Hindi alam ni Tangning kung ano ang pinaplano ni Lan Xi, ngunit nahuhulaan na niya na ito marahil ay may kinalaman kina Yang Jing at Luo Hao.
"Pagkatapos ng insidenteng ito, magtatalaga ako ng pinakamahusay ng manager para sa iyo, huwag kang mag – alala."
Nakangiti si Tangning sa buong oras ng kanilang pag – uusap; kailangan talaga niya ng may kakayahang manager. Gayunpaman, pinilit ni Lan Xi itago ito bilang isang sekreto at hindi nito inayos na magkita sila agad o kaya ibinigay man lang sa kanya ang pangalan nito.
Sa katunayan, isinaayos ito ni Lan Xi na magpakita si Tangning sa show dahil una, nais niyang kumpirmahin ang abilidad ni Tangning at pangalawa, nais niyang dalhin ni Yang Jing ang mga newcomer niya para makita niya kung paano hindi niya maikukumpara ang mga ito kay Tangning.
Syempre, ang kanyang plano ay hindi maaaring malaman ni Tangning at Yang Jing sa ngayon.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください