webnovel

Palitan

編集者: LiberReverieGroup

Sa loob ng card, walang matatamis na salita o kaya naman mataimtim na pangako. Nagsasaad lamang ito ng, "Ting & Ning - Forever."

Paulit – ulit na tiningnan muli ni Tangning ang card habang nilalagay niya ito sa kanyang dibdib. Pagkaraan ay tiningnan niya ang mga singsing habang napupuno na ang kanyang puso ng emosyon, "Ikokonsidera ko ito bilang ating pangako – magpakailanman …"

Tiningnan ni Long Jie ang mga singsing at bigla niyang napagtanto, talagang kasal na si Tangning. Pagkatapos ng lahat … mayroon na siya ngayong bagay na maaaring sumimbolo ng kanyang pagkakakilanlan. Hindi mapigilan ni Long Jie ang kanyang sarili kundi punasan ang mga luha na dumadaloy mula sa sulok ng kanyang mga mata. Gayunpaman, nang may sasabihin na siya, isang mataas na pigura ang nagpakita sa may daan papasok.

Agad na isinara ni Long Jie ang kanyang bibig bago lumingon kay Tangning at ngumiti, "Paanong nasa iyo na ang iyong singsing nang wala pa ang male lead?"

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ