webnovel

Labis

編集者: LiberReverieGroup

Chapter 51: Labis

"Mr Qin...itutuloy pa ba natin itong meeting?" maingat na tanong ni Vice President.

Hindi sumagot si Qin Chu at kinuha lamang ang kanyang phone sa mesa sabay alis.

Si Yang, ang kanyang assistant, ay tahimik na kumaway sa mga executives, nag-signal ito sa kanila na umalis.

Paano pa nga ba nila matutuloy ang kanilang meeting kung bad mood ang kanilang boss?

Nang makabalik na si Qin Chu sa kanyang office, hinubad niya ang kanyang jacket at inihagis sa may sofa.

Sa sobrang takot ni Yang, hindi siya makapagsalita sa sobrang tense ng paligid sa office.

"Pakisabihan ang lahat na hindi na natin itutuloy ang mga company projects na may kinalaman sa Triumph Steel Works. Pakibalaan na rin ang ating clients at partners na hindi makikipagbusiness ang GK sa kahit anong corporations na konektado sa Triumph Steel Works."

"Mr. Qin, ang sinabi mo ba ay… Triumph Steel Works? Sinisigurado ko lang."

Simula noong nagtrabaho siya bilang assistant ng President, ito ang unang beses na narinig niya ang boss na maglabas ng isang malupit na death warrant, kaya bakit hindi niya magawang seryosohin ito? Ngunit, hindi rin naman siya naging ganoon katagal pa....

Kung tama ang pagkaka-alala niya, ang Triumph Steel Works ay isang maliit o medium-sized na local construction company.

Siguro nakipagtulungan ang mga GK's subsidiary real estate companies sa kanila?

Pero kung iisipin maigi, anong nagawa ng manager sa Triumph Steel Works para mainis sa kanya ang boss?

Ito ba ay dahil sa isang babae? O kaya naman dahil ba ito sa sama ng loob? Ano kaya ang dahilan kung bakit sobra nalang ang galit ng kanyang boss?

"Sa tingin ko hanggang dito nalang ang pagiging assistant mo," cold na pagkakasabi ni Qin Chu.

"Mr. Qin, sisimulan ko nang asikasuhin ito ngayon," napatakbo sa takot si Assistant Yang, ayaw na niyang manatili ni kahit isang pang minuto.

Tiningnan ulit ni Qin Chu ang message na pinadala ni Liu Siying. Napangiwi siya sa pagkasuya at sinabi, "Sumosobra ka na."

Handa na si Wei Dong sa mga pwedeng mangyari.

Alam niyang sobrang mahal ni Qin Chu si Huo Mian, pero, sinuyo niya pa rin ito. Kitang-kita na siya ang nagdala sa kanyang sarili sa kung ano man ang nangyayari ngayon.

Syempre, akala ni Wei Dong, wala ng feelings si Qin Chu para kay Huo Mian. Dahil pagkatapos ng lahat, wala man lang nagchismisan tungkol kay Qin Chu at Huo Mian noong bumalik si Qin Chu sa bansa.

Maliban kay Zhu Lingling, wala ni kahit isa sa kanilang mga kaklase ang nakakaalam tungkol sa kanilang dalawa.

- Sa Triumph Steel Works Corporation -

Ang tatay ni Wei Dong, si Wei Changfu, ay labis ang pagkagulat. Ang dami niyang tinawagan at pinakiusapan na mga kaibigan, ngunit walang nangyari.

Sobrang gulo na ng lahat, pati ang kanilang mga big clients ay nagcancel ng kanilang mga projects na kasama sila dahil sa takot na magalit ang GK sa kanila.

Samantala, ang GK Real Estate ay ang tanging GK subsidiary company na nakikipagtulungan sa kanila at ngayon, nagpatupad na hindi na sila makikipagtrabaho sa kanila kailanman.

Ang pinaka-pinagkukuhaan nila ng income ay naglaho na at dahil wala na rin siyang suporta galing sa mga major companies, kaunti na lang ang kikitain niya kumpara sa kanilang orihinal na kita.

Paano siya magpapatakbo ng company kung wala siyang pera pampa-sweldo sa kaniyang mga tauhan?

"Dad, anong problema?" mabilis na umalis si Wei Dong sa dinner party ng kanyang kaibigan at bumalik sa company pagkatawag ng tatay niya.

"Sobrang lala."

"Anong malala? Gaano na ba ito ka-seryoso?" naguguluhan na tanong ni Wei Dong.

Kinwento ni Wei Changfu ang lahat kay Wei Dong, at sa huli napamura siya. "T*ngina,, paano natin nagalit ang GK? Bakit sila magpapalabas ng death warrant sa isang maliit na company katulad ng atin? Paano tayo mabubuhay? Ngayon talaga, pinupuntirya ng mga malalakas ang mga mahihina. Hindi rin natin kakayanin kapag nagalit sa'tin ang GK kaya tumawag ako sa mga executives nila para makipag-usap pero hindi nila ako pinagbigyan. Anong kailangan natin gawin? Pinaghirapan natin marating kung ano man meron tayo ngayon. Mawawala nalang ba nang ganito ang lahat?"

Biglang may naalala si Wei Dong pagkarinig niya ng 'GK.'

"Dad, subukan kong ayusin ito. May kaklase ako sa GK."

"May naisip ka ng solusyon?" makikita na nabuhayan ng loob si Wei Changfu.

"Susubukan ko muna siyang kausapin."

Pagkatapos niya magsalita, galit na umalis si Wei Dong sa company.

Nagsend siya ng message sa high school WeChat group. "Sino may number ni Qin Chu? Paki-send sa'kin."

Nag-antay siya pero walang sumagot.

Dahil wala na siyang choice at oras para sayangin, mabilis siyang pumunta sa GK.

"Gusto ko makita si Qin Chu."

"May reservation ka ba?" magalang na tanong ng receptionist.

次の章へ