webnovel

Bumalik ng Malumbay

編集者: LiberReverieGroup

Hindi kailanman naisipan ni Mo Yurou ang kapalaran na naghihintay sa kanya. Mula sa kanyang posisyon sa harap ni Tangning, walang paraan na makita niya ang ekspresyon ng mukha ni Tangning, saka, labis ang tiwala niya sa kanyang sarili (naisip niya na maaari siyang ihambing kay Huo Jing Jing) kaya nga … nang marinig niya ang photographer at ang mga staff nito na pumapalakpak, inisip niya na ito talaga ay para sa kanya. Pagkatapos ng lahat, nasa likod lamang niya si Tangning at natatakpan niya ito…

"OK, i – shoot na natin ang sunod na mga hanay ng larawan!"

"Dahil sa mga suot nilang damit, halos sa buong proseso ng photo shoot ay nakatayo lamang si Tangning sa likod ni Mo Yurou. Kahit na kapag nakatayo silang magkatabi, palaging nasa harap si Mo Yurou.

Ito ang lalong nakapagpataas ng tiwala sa sarili ni Mo Yurou…

Pagkatapos na makuhanan ang huling hanay ng mga larawan, muli, hindi napigilan ng mga photographers ang kanilang mga sarili na pumalakpak sa napakahusay na pagganap ni Tangning. Umakto si Mo Yurou na parang isang supermodel na tinatanggap ang lahat ng papuri sa harap ni Tangning. Sa huli, naunang umalis ng studio si Mo Yurou, ito ang nagbigay ng pagkakataon sa mga photographer na lapitan si Tangning, "Nakakainis ang modelong iyon, gayunpaman, hindi ko ito sasabihin sa kanya. Kapag nailathala na ang magazine cover at makita na ng lahat ang pagkakaiba ninyong dalawa, mararanasan niya ang malaking sapak sa kanyang mukha. Siguradong maraming tao ang tutulong sa iyo na turuan siya ng aral."

Talagang matagal na sa industriya ang photographer, ang mga bagay na katulad nito ay hindi na bago para sa kanya.

"Salamat," ngumiti lang si Tangning.

"Hindi mo kailangang magpasalamat. Ikaw talaga ang pinakadalubhasang modelo na nakatrabaho ko. Hindi ko maitatanggi, ikaw ay nasa parehong antas ng mga Western models." Itinaas ng photographer ang kanyang hinlalaki para kay Tangning, "Mailalathala ang weekly publication sa susunod na Miyerkules. Asahan mo ito… tiyak na ikaw ang magpapa - apoy sa interes ng tao sa Oriental Trend."

"Iyan ay ang isang bagay na hindi ko maaaring mapagpasyahan, ang tanging ginawa ko lamang ay ibigay ang lahat ng aking makakaya," pakiramdam ni Tangning na ang industriya ay hindi kulang sa mga taong masisipag; napakaraming mga artist na may talento at kakayahan, ngunit marami lamang ang nakarating sa kalahatian ng katanyagan – bukod sa matiyagang pagtratrabaho, ang pagiging swerte ay isa sa mga mahahalagang salik na maaaring daan sa pagtatagumpay sa industriya.

Nang makabalik siya sa waiting room, tumalon si Mu Yurou sa mga bisig ni Han Yufan habang isinasalaysay niya kung paano siya pinalakpakan. Pagkatapos na makinig kay Mo Yurou, ibinalot niya ang kanyang mga bisig sa baywang nito – alam niya na magtatagumpay ito. Gayunpaman, wala siyang ideya, na ang palakpak na sinasabing natanggap ni Mo Yurou ay hindi naman talaga para sa kanya.

Sa oras na ito, pumasok din si Tangning sa loob ng silid. Nang makita siya, ang staff na nag – aayos ng mga gamit sa studio ay nagtaas ng kanyang hinlalaki at sinabi sa kanya, "Ikaw talaga ang pinakamagaling na modelo na nakita ko."

Hindi maintindihan ni Mo Yurou kung ano ang sinasabi ng staff kay Tangning – pagkatapos ng lahat, limitadong mga salitang ingles lamang ang alam niya – ngunit…

Naiintindihan ni Han Yufan na pinupuri ng staff na ito si Tangning.

Alam ng staff na hindi nakakaintindi si Mo Yurou ng Ingles. Kaya ipinagpalagay din nito na hindi rin nakakaintindi si Han Yufan ng Ingles, pinagmasdan nito si Mo Yurou ng may sobrang pagkasuklam at sinabi, "Hindi talaga ako makapaniwala na ang babae na 'yan ay kasamahan mo. Hindi siya maaaring tawaging isang modelo, wala siyang propesyonal na kasanayan at masyadong mataas din ang tingin niya sa kanyang sarili. Masama na nga na hindi siya makaintindi ng salitang Ingles, inaakala pa niya na siya ang pinupuri namin. May mali talaga sa kanya."

Pagkatapos magsalita, umalis na ang staff. Lumingon si Tangning upang tingnan ang ekspresyon ng mukha ni Han Yufan habang ang sulok ng kanyang labi ay bahagyang kumurba pataas.

"Yurou, sigurado ka ba na pinuri ka ng photographer?"

"Yufan, hindi ka ba naniniwala sa akin?" tumango si Mo Yurou ng may katiyakan, "Totoong lahat ang sinabi. Kung hindi ka naniniwala sa akin, puntahan mo yung photographer at magtanong. Yufan, magtiwala ka sa akin, sa oras na ito, titiyakin kong mabubuhay muli ang Secret…"

Tinitigan ni Han Yufan ang likod ni Tangning; hindi mapigilan ng kanyang utak na isipin ang tungkol sa narinig niyang sinabi ng staff. Hindi mapalagay ang puso niya, ngunit wala na siyang magagawa sapagkat ang mga larawan na gagamitin para sa front cover ay nakunan na. Kahit na hindi mapansin si Mo Yurou, lumabas pa rin siya sa isang international magazine – ito ay makakatulong pa rin para makuha niya ang Top Ten Model Awards.

Natapos na ang talakayan tungkol sa shoot, ngunit pumasok si Long Jie sa loob ng silid ng masaya at ubod ng galak nitong sinabi kay Tangning, "Tangning, alam mo ba kung anong narinig ko? Sabi ng photographer doon sa solo shoot, si Mo Yurou ay mukhang … temptress."

Pagkadinig ni Mo Yurou sa sinabi ni Long Jie, agad itong umalis sa pagkakayap ni Han Yufan at naglakad papunta kay Long Jie. Itanas niya ang kanyang kamay at balak saktan si Long Jie, sa kabutihang palad, naging mabilis ang reaksyon ni Tangning na agad na hinila si Long Jie upang makaiwas at hinawakan nito ang kamay ni Mo Yurou, "Anong ginagawa mo?"

"Kung mayroon kang lakas ng loob, sabihin sa kanya na ulitin kung ano ang kasasabi pa lang niya," nagbabantang sabi ni Mo Yurou habang iwinawagayway ang kanyang kamay upang lumuwag ito mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Tangning at itinuro si Long Jie ng pa – irap, "Tangning, huwag kang masaktan dahil sa naging talunan ka. Alam ko naman na hindi ka nasisiyahan dahil sa pagtayo bilang background ko ngayong araw, pero itim ang suot mo, kaya walang magagawa."

"Hindi ba dahil sa ninakaw mo yung damit?" nakipagpalit muli si Long Jie ng posisyon kay Tangning, humakbang ito sa harapan para protektahan si Tangning. "Mo Yurou, hindi na ako magsasayang ng oras sa iyo. Kung ang photography team ay napabilib mo o hindi nasiyahan sa pagganap mo, malalaman mo sa susunod na Miyerkules."

"Fine, kapag dumating ang araw na iyon, makikita mo kung kanino kakampi ang publiko!" Pagkatapos magsalita, itinapon ni Mo Yurou ang lahat ng laman ng makeup table. May mga salamin na nabasag sa sahig. May mga maliliit na piraso ang lumipad sa kinaroroonan ni Tangning at nag – iwan ng maliit na hiwa sa mga binti nito.

Nang makita ito, sumabog na sa galit si Long Jie, "Mo Yurou, anong ginagawa mo? Sinugatan mo ang mga binti ni Tangning, alam mo ba kung magkano ang halaga ng mga binti niya? Mas mabuting humingi ka ng tawad!"

"Humingi ng tawad?" pinagmasdan ni Mo Yurou si Long Jie na para bang may sinabi itong katawa – tawa, "Nangangarap ka."

"Ikaw…"

"Long Jie..." pinigilan siya ni Tangning, "Tawagan mo ang insurance company ko at sabihin mo sa kanila na magtungo dito upang maipon ang mga ebidensya. Hindi mo na kailangang humingi ng tawad, ako ay sakop ng insurance, gayunpaman … hindi basta hahayaan ng insurance company ang mga ganitong klaseng bagay. Sigurado akong kakasuhan nila ang taong nakasakit sa akin."

Nang marinig niya ang mga salitang binitiwan ni Tangning, namutla ang mukha ni Han Yufan, "Anong ibig mong sabihin?"

"Ang ibig kong sabihin … sakop ng napakamahal na insurance policy ang mga binti ko. Kapag hindi humingi ng tawad si Mo Yurou, hahayaan ko na ang insurance company na ang humawak ng lahat…"

"Tangning, hindi ko naisip na maaari kang maging malisyosong tao," sabi na Han Yufan kay Tangning. "Ito ay isang aksidente lamang ..."

Nang marinig niya si Han Yufan na tinawag lang ang lahat ng naganap na aksidente, lumingon si Tangning sa kanyang likod, kinuha ang isang bote ng makeup remover mula sa mesa at binasag ito sa harap ni Mo Yurou. Tulad ng nangyari sa kanya … nagkaroon din ng maliliit na hiwa ang mga binti ni Mo Yurou, "Ito rin ay isang aksidente, madulas ang mga kamay ko…"

"Ikaw…"

Nang makita ang galit na ekspresyon ni Han Yufan, nanatiling marahan katulad ng dati si Tangning, "Magagalit ka ba tungkol sa aking di-sinasadyang pagkakamali? Kung yan ang kaso, hindi ba mas malisyoso ka kaysa sa akin?"

"Tangning, magpustahan tayong dalawa. Mailalathala na sa susunod na Miyerkules ang magazine. Kapag ang antas ng suporta sa akin ay mas mataas kaysa sa iyo, kailangan mo ng magretiro sa industriya ng pagmomodelo and hinding - hindi kana muli pang babalik."

Si Mo Yurou ay pabigla - biglang nagdeklara ng digmaan kay Tangning, habang tumugon si Tangning na may ngiti sa mga labi nito, "Sino ka sa tingin mo? Gusto mo akong magretiro sa industriya ng pagmomodelo nang dahil sa iyo? Masyado naman yatang mataas ang tingin mo sa iyong sarili…"

Pagkatapos magsalita, umalis na si Tangning kasama si Long Jie sa loob ng silid. Habang sila ay papaalis, narinig nila ang galit na sigaw ni Mo Yurou mula sa silid.

"Tangning, ipagpatawad mo sana, hindi ko man lang hinusgahan kung ano ang sitwasyon ngayong araw bago nagsalita," panghihingi ng paumanhin ni Long Jie kay Tangning.

"It's ok, kahit na hindi dahil sa iyo … maghahanap pa rin ng dahilan si Mo Yurou upang maging sanhi ng problema ko," walang malasakit na tugon ni Tangning, "Hayaan nalang natin ang lahat sa darating na Miyerkules…"

Hintayin at tingnan nalang natin kung paano babalik si Mo Yurou ng malumbay…

次の章へ