webnovel

Siya Ay Walang Utak At Walang Mga Prinsipyo?

編集者: LiberReverieGroup

Samantala, nagdesisyon si Hua Wenfeng na ibunyag ang kanyang kwento sa publiko, kahit pa si Bai Lihua ay wala naman ginagawang kahit ano. Tinawag niya itong 'pinakamalaking katatawanan sa mundo' at ipinahayag ang kanyang pagkagulat sa taong sinusubukan na angkinin ang pangalan ng ibang tao sa 21st- century.

Nakipag ugnayan si Hua Wenfeng sa reporter at nag umpisang umiyak. Una, inamin niya na siya ay nagkamali at dapat ay hindi inaway si Tangning noon. Pagkatapos, ay sinabi ang kanyang totoong mensahe na gusto niyang ipaabot sa lahat: isang tao ang tumatawag sa kanyang manlilinlang, sinasabi nitong hindi siya ang ina ni Mo Ting at sinasabing ang kanyang pangalan ay pag aari ng isang tao.

"Hindi ako makapaniwalang isang tao ang susubok na angkinin ang isang bagay na madali na lamang mapatunayan sa pamamagitan ng DNA test. Kagulat gulat ito."

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ