Mahigit 50!?
Natulala si Tang Jingxuan sa pagkabigla. Kahit na inaasahan na niyang si Xu Qingyan ay maraming pinsala, hindi pa rin niya inaasahan na ito ay ganito kaseryoso.
Mahigit 50! Gaano kawalang awa ba ang kanyang ama, upang tratuhin ang kanyang sariling anak sa ganitong paraan?
"Kahit na ang lahat ng ito ay panlabas lamang na pinsala, ang ating katawan ay gawa lamang sa laman at dugo…"
"Doctor, maaari mo ba siyang resetahan ng ilang gamot?" Naiintindihan ni Tang Jingxuan na ang doctor ay nabigla. Pgkatapos ng lahat, kung si Xu Qingyan ay isang bata, ito ay mayroong kabuluhan, ngunit siya ay may edad na, hindi ba siya marunong kung paano gumanti kapag sinasaktan?
Gayunpaman, kahit pa hindi naiintindihan ng iba, alam ni Tang Jingxuan na si Xu Qingyan ay walang ibang pagpipilian.
Kung kaya sumabat na siya.
Bumuntong hininga ang doctor at tumango, "Kailangan ng pasyente ng pahinga."
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください