webnovel

Bakit ayaw mo sa anak ko? (7)

編集者: LiberReverieGroup

Sabay-sabay na nagpunta ang buong crew sa pinangyarihan ng insidente at lahat sila ay nagaalalang dumunaw sa bangin.

Masyadong mabilis ang pagragasa ng tubig kaya mabilis na naanod si Qiao Anhao sa malayo. Wala pang limang minuto ang nakakalipas simula noong naganap ang aksidente nang biglang sumulpot si Lu Jinnian sa tubig. Ang lahat ay isinigaw ang pangalan niya pero wala siyang marinig dahil masyadong malakas ang pwersa ng tubig. Pinagmasdan niya ng maigi ang buong kapaligiran at lumangoy kung saan niya huling nakitang inanod si Qiao Anhao.

Noong sandaling iyon, biglang nahimasmasan ang assistant ni Lu Jinnian. Pasigaw niyang sinabi sa mga taong nakadungaw sa bangin, "Ano pang tinitignan niyo jan, tumawag na kayo ng pulis. PULIS!"

"Tama tama, pulis!" Maraming naglabas ng kanya-kanya nilang mga phone para humingi ng tulong.

Nang tuluyan na silang makatawag sa pulis, biglang may naalala ang assistant kaya dali-dali siyang lumapit sa direktor para kausapin ito, "Hindi pwedeng kumalat ang balitang ito, lalo na ang tungkol kay Mr. Lu. Sa oras na may makaalam nito, siguradong tuluyan ng masisira ang Huan Ying Entertainment."

Walang alinlangang tumungo ang direktor at nagtanong, "Ipapaalam ba natin ito sa pamilya ni Qiao Anhao?"

Nagisip muna ang assistant bago siya sumagot, "Wag muna, magaling naman lumangoy si Mr. Lu. Sigurado ako a maililigtas niya si Ms. Qiao. Ang mabuti pa ay maghintay nalang tayo sa baba. Baka may mangyari sakanila kapag nanatili pa sila ng matagal sa tubig."

-

Habang tinitignan ni Lu Jinnian ang kanyang paligid, naramdaman niya na nadadala siya ng malakas na pagragas ng tubig. Ang ibig sabihin lang nito ay maaring naanod na si Qiao Anhao…. Hindi na siya nagalangan at walang laban siyang nagpaanod sa ang daloy ng tubig.

Mabilis siyang lumangoy pero sinisiguro niya na hindi niya masyadong magagamit ang natitira niyang lakas. Hindi niya na namalayan kung gaano na siya katagal na lumalangoy at kung gaano na siya kalayo mula sa binagsakan niya pero sobrang na ang kaba na nararamdaman niya. Habang iniisip niya ang mga posibleng nangyari kay Qiao Anhao, may bigla siyang nakitang kulay pula na lumulutang, halos sampung metro ang layo mula sakaya.

Noong nalaglag si Qiao Anhao, nakasuot ito ng bistidang kulay pula!

Bigla siyang nagkaroon ng pag-asa at dali-dali siyang lumangoy papunta sa pulang bagay na lumulutang. Pero habang papalapit siya ng papalapit, lalo pang tumindi ang kaba na nararamdaman niya. Natatakot siya na baka hindi naman pala si Qiao Anhao ang makikita nniya.

Nang tuluyan na siyang makalapit, nakumpirma niya na ang pulang bagay na nakita niyang palutang-lutang ay si Qiao Anhao kaya nagmamadali siyang lumangoy papalapit dito. Hinawakan niya ang dulo ng damit ng namumutlang si Qiao Anhao para hilain ito papalapit sakanya.

Agad niya itong niyakap at kinakabahang tinawag ang pangalan nito, "Qiao Qiao!"

Tumingin sakanya si Qiao Anhao at bahagyang gumalaw ang mga labi nito ngunit masyado itong nanghihina kaya hindi nito magawang magsalita. Noong sandali ring iyon, bigla nalang itong napasandal sakanya bago ito tuluyang nawalan ng malay.

Labanan palang ang agos ng tubig ay napaka hirap na, paano pa kaya ngayon na kailangan niya pang akayin si Qiao Anhao.

Hindi magtatagal at magdidilim na ang kalaginitan. Sinilip ni Lu Jinnian ang babagsakan nilang bangin-di hamak na mas mababa ito kumpara sa nilaglagan nila kanina.

次の章へ