Hindi sumagot si Tang Jingxuan. Naiintindihan niya si Song Yanshu. Sa ilalim ng ganitong kalagayan, hindi ang tipo ni Song Yanshu ang magsasamantala ng pagkakataon sa isang tao habang sila ay lugmok.
"Tila nagtitiwala ka pa rin kay Song Yanshu," ngumiti si Fang Yu. Pagkatapos ay tumayo mula sa kanyang upuang pang opisina at umupo sa tapat ni Tang Jingxuan sa sofa. Pinagkrus ang kanyang braso, at nagsabi, "Maari mo bang sabihin sa akin kung anong nangyari sa pagitan mo at ni Song Yanshu?"
"Ito ay isang bagay na ayaw kong pag usapan," hindi naman maaaring ipagsabi sa iba ni Tang Jingxuan sa lahat ang tungkol sa naging malapit na relasyon kay Song Yanshu; iyon ay magiging masakit para kay Song Yanshu.
"Ok, sige, pagkibit balikat ni Fang Yu. Pagkatapos ay tumayo ito mula sa sofa at nagsabi, "Luo Xing, walang kaduda duda na ikaw ay isang magaling na mang aawit, ngunit ikaw ay isa pa ring baguhan. Alam mo ba kung ano ang pagkakaiba mo sa iyong kapatid na si Tangning?
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください