webnovel

Mental Na Pagpapahirap

編集者: LiberReverieGroup

Nang sumunod na dalawang araw, nagtago si Lin Chong sa madilim na bahagi na parang daga; labis siyang natatakot na gamutin ang kanyang sugat at masyadong maraming iniisip para magpagamot sa doktor.

Simula nang ilabas niya ang balita tungkol kay Fang Yu, ang buong propesyon ng mga reporter ay nadamay.

Kaya, ngayon, hindi lamang siya nagtatago kay J-King, sa Hai Rui, sa mga tagahanga at sa mga artista. Higit sa lahat, sinisikap niyang iwasan ang atake ng kayang kasamahan. Dahil, kasalanan niya kung bakit ang mga ito ay nahihirapan ngayon.

Isang naiinip na tao ang naglagay ng larawan ni Lin Chong sa online habang ito'y nagtatago. Matapos makita ito ni Long Jie, ipinakita niya ito kay Tangning ng nakangiti, "Tingnan mo kung ano ang nangyari sa basurang ito."

Tinanggap ni Tangning ang telepono at sinulyapan ang larawan bago sumagot kay Long Jie, "Utusan mo ang ibang tao na magpadala ng pera sa kay Lin Chong na nakapangalan sa akin at kay Huo Jingjing…"

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ