Chapter 1037: Pinagmamalaki Ang Pagmamahal Nila (8)
"Uh… Honey, mali ba narinig ko?" Nawala agad ang antok ni Huo Mian. Lumingon siya at niyakap niya si Qin Chu.
Sumandal siya sa matigas na dibdib ni Qin Chu…
"Hindi."
"Sigurado ka hindi ka magseselos?"
"Syempre." Ngumiti si Qin Chu.
"Pero ba't bigla mong naisip?" Para kay Huo Mian, halatang magkaribal sina Qin Chu at Su Yu.
Sa trabaho man o sa private feelings, hindi sila kahit kailan magiging magkaibigan. Kaya bakit niya iimbitahan si Su Yu?
"Ang dami mo nang ininvite, tulad nila Gao Ran at Zhu Lingling, yung best friends natin. Pero, kaibigan ni Su Yu sila Wei Liao at Jiang Xiao. Bakit hindi natin sila i-invite?"
"Pero… hindi ka ba malulungkot?" Medyo nag-aalala pa rin si Huo Mian.
Hindi tinatago ni Su Yu ang nararamdaman niya, at alam ni Qin Chu mula noong umpisa pa lang.
Magandang ideya ba talaga imbitahan ang romantic rival niya?
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください