"Anong gamot?" Si Hua Wenfeng ay nagkukunwaring makakalimutin.
"Quinidine," wika ni Mo Ting sa malalim, mapanganib at syempre, nananakot na tono.
Kahit na si Hua Wenfeng ay natatakot kay Mo Ting, pinipilit pa rin niyang panatilihin ang kanayng kahinahunan at nagpatuloy sa pagtanggi, "Hindi ko alam kung ano ang iyong sinasabi. Mo Ting, ganito mo na ba trinatrato ang iyong ina?"
"Ina man o hindi, iisang tabi muna natin iyan sa ngayon, gusto ko lamang malaman kung alam mo ang gamot na tinatawag na Quinidine?"
Napilitan si Hua Wenfeng na tumingin ng diretso sa mata ni Mo Ting. Siya ay hindi makagalaw sa nananakot na titig ni Mo Ting. Sa katotohanan, mayroong boses sa kanyang utak na nagsasabi sa kanya, kung magpapatuloy siya na manatiling matigas ang ulo, siya ay tiyak na tatadtarin ng pinong pino. Ngunit, hindi siya maaaring umamin sa kanyang ginawang krimen."
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください