webnovel

Until When

"Ate Nex!" tawag ng isang Junior sa dalagang naglalakad papasok sa room ng mga Student Council.

"Pumasok ka at dito natin yan pag-usapan. Tawagin mo na rin yung tatlo." Hindi na lumingon si Nex kung sino man ang tumawag sa kaniya at sinagot nalang dahil 4 na student lang naman ang madalas nitong nakakausap at puro patungkol sa paaralan ang lagi nilang pinag-uusapan.

"Sige ate" at mabilis na tinawagan ang tatlo pa nilang kasama sa group chat(GC) nilang mga Supreme Student.

Pagkatapos niyang matawagan ang tatlo ay agad itong lumapit kay Nex ng nag-aalinlangan.

"Um, a-ate mali yung naipasa kong proposal kay ma'am Pajemola" at saka ito yumuko at hindi makatingin sa kanilang School President na si Nex at tila wala itong balak pumansin.

Dumating na ang tatlo at napatingin sila sa kanilang President na ni minsan hindi malaman kung galit ito o hindi dahil lagi itong kalmado.

"Akala ko ba maayos na ang lahat para sa darating na Foundation ng school Alisa?" agad nitong tanong sa Vice President nila pagkatapos nilang makaupo.

"Yun kasi ang sinabi ni Mia nang tanongin ko ito noong nakaraang araw at ngayon ko lang din nalaman na iba pala ang naibigay nito" paliwanag nito.

"Kung pagdating naman sa budget walang problema kaya okay lang din" pagmumungkahi naman ng kanilang Treasurer na si Lara

"Pero paano yung mga kakailanganin? 2 weeks nalang foundation na." Dagdag naman ni Karla, ang kanilang Auditor

"Sorry po talaga, nakalimutan ko po kasing pinag-iba ko pala ng folder ang para sa March at April" pagpapaumanhin ng kanilang secretary na si Mia.

Lima lang ang Supreme student ng school nila at sila din ang pinakamatalino sa lahat, magkakaiba ang year level nila at ang President at Vice lamang ang magkapareho ng year level at nasa Class A pareho ngunit si Nex ay scholar lamang kaya madalas na siya halos lahat ang gumagalaw sa kanilang grupo dahil kahit anong mangyari alam ng apat niyang kasama na wala siyang magagawa at walang mawawala kahit na magkamali sila dahil hindi maaapektohan ang pag-aaral nila't mga magulang naman nila ang nagbabayad sa pag-aaral nila. Hindi tulad niya na umaasa sa scholar niya kaya kailangan niyang 'wag magpabaya para hindi maapektohan ang pag-aaral.

"Wala na tayong magagawa kundi sundin ang naaprobahan" sambit ni Nex na ikinatuwa ng apat niyang kasama na hindi pinahalata dito

"Ahem, so paano mo maaanyayahan dito si John at Felix?" tanong agad ni Lara

"O baka naman hindi mo sila kilala" agad namang litanya ni Mia na kung makapagsalita ay kaedad niya lang ito.

Alam na agad ni Nex na hindi sila nagkamali sa proposal na binigay nila kundi yun talaga ang binigay ng mga kasamahan niya dahil sila din ang gumawa ng proposal na iyun. Pangatlong beses na ring nangyari ito, madalas nilang gustong mag imbita ng mga sikat na artista sa paaralan nila at yung mga artistang linalagay nila ay ang mga hinahangaan nila kaya hindi na siya nagtaka pa ng tawagan siya ng kanilang Chancellor nang makaraang araw kung yun ba talaga ang nais niyang mangyari para sa Foundation Day nila kaya bago pa nila sabihin na iba ang binigay nila ay alam na nito agad bago pa nila sabihin.

"Mahirap silang kunin Nex dahil maliban sa pagiging sikat nila ay sila pa ang pang-apat na pinakamayaman sa ating bansa" pagpapaliwanag ni Karla, dahil kahit papaano ay naiintindihan niya si Nex at nakokonsensiya rin siya dito dahil ginagamit nila ang posisyon nila para makuha ang gusto nila.

"Um sige, ako ng balaha" sabi agad nito at nag-ayos na ng gamit para umuwi na dahil tapos naman na ang kanilang klase at hindi niya masikmura kung paano magsinungaling ang mga kasamahan niya at harap-harapan pang pinamumukha na wala itong kaalam-alam pagdating sa mga taong sikat na kung tatanongin naman e wala itong pakialam.

Nagpaalam na sila sa isa't isa at habang naglalakad ito ay palapit na palapit na ito sa bench, kung saan madadaanan niyang nag-uusap ang grupo ng mga babae at ang mga grupong ito ay kilala sila bilang pinakamayaman na student sa kanilang paaralan.

"So, nakilala mo na si Zyna Xen?" Tanong ng isang girl na sa pagkakaalam ni Nex ay senior na nasa Class C dahil sa kulay ng uniform nito.

Hindi niya maiwasang marinig ang pinag-uusapan nila at napatingin pa ito sa kanila ng marinig niya ang pangalan niya.

Oo, siya at ang Dean lamang nila ang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao sa kanilang paaralan.

Siya si Mcain Xen Fetherston, ang nag-iisang tagapagmana at pamilya ni Doña Juanita Fetherston.

Nag-aaral ito sa Don Merriam University na kung saan kilala ito sa pagkakaroon ng matatalinong estudyante, at hindi lang matatalino kundi pinakamatalinong mga student ng bansa.

Private School ang DMU at puro mga mayayaman ang nag-aaral dito, ngunit may mga hindi rin dahil ang ilan ay nakakuha lamang ng scholarship at lahat ng mga ito ay dapat Class A kung saan hindi bababa sa 99 ang average mo.

Ang mga scholar na student ang sikat sa paaralang DMU dahil sila ang Top 1 sa klase at bonus pa na sa Class A sila nakatop. Ni minsan ay hindi sila bumaba sa Class B dahil kung nangyari yun mawawalan na sila ng scholar.

Ang motto ni Karen Salmansohn na "Beauty is nothing without brains and heart" ang isa sa dapat na alam ng isang DMU student.

Kaya naman disiplinado ang mga mag-aaral dito at walang nangyayaring bullying na aapi-apihin nalang hindi porket isa ka lang na scholar sa paaralang ito. Ang ibig sabihin ng disiplinado sa kanila ay walang pakialamanan depende nalang kung magkaibigan kayo.

次の章へ