webnovel

Gumawa Na Ba Aksyon Si Lu Che?

編集者: LiberReverieGroup

"Bakit biglang nagkaroon ka sa kanya ng interes?" pinanatili ni Tang Xuan ang kanyang eleganteng imahe habang nagtatanong. Matalim na nakatingin kay Chi Xinyan ang kanyang mga mata, "Kayong dalawa ay hindi talaga malapit sa isa't isa, tama?"

Nalantad na si Chi Xinyan, kaya ngumiti siya na nahihiya habang nagpapaliwanag, "Nagtataka lang talaga ako kung bakit ang isang mayamang tagapagmana ay kinakailangan ibaba ang kanyang sarili sa ganoong paraan at magdala ng kahihiyan sa kanyang pamilya…"

"Hindi ito ang bagay na dapat mong ipag – alala. Alam na alam ni Tangning kung ano ang ginagawa niya," pagpuputol ni Tang Xuan bago pa man matapos ni Chi Xinyan ang kanyang sinasabi. "Miss Chi, ito ay problema ng Tang family."

Nauunawaan ni Chi Xinyan na ang Tang family ay ang pamilya na hindi dapat na basta na kabanggain, "Sister Xuan, wala naman akong ibig sabihin sa pagsasabi ko ng mga bagay na iyon. Nakikisimpatya lamang ako sa iyo."

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ