Hindi nagtagal, si Lin Qian ay dinala na sa hospital. Kahit pa ang kanyang mga sugat ay ginamot na, kailangan pa rin niyang magsimula ng sunod sunod na vaccinations.
At dahil ang silid ng hospitala ay punong puno ng taong kilala niya, sa wakas ay napahagulhol si Lin Qian.
Kaagad siyang hinila sa kanyang mga yakap ni Li Jin upang hindi ito makaramdam na wala siyang masasandigan.
Sa mga sandaling iyon, naiintindihan ni Tangning ang pagdurusa ni Tangning. Kaya, kahit pa siya nagkaroon ng pakikipagtalo kay Xia Hanmo – kahit pa kailangan niyang pira pirasuhin niya ang kanyang sariling likha – gagawin pa rin niya iyon ng walang pag aatubili.
Hindi naman sa tila ayaw na niyang bigyan ng isang pagkakataon si Xia Hanmo. Ngunit kung ang tagabantay ng kulungan ay hindi ginawa ang kanyang paglilibot, maaaring hindi na nakalabas doon ng buhay si Lin Qian. Pinakamasama sa lahat, habang si Lin Qian ay nawawala, wala man lamang pakialam si Xia Hanmo.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください