Chapter 1636: Alam Kong Buhay Pa Siya (17)
"Pero, naniniwala akong buhay ka pa. Babalik ka, 'di ba?" Naging bulong ang boses ni Huo Mian habang nagsasalita siya. Sa sandaling iyon, parang nawawalang bata siya. Nang hindi niya namamalayan, pumikit siya.
Nakita niya ang mga pulang maple trees sa harap niya, autumn sa Yun Ding Mountain. Sobrang ganda na hindi kayang idaan sa salita, parang gawa ng sobrang husay na pintor.
Tumingala si Huo Mian at napansin niya ang lalaking nakatayo sa hagdanan. May white top at black pants siya, at syempre, kita ang signature smile niya.
"Honey…"
"Ano hinihintay mo? Akin na kamay mo, gagabayan kita." Pinanood niya habang inaabot ni Qin Chu ang kamay niya.
Inabot ni Huo Mian ang kamay ni Qin Chu, pero hindi niya alam kung bakit, hindi siya makakapit sa kamay nito kahit anong gawin niya.
"Mian, akin na kamay mo," ulit niya.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください