"Nilinaw ko na ang lahat kay Jingrong," tugon ni Mo Zixi.
Agad na gumanda ang ekspresyon ng chief sa sinabi ni Mo Zixi, "Kahit papano mayroon kang isang bagay na magandang gianawa. Matagal ka nang nasa military at hindi ka pa nagbabakasyon, kaya bibigyan kita ng isang buwan. Hawakan mo ng maayos ang problema mong ito at huwag mo akong hayaan na makarinig ng anumang mga tsismis!"
"Kung hindi, ikaw ang aatang sa responsibilidad para sa bagay na ito!"
Nag – salute si Mo Zixi sa kanyang superior at tumalikod para umalis. Pero, nang papalabas na siya ng opisina, narinig niya ang chief na tinapik ang mesa sa likod niya, "Bilisan mo at ipadala mo sa akin ang iyong marriage application."
Marriage? Bakit para itong isang bagay na kailangan niyang gawin?
Pero, katulad nga ng kanyang sinabi, ayaw niyang magpakasal sa ibang babae dahil sa nakipaghiwalay pa lamang siya sa isa. Bagaman, ito ay isang resonableng bagay na dapat gawin.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください