webnovel

Mapayapa at masasayang mga araw (2)

編集者: LiberReverieGroup

Ilang oras na ring gising si Lu Jinnian nang bumalik ang magamang Chen at

ang asawa ng nakababatang Chen mula sa bukid.

Noong nananghalian sila kanina, nagtanong si Lu Jinnian kung maari ba

siyang makitawag pero sa kasamaang palad, walang telepono ang tahanang

tinuluyan nila at ang nagiisang pamilya na mayroon ay umalis noong tanghali

iyon. Pero habang naglalakad sina Brother Chen pauwi galing bukid, nakita

niya na nakauwi na ang mga ito kaya dali-dali niyang sinundo si Lu Jinnian.

Ipinaliwanag ni Bother Chen ang sitwasyon ni Lu Jinnian sa pamilya na

masigasig namang nagpahiram ng telepono. Noong pumayag ang mayari ng

bahay na ipagamit ito kay Lu Jinnian, hindi na siya nagaksaya pa ng panahon

at dali-dali niyang tinawagan ang kanyang assistant.

Agad namang sumagot ang assistant na halatang sobrang nagaalala. "May

balita na ba kina Mr. Lu at Ms. Qiao?"

Hindi kaagad nakapagsalita si Lu Jinnian bago siya sumagot, "Ako 'to."

"Huh?" Hindi makapaniwala ang assistant pero hindi nagtagal, bigla tumaas

ang boses nito sa sobrang saya, "Mr. Lu? Mr. Lu ikaw ba yan?"

"Oo."

"Ikaw ba talaga yan, Mr. Lu? Nasan ka ngayon? Nakita mo ba si Miss Qiao?

Kamusta ang lagay niyo?" Tuloy-tuloy na nagtanong ang assistant sa sobrang

pagaalala.

"Kasama ko siya ngayon, ayos naman kami pareho." Natigilan si Lu Jinnian

bago siya magpatuloy, "Nandito kami ngayon sa…"

Tinignan niya si Brother Chen na agad namang naitindihan ang gusto niyang

iparating kaya dali-dali nitong kinuha mula sakanya ang phone para sabihin

ang eksaktong loksyon ng baryo. Nang mailista na ng assistant ang lahat ng

detalye, muling ibinalik ni Bother Chen ang phone sakanya.

"Mr. Lu, papunta na ako jan ngayon."

-

Paguwi nila sa bahay ni Brother Chen, nakapaghanda na ang asawa nito ng

gabihan. Napakasimple ng pamumuhay ng mga tao sa nasabing baryo: Maaga

silang natutulog at maaga rin silang nagigising, kaya pagkataopos nilang

mag'gabihan, pinatulog na ng matandang Chen ang batang babae habang ang

mas batang Chen at ang asawa naman nito ay nagpaiwan pa para ayusin ang

mga inani ng mga ito kanina.

Napakatahimik ng buong baryo noong sumapit ang kadiliman. Wala ng ibang

pinagkukunan ng liwanag ang mga tao rito bukod sa liwanag na nanggagaling

sa buwan.

Medyo matagal silang nakapagpahinga noong tanghali kaya habang nakahiga

sa kama, pareho silang hindi makatulog.

Sa tuwing ipipikit ni Qiao Anhao ang kanyang mga mata, napakaraming bagay

ang pumapasok sa isip niya. Habang nagiisp siya ng kung anu-anong mga

bagay, lalo lang siyang hindi makatulog kaya bandang huli, sinubukan niyang

magpalit ng posisyon. Sa tulong ng liwanag na nanggaling sa buwan, tiitigan

niya ang mukha ni Lu Jinnian.

Medyo matagal niya itong tinitigan bago siya muling kumurap at pabulong na

tawagin ang pangalan nito, "Lu Jinnian?"

"Bakit?" Iminulat ni Lu Jinnian ang mga mata nito at humarap sakanya. Dahil

medyo madilim, nagmukhang itim na itim ang mga mata ito na parang

nangaakit sakanya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya kaya napayuko siya para iwasan ang

titig nito bago siya muling magpatuloy, "Salamat."

Kung hindi dahil kay Lu Jinnian, baka patay na siya ngayon.

"Wala yun." Naintindihan ni Lu Jinnian kung anong ibig sabihin ng naging

pasasalamat niya at mahinahon itong sumagot. Kagaya ng nakasanayan,

walang emosyon ang boses nito pero sapat na ito para painitin ang puso ni

Qiao Anhao.

Tumalon si Lu Jinnian sa bangin para iligtas siya, kagaya ba ito ng mga nasa

drama na handang ibuwis ng isa ang sarili nitong buhay para sa iba?

次の章へ