anong picture manyon at sakto talaga sa pagmumukha niya na kahit anong bilis niyang pag-ilag ay natamaan pa rin ang kanyang panga at kitang-kita ko na may tumutulo ng kaunting dugo rito.
"F*ck" pigil nitong inda nang matamaan ko siya at saka ako tinignan ng masama pero may halong nang-aasar na hindi ko alam kung ano basta masaya na ako at nasaktan ko siya.
Napakayabang kasi.
"Ops, sorry din. See? So, if I were you - LEAVE." at saka ako tumalikod dahil nakakainis kung paano niya kagatin ang pang-ibaba niyang labi pagkatapos niyang sabihing "F*ck".
Pagkatapos kong pumasok sa SR ay dumiretso agad ako sa upuan ko at tinignan ang umiilaw na screen kung saan nagbibigay warning na active ang nanghack sa SR ng kompanya at gumagawa na naman ng atake at pilit binubuksan ang mga files ng kompanya.
Hindi ko alam pero napangiti ako at mukhang maglalaro ako ngayong araw.