webnovel

Ang Puso Ay Talagang Nabibiyak

編集者: LiberReverieGroup

Ang mga eksena ni Tangning ay mas patindi ng patindi, kung minsan ay kinakailangan nilang magpasabog. Kapag may eksenang tulad nito, si Mo Ting ay personal na nagpupunta sa set kasama ang ilang mga propesyonal upang magsagawa ng wastong safety inspection. Kapag nakumpira lamang niya na walang maaaring magkamali ay saka lamang niya pinapayagan si Tangning at Bei Chendong sa set.

Tulad nito, ang kilalang supermodel na si Tangning ay tila unti unting nawawala mula sa paningin ng lahat at hindi na nagpapakita sa runways. Ito ay tila malaking kawalan sa mga tao sa fashion industry.

Walang sinumang mag - iisip, na habang ang kanyang modeling career ay papataas, siya ay magbabago ng karerang kanyang tatahakin at naging isang aktres. Gayunman, hanggang sa mga sandaling ito, ang tanging nakita lamang ng publiko ay isang maiksing eksena pa lamang mula sa audition niya. Ang aktuwal niyang proyekto ay hindi pa naipalalabas.

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ