webnovel

Paalam aking kabataan, paalam aking mahal (19)

編集者: LiberReverieGroup

Hindi na muling nagsalita si Qiao Anhao at nagtitigan nalang silang dalawa. Matapos ang ilang sandali, muling kumurap si Lu Jinnian at unti-unti siyang nahimasmasan. Tinignan niya si Qiao Anhao ng diretso sa mga mata nito habang inaalala na magtatanong palang sana siya kung may plano ba itong bumalik kay Xu Jiamu ngayon na nakalabas na ito ng ospital.

Bandang huli, bago pa man din siya makapagtanong, sinabi na nito na aalis na ito…  

Alam niya na panandaliang kaligayahan lamang ang anumang namamagitan sakanila. Alam niya rin na darating ang araw na kakailanganin talaga nilang maghiwalay, pero hindi niya inakala na magiging ganito kabilis ang lahat… Kanina lang, ipinagluto pa siya nito ng umagahan, at hinayaan din siya nitong maging masaya sa nangyari sakanila kagabi, pero sino bang magaakala na sa sunod nitong gagawin ay parang nalaglag siya ng diretso sa impyerno. Kung gaano nga naman kataas ang naakyat mo, ganun din ang katumbas na sakit kapag bumagsak ka. Walang ibang magawa si Lu Jinnian kundi mapatulala nalang sa sobrang sakit.

Pero kahit anong gawin niya, hindi pwedeng mapasakanya si Qiao Anhao. Kahit gaano pa kaganda ang kanyang mga guni-guni, walang katotohanan ang mga ito, at ngayong araw, tuluyan siyang nagising sa katotohanan, ang araw na muli nanaman siyang magiisa.

Kumurap si Lu Jinnian, pakiramdam niya ay parang may sumasakal sakanyang lalamunan. Matapos ang ilang sandali, naramdaman niyang tumuyo na ang mga luha sakanyang mga mata at nagsalita, "Ikaw…"

Nabubulunan siya sa bawat salitang binibigkas niya kaya huminto muna siya at naghintay ng sampung segundo para muling kalmahin ang kanyang sarili bago magpatuloy, "….kailan mo balak umalis?"

Tinignan ni Qiao Anhao si Lu Jinian at hindi siya kaagad sumagot.

"Ngayon."

"Ngayon?" biglang nanginig ang mga kamay ni Lu Jinnian, may binulong siya sakanyang sarili na siya ang nakaintindi. Itinikom niya ang kanyang mga labi at ang kanyang paghinga ay bigla nalang bumilis. "Kailangan mo ba…"

Bago niya pa matapos ang sasabihin niya, bigla nalang siyang napasandal sa kanyang kinauupuan at napatingala sa kisame. Mukha siyang kalmado at walang makakapagsabi na sobra na pala siyang nasasaktan.

Mula noong magsama silang muli ni Qiao Anhao, alam niyang darating ang araw na ito, pero kahit kailan ay hindi niya naisip na aalis ito sa mismong araw kung kailan ito nagpaalam.

Gusto niya sana talagang tanungin ito ng "Kailan mo ba talagang umalis?"

"Pwede bang huwag ka nalang umalis at samahan mo nalang ako?"

"Qiao Qiao, alam mo ba? Minahal kita sa buong kabataan ko, at ngayon na patapos na ang aking kabataan, hindi mo ba ako pwedeng bigyan ng happy ending?"

Pero babaeng pinakaminamahal niya ay mahal rin ng kanyang kapitid, kaya wala na talaga siyang magagawa. Sino bang pwede niyang lapitan para tulungan siya sa dapat niyang gawin?

Naiwan sa dulo ng kanyang dila ang mga gusto niya sanang sabihin kaya pinipilit niyang hulihin ang mga ito.

Natatakot siya na baka kapag umamin siya kay Qiao Anhao, bigla nalang silang magkailanagan na siguradong tatapos sa anumang relasyon na meron sila ngayon.

Ayaw niyang mamuhay ng puno ng pagsisisi.

Medyo matagal bago sumagot si Lu Jinnian. Bandang huli, huminga siya ng malalim at inayos ang kanyang pagkakaupo. Kalmado niyang tinignan si Qiao Anhao at sinabi, "Ihahatid na kita."

Umiling si Qiao Anhao. "Ayos lang, tatawagan ko nalang si Zhao Meng para magpahatid."

"Ihahatid nalang kita sa bahay ni Zhao Meng," sagot ni Lu Jinnian pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Qiao Anhao.

Pinagisipan muna ni Qiao Anhao ang gusto niya mangyari pero bandang huli, hindi naman siya tinaggihan nito at bahagyang tumungo. "Okay."

Hindi na sumagot si Lu Jinnian at tumingin nalang sa bintana.

Ilang sandali ring walang imik na nakaupo si Qiao Anhao bago niya basagin ang katahimikan. "Aakyat lang ako para magempake."

次の章へ