webnovel

My Birthday Present To You (15)

編集者: LiberReverieGroup

May gusto sanang sabihin si Lu Jinnian pero parang may nakabara sa kanyang lalamunan. Ibinuka niya ang kanyang bibig pero walang lumalabas na boses mula rito.

Matagal siyang nakatingin kay Qiao Anhao habang pinipigilan niyang huwag ipahalata ng impact ng tatlong 'Happy Birthday' nito sakanya. Kahit na sinusubukan niyang huwag magpahalata at paninindigang ang kanyang pagiging cold, halata pa rin na kinabahan siya dahil sa boses niya. "Pano mo nalaman na ngayon ang birthday ko?"

Whoops… Gusto niya lang naman talagang itong sorpresahin at bigyan ng regalo pero nakalimutan niya na nalaman niya nga pala ang tungkol dito dahil nakinig siya sa usapan.

Medyo namula ang mukha ni Qiao Anhao at napakagat siya sa kanyang labi. Nahihiya siyang ngumiti at matapat na inamin, "Noong isang araw, tatawagin sana kita para magdinner, kaso aksidente kong narinig ang pinag-uusapan niyo ng assistant mo…"

Itinaas ni Qiao Anhao ang kanyang ulo at pinagmasdan ang magiging reaksyon ni Lu Jinnian. Noong narealize niya na hindi naman nagbago ang itsura nito, nagipon siya ng lakas ng loob at ipinagpatuloy, "Dahil doon, nalaman ko kung kailan ang birthday mo.

Pahina ng pahina ang kanyang boses habang sinasabi ang mga huli mga salita ng kanyang kwento hanggang sa tuluyan nalang itong natapos. Pero naiintindihan ni Lu Jinnian kung ano man ang gusto niyang sabihin.

So noong sinasabi pala ng kanyang assistant na sa Biyernes na rin ang kanyang birthday, nakatayo pala ito sa labas ng study room.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naramdaman ni Lu Jinnian na hindi pala magandang ideya ang pagkakaroon ng masyadong madaldal at mausisang assistant.

Hindi alam ni Qiao Anhao kung anong iniisip ni Lu Jinnian kaya iniangat niya ang kanyang ulo para silipin ito.

Wala namang pagbabago sa itsura ni Lu Jinnian. Mukhang gustong sabihin ang mga mata nito pero parang wala rin naman.

Sa likod ng malamig na expression ni Lu Jinnian, hindi mahulaan ni Qiao Anhao kung galit ba ito o hindi. Kaya para hindi na talaga ito magalit, itinaas niya pa ang kanyang kamay na may hawak na regalo at sinabi, "Ito ang birthday present ko para sayo. Binili ko 'to noong nagshopping kami ni Xia Xia noong isang araw."

Dahan-dahang kumurap si Lu Jinnian. Ang itim na itim niyang mga mata ay matagal na nakatingin kay Qiao Anhao bago niya kinuha ang box na hawak nito.

Hindi nito napansin na nanginginig ang kanyang mga kamay.

Para pigilan ang kanyang emosyon, sa unang pagkakataon ay nagtanong si Lu Jinnian, "Anong laman nito?"

Tuluyang kumalma si Qiao Anhao nang marinig niya ang tanong ni Lu Jinnian. Habang nakikita niya na kumalma na rin ang mga mata nito, mas naging masayahin siya at pa'cute niyang na sinabi, "Mas magiging meaning ang regalo kung hindi mo alam kung ano ang laman nito bago mo buksan."

"Talaga?" Mahinanong tanong ni Lu Jinnian. Ang kanyang maninipis na daliri ay unti-unting tinanggal ang seal ng box bago niya punitin ang pambalot nito. May nakita siyang isang kulay golden velvet na box at nang buksan niya ito, isang napakagandang tie pin ang bumungad sakanya.

Dahil sa mga ilaw ng kanilang bahay, kumikislap ang mga diamonds na nasa kanilang tiles at nang tumama ito sa mga mata ni Lu Jinnian ay bigla nalang itong naluha.

Noong kasama niya pa ang kanyang nanay, hindi maganda ang kanilang pamumuhay kaya saan naman sila kukuha ng sobrang pera para mabilhan siya ng regalo? Kahit ang cake ay pinupuslit lang sa night club na pinagtatrabahuan ng kanyang nanay kaya ang ibinigay ni Qiao Anhao ang kauna-unahang regalo na kanyang natanggap.

Simula noong mamatay ang kanyang nanay, wala ng nakaalala ng kanyang birthday kaya siya mismo ay hindi na rin ito inisip.

Pero kahit kailan ay hindi niya naisip na darating ang araw na makakatanggap siya ng napakaganda at nakakatouch na regalo.

At bukod pa doon, ang regalong natanggap niya ay galing pa sa babaeng matagal niya ng minamahal.

次の章へ