Si Liang Yongyu ay nalinlang, ngunit hindi rin naman nakaligtas dito si Qi Lei.
Maaari ngang nakuha niya ang pera ni Liang Yongyu, ngunit sa huli ay inilipat naman niya ang isang bahagi nito sa account ng kanyang kasintahang doctor. Kahit pa hindi naman ito lahat, ito naman ay malaking bahagi. Gayunpaman, siya ay walang ideya na sa sandaling mailipat niya ang maduming pera sa kanyang kasintahan, lahat naman ito ay idinonasyon kaagad ng kanyang kasintahan sa hospital.
Ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang kasintahang doctor na magkunwari ay dahil maaari siyang magkunwari na nagdadalang tao ng hindi pumupukaw ng pagdududa.
Ngunit, ito ay ang tanging pagkakataon lamang. Ginagawa lamang niya ito upang turuan ang g*go ng leksyon.
Sa panlabas, ang magkasintahan ay nagkasundo sa petsa ng kanilang kasal at nagpaplano na iparehistro ang kanilang kasal kinabukasan. Ngunit, ang kasintahang doctor ay nagdesisyon na siya ay aalis.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください