Lahat ay nanunuod, at inilabas pa ni Huo Yanyan ang kanyang phone para i-record ang pagkapahiya ni Huo Mian.
Ilang saglit lang ay itinulak ni Huo Mian si Zhu Lingling sa sofa sa gilid.... Pagkatapos, lumapit siya kay Zhou Guangming.
Nagulat si Zhou Guangming sa paglapit ng babaeng ito at bago pa niya maproseso ang mga nangyayari, hinila ni Huo Mian ang kanyang mga braso at ipinilipit ito palikod.
Pagkatapos ng dalawang malakas na pagkabali, ang kanyang dalawang braso ay napilay… at isang malakas na sigaw ang pumuno sa buong private room…
Bago pa magkaroon ng pagkakataon na makapag-isip ang mga tao nito, inabot ni Huo Mian ang bote ng beer sa lamesa at ipinukpok ito sa ulo ni Zhou Guangming. Ang ibang mga babae ay sumigaw sa takot.
Sa huli, akala ng lahat ay tapos na ang lahat pero pinulot ni Huo Mian ang basag na bote at itinutok ito sa leeg ni Zhou Guangming.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください