webnovel

Talagang Makapangyarihan Ang Iyong Manager !

編集者: LiberReverieGroup

Hindi makagawa kaagad ng desisyon si Stenson kaya tinipon niya ang selection committee para bumuto.

Sa totoo lang, siya ay personal nang pabor kay Tangning, pero hindi siya pwede na lamang gumawa ng desisyon nang hindi sumasangguni sa iba pang tao sa Excalibur Q. Kayam kailangan niya ang suporta ng iba para kumbinsihin ang higher – ups na gamitin si Tangning na kung saan hindi gaanong kilala kaysa kay Qin Yu.

Habang sinusuri nila ang mga nagawang trabaho ng dalawang modelo, napunta pa din ang boto ng mayorya kay Qin Yu. May 7 indibidwal na naroroon sa pagpupulong na iyon; ang 4 sa kanila ay pumanig kay Qin Yu at ang 3 naman ay para kay Tangning.

Pagkatapos makita ang resulta, kumunot ang noo ni Stenson. Habang mas maraming tao ang bumuto kay Qin Yu, mas lalong siyang naguguluhan.

Ipinaalala nito sa kanya ang mga araw na kung saan nakaranas ng Excalibur Q ng isang matinding kumpetisyon at ang mga damdamin ng kawalan ng kakayahan at panunupil.

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ