"Sa simula… ang pagiging aktres ay hindi problema," wika ni Hua Wenfeng sa makaranasang tono, "Ngunit, ayoko sa mga aktor/ aktres."
Ang mga sinabi ni Hua Wenfeng ay masyadong direkta at matatag. Tila sinasabi na nitong hindi niya kailanman matatanggap si Tangning.
Kung si Tangning ay nakikipag usap lamang sa ibang babae, maaaring sinubukan na nilang akitin siya ng kanilang pananalita, o direktang buksan ang pinto at umalis, ipinapakita ang kanilang sama ng loob. Ngunit, pagdating kay Tangning, ang mga katagang ito ay hindi nangangailangan ng tugon.
Pagkaraan ng ilang sandali, sa wakas ay sinabi ni Tangning, "Sa totoo lang, hindi ko gusto ang mga doctor at ang mga taong sangkot sa biotechnology."
Hindi inaasahan ni Hua Wenfeng na direktang ibabato ni Tangning ang kanyang sinabi pabalik sa kanya. Sa katotohanan ang mga sinabi ni Tangning ay mas malakas at mas makapangyarihan.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください