webnovel

Ipakita Sa Lahat Kung Ano Ang Ibig Sabihin Ng Pagiging Isang Best Actress

編集者: LiberReverieGroup

"Kung maririnig kong muli na binabanggit ng pamilya Quan ang pangalan ni Lin Qian. Kayo ay hindi na maaaring manirahan pa sa Beijing."

Pagkaraan nitong matapos magsalita, hindi na gustong magtagal pa ni Li Jin ng ilan pang sandali habang tumatalikod ito at nagtatanong kay Lin Qian, "Mayroon ka pa bang gustong sabihin pa?"

Sinulyapan ni Lin Qian si Mother Quan ay iniling nito ang kanyang ulo, "Wala na."

"Kung ganon halika na." pagkaraang magsalita, tumayo na si Li Jin at inalok ang kanyang kamay kay Li Qian.

Si Lin Qian ay bahagyang nasorpresa, nguniy kaagad din niya itong tinanggap.

Nang ang dalawa ay tatalikod na upang umalis, hindi na natiis pa si Mother Mo ang kanyang galit habang sumisigaw patungkol kay Li Jin, "Sa palagay ko ay kailangan mong isaalang alang ang iyong desisyon na makasama si Lin Qian. Pagkatapos ng lahat, ang isang tao na nang aakit kahit na kanyang sariling kapatid ay lubhang napakamumurahin."

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ