Sa loob ng tahimik at mamahaling hotel, masayang kumakain ng hapunan sina Long Jie at Lu Che ng magkasama.
Tinupad ni Lu Che ang kanyang pangako. Dahil sa pumayag siya na hindi sila magkikipagkita sa mga magulang nito, hindi ginawang mahirap ni Lu Che ang mga bagay – bagay para kay Long Jie. Gayunpaman … habang iniisip ni Long Jie ang tungkol sa mungkahi ni Lu Che na pumunta sila sa bahay nito pagkatapos nilang kumain ng hapunan, hindi niya mapigilan na hindi makaramdam ng kaba; ang kanyang mga palad ay namamawis.
Hindi pa niya naihahanda ang kanyang sarili na dalhin ang relasyon nila sa susunod na antas…
Para itago ang kanyang kinakabahan na puso, tumingin si Long Jie ng mga balita gamit ang kanyang telepono habang kinakain ang steak na hiniwa ni Lu Che para sa kanya.
Sa tuwing nakakakita siya ng kahanga – hanga na larawan ni Tangning, natutuwa siya; sa tuwing nakakakita siya ng nakakahiyang mga larawan ni Zhen Manni, magrereklamo siya.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください