webnovel

Pagtutuos

編集者: LiberReverieGroup

"Huwag kang mag-alala, hindi ako katulad ni Shen Jiani, hindi masama ang intensyon ko." Paliwanag ni Jiang Hong, sa takot na mag-alala si Huo Mian

"Sige, saan tayo magkikia?"

"Ganito nalang, ipapasundo nalang kita." Maingat si Jiang Hong; wala na siyang ibang sinabi pa tungkol sa lokasyon. Sa halip, ipinasundo nalang niya si Huo Mian.

Wala pa sa sampung minutong naghintay si Huo Mian nang may black Mercedes-Benz na pumarada sa harap niya.

Pagkatapos, dinala siya nito sa isang high-class social club sa urban development zone.

Iniangat ni Huo Mian ang kanyang ulo at napalingon; narinig na niya ang tungkol sa club na ito, na kung saan nagtitipon ang mga mayayamang babae.

Walang karapatan pumasok ang mga pangkaraniwag tao rito. May mga nagsasabi pa nga na ang club ay subsidiary na nag pag-aari ni Mrs. Huo, at sa nakita niya, tila ito nga ang kaso.

Mas lalaong naging maingat si Huo Mian dahil foster mother ni Huo Siqian si Jiang Hong.

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ