Chapter 1736: Nagretiro Matapos Makakuha ng Pagkilala, Marangal Kahit Natalo (7)
"Oo."
"Wow… Hindi ka mukhang 30 taong gulang… Ang ganda mo manumit! Nakaka-akit talaga ang mga lalaking kayang dalhin ang makukulay na damit."
"Salamat…."
Kinuha ni Huo Siqian ang kanyang baso at humigop ng tsaa.
"Bilis! Bigay mo sa akin WeChat Id mo. Gusto kitang i-add… Diyos ko, ikwekwento ko sa mga kaibigan ko na nakita kita nang personal…. Matutuwa 'yong mga 'yon… Tagahanga mo kami!"
"Ruoxi…" Wala nang nasabi si Mayor Yan sa ginawa ng kanyang anak.
"Walang problema, Mayor Yan… Mukhang masaya lang ang anak niyo."
Pagkatapos ay kinuha ni Huo Siqian ang kanyang cellphone at binuksan ang kanyang WeChat at inilabas ang kanyang QR code.
At saka ito inilagay sa lamesa…
Agad na inilabas ni Yan Ruoxi ang kanyang kulay rosas na cellphone at ini-add ito sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください