webnovel

Ang Asawa niya ang Boss (5)

編集者: LiberReverieGroup

Hindi umiimik, lumabas si Su Yu nang may mabigat na ekspresyon…

Kaagad naman siyang sinundan ni Wei Liao at Tang Chuan.

"Uuwi na ako para matulog. Huwag niyo na ako sundan."

Pagkatapos, pumasok si Su Yu sa kanyang itim na lamborghini at umalis, iniwan niyang gulat sila Wei Liao at Tang Chuan…

"Ito ba ay dahil umalis si Zhao Qingya at wala siyang maikama?" Hula ni Tang Chuan.

"Imposible. Siya ang nagpaalis sa kanya. Hindi mo ba siya nakita nung pinaalis siya? Pulang-pula ang mga mata niya, at malungkot talaga siya. Malinaw na ayaw nitong umalis."

"Edi anong nangyari? Hindi na ba siya nakikipagtalik? Nagiging monghe na ba siya?"

"Hindi, interesado lang siya sa isang weirdo." Tumawa si Wei Liao.

Pagkatapos magmaneho ng mabilis papunta sa kanyang pribadong mansyon, naligo si Su Yu at dinampot ang kanyang phone.

"Bantayan mo sila ng maigi at pigilan mo sila kaagad kapag umaksyon na sila."

"Opo, Young Master."

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ