Chapter 1675: Malaki ang utang na loob ko sa Su Family (6)
"Sa pagkakaalam ko… Nawala ang asawa ng babaeng ito sa isang aksidente, sa tingin ko kasama siya sa bumagsak na eroplano. Maliit ang tyansang buhay pa siya… pero mayroon pa ring natitirang pag-asa… 24 taong gulang pa lang siya ngayon at sa loob ng tatlong taon ay 27 taong gulang pa lang sya. Kung sa pagkakataon na iyon, ay pareho pa rin ang pagtingin ni Yu sa kanya at nahulog na rin siya kay Yu, matatanggap mo ba siya para sa apo mo? Kaya mo bang kalimutan ang nauna niyang asawa at anak?"
Saglit na natahimik si Grandpa Su, at seryosong sinabing, "Basta gusto siya ni Yu, wala akong problema doon."
"Dad…" Natuwa naman si Mrs. Su sa kanyang narinig, dahil hindi niya inaasahang ganito ang sasabihin ng kanyang ama.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください