webnovel

Baliktarin ang Sitwasyon

編集者: LiberReverieGroup

Inutos ni Mo Ting sa kanyang mga tauhan na maghanda ng mga damit para kay Tangning. Personal pa nitong pinili ang isang gold-patterned strapless dress na may white lining. Ang disenyong ito ay kahawig ng oriental ink painting. Dahil sa ang damit mismo ay nagpapakita ng malakas na oriental aura, kapag ito ay nailapat na sa katawan ni Tangning, ganap nitong mailalabas ang klasikong kagandahan ng oriental beauty – wala nang pag – aalinlangan pa na tugmang tugma si Tangning sa hinahanap na modelo ng Secret. At kapag naipares pa ang mga ito sa maliit na baywang ni Tangning at mahahabang binti … ang kanyang ganda at alindog, sa isang saglit, ay lalabas galing sa kanyang katawan na tila ba halimuyak sa hangin.

Nakatayo sa likod ni Tangning si Mo Ting. Ginamit ni Mo Ting ang kanyang dibdib para malakas na idiin ang likod ni Tangning sa kanya habang niyayakap ni Mo Ting ang baywang nito – na tila ayaw na nitong pakawalan pa si Tangning, "Para kang isang sining."

["Ito ay dahil mayroon kang magandang panlasa," pagbabalik ni Tangning ng papuri. Hindi niya alam na naiintindihan siya si Mo Ting hanggang sa puntong iyon – alam ni Mo Ting na gusto ng Secret na i - shoot ang Oriental Trend at alam niya ipinahiya ito ng Secret dahil sa pagiging baguhan – kaya, sinadya niyang piliin ang damit na suot ni Tangning para ipakita sa kanila, na dahil sa hindi nila pagpili kay Tangning – ito ay naging kawalan nila.

"Bakit kailangan pang magmodelo ka, gusto ko lang itago ka para sa sarili ko," inilagay ni Mo Ting ang kanyang baba sa balikat ni Tangning habang nagrereklamo.

"Tingnan mo kung sino ang nagsasalita, bakit hindi mo banggitin na kahit si Han Rouxue ay nawawala sa kanyang katinuan kapag nakikita ka?" agad na reklamo ni Tangning kay Mo Ting bago nito pinakawalan ang isang malakas na tawa, "Huwag kang mag – alala, hindi ba maaari lang tayong magkaroon ng pisikal na pakikipag – ugnayan sa isa't isa?"

"Syempre." Pagkatapos magsalita, inikot ni Mo Ting si Tangning at hinalikan ito sa mga labi habang nakatayo silang dalawa sa harap ng salamin, at nagpapakita ng kanilang sobrang pagmamahalan. Nakikita ni Tangning ang kanyang ekspresyon sa salamin; ang halik ni Mo Ting ay talagang nakakapagbigay ng kaligayahan. Ang pinakamahalaga sa lahat, alin man sa pagiging mapagmahal o sa pigiging mapusok, ang kanyang mga labi ay para lamang sa kanya. Ang pag – iisip pa lamang na may ibang babae na humahalik sa mga labi nito ay labis nang ikinababalisa na ng kanyang puso.

"Tama na, mahuhuli na ako," namumula ang mukha ni Tangning habang dahan – dahan nitong itinutulak papalayo sa kanya si Mo Ting.

"Kapag nakauwi ka na ng bahay, pag – isipan mo na kung paano mo ako babayaran," pinakawalan na siya ni Mo Ting mula sa pagkakayakap nito.

Tumango si Tangning habang hinahalikan ang tenga ni Mo Ting, "Maaari mong makuha ang kahit anong kabayaran ang gusto mo…"

Ang photography exhibition ay nakatakdang ganapin ng alas 7 ng gabi sa loob ng isa sa mga abandonadong parke sa America. Dumating si Tangning ng hindi masyadong huli o masyadong maaga dahil, sa oras na ibinigay niya sa kanyang imbitasyon sa mga staff na nagbabantay sa entrance ng event, marami nang mga kilalang tao ang nasa loob. Syempre, ang isa sa kanila ay ang dati niyang tagapayo, si Ms. Bertha.

Ang bawat tao na naroroon ay sinsikap na maging kapansin – pansin sila, ngunit halos lahat sa kanila ay mayroong western style. Tanging si Tangning lamang ay nagbihis ng kahali - halinang oriental mini dress, agad nitong nakuha ang atensyon ng mga taong nakapaligid sa kanya, kabilang ang … taong namamahala sa Secret na kung saan ay tinanggihan pa lang siya ng araw na iyon, si Mina.

Naglakad ito patungo kay Tangning na hawak ang isang baso ng champagne na may natutuwang ekspresyon sa kanyang mukha bago ito nagsalita na may pangungutya, "Hindi ko akalain, para lamang maging front cover ng aming magazine, susundan mo ako rito,"

Tumawa ng marahan si Tangning, "Sa tingin ko nagkakamali ka sa iyong paratang, Miss Mina."

"Hindi sa tingin ko. Malinaw na alam mo ang tema ng aming magazine ay Oriental Trend kaya naman sinadya mong magbihis ng katulad niyan at magpakita rito. Sa kasamaang palad, sa sandaling nakagawa na ako ng desisyon, hindi ko na ito binabawi." Akala ni Mina, nang sabihin ni Tangning na magsisisi siya, ang tinutukoy nito ay ang hitsura niya ngayon. Kahit na talagang namang napakaganda niya, hindi na magbabago pa ang desisyon ng Secret para lamang sa isang modelo.

"At saka, sabi ni President Han ng Tianyi, mayroon kang hindi magandang personalidad. Ayon sa kung ano ang nakita ko kanina, tama siya, sinasamantala mo nga ang buong sitwasyon upang i- promote mo ang sarili mo."

"Sinabi ko na ito, ang pagpunta ko ngayon dito ay walang kinalaman sa Secret," pagbibigay – diin muli ni Tangning na may malakas na tinig na nakaakit ng pansin ni Ms. Bertha, na kung ay kasalukuyang abala sa pag – aasikaso sa ilang mga bisita.

"Talagang nagsumikap ka para sa hitsura mo ngayong gabi, hindi na nakakapagtaka na sinabi ni Rouxue na mag – ingat daw ako sa'yo."

"Miss Mina, masyado naman yatang mataas ang tingin mo sa iyong sarili." Pagkatapos magsalita, lumihis ang tingin ni Tangning sa taong nakatayo sa likod ni Mina – ito ay si Ms. Bertha. Isang ngiti ang lumabas sa kanyang mukha, "Mentor."

Gulat na pinagmasdan ni Bertha si Tangning bago nito niyakap si Tangning, "Oh, my precious dear, ang tagal na nating hindi nagkita. Kamusta ka na?"

"Nasa mabuting kalagayan naman ako. Pero mentor, may problema po ako," pagpapaliwanag ni Tangning.

Pagkatapos marinig ito, naalala ni Bertha kung bakit siya lumapit sa lugar na iyon, narinig niya na mayroong dalawang taong nagtatalo sa parteng iyon ng exhibition. Kaya naman, pinakawalan niya si Tangning mula sa kanyang pagkakayakap at lumingon kay Mina, "Ano ang lahat ng ito?"

Paano ito nangyari?

Nabigla si Mina. Hindi ba narito si Tangning dahil gusto nito na makuha muli ang front cover shoot?

Paano niya nakilala ang editor ng Royal Magazine? At bakit parang malapit ito kay Tangning?

Hindi nagpigil si Tangning, ipinaliwanag niya ang buong insidente kay Bertha. Nang marinig niya ang lahat, nadama ni Bertha na ang mga tao sa Secret ay wala sa kanilang tamang pag – iisip. Sa diretsahang paraan, inilabas ni Bertha ang kanyang galit kay Mina, "Ito ang dahilan kung bakit ang magazine ninyo ay humihina. Paano ninyo inayawan ang my precious ko at piliin lamang isang B-grade model, at ipinagmamalaki mo iyon? My god, nakakatawa naman ito. Alam mo ba kung gaano karaming awards ang natanggap ni Kira nang maglakad siya sa runaway sa France?"

"Siya … hindi ba siya baguhan?" nabigla si Mina.

"Lumabas siya sa Master Bonne's show, sa katanuyan, siya ang finale. Noong panahon na iyon ay 17 taong gulang palang siya at ikaw ay wala pa!" Pagkatapos magsalita, buong pagmamahal na niyakap ni Bertha si Tangning, "My precious, huwag sanang ikasama ng loob mo ito. Anumang front cover ang gusto mo, sabihin mo lang sa akin."

Hindi makapaniwalang pinanood ni Mina ang dalawa habang naglalakad ito papalayo sa kanya. Nagsimulang kumulo ang kanyang dugo. Dahil nakinig siya kay Han Rouxue, isinuko niya si Tangning. Hindi siya makapaniwala na she was stupid enough to 'buy the case and return the pearl*'.

Hindi niya hahayaan itong mangyari, kailangan niyang makuha pabalik si Tangning.

Sa loob ng utak ni Mina, may bago siyang layunin, nakalimutan na niya ang kanyang nasabi kanina tungkol sa pagbabago ng desisyon para isang modelo lamang.

Hindi na nilingon pa ng Tangning si Mina sapagkat nahuhulaan na niya kung ano ang iniisip nito sa mga oras na iyon. Hindi niya tinanggap ang alok ni Bertha at inisa - isa na lamang niya dito ang mga nangyari sa kanya sa mga nakalipas na panahon, "Mentor, malinaw sa aking kung ano ang posisyon ko sa ngayon. I will take one step at a time para lubusan kong makuha kung ano ang dapat na sa akin... Taos puso akong nagpapasalamat sa magandang intensyon mo para sa akin."

"My precious, ang pinakamahalagang bagay sa ating buhay ay ang malaman mo kung ano talaga ang gusto mo. Hindi pa huli ang lahat para magsimula muli," tumango si Bertha upang ipakita ang kanyang pag - unawa kay Tangning.

"Maraming salamat, Mentor."

"Tingnan mo ang iyong sarili, kapansin - pansin ka pa rin sa gitna ng maraming tao. Hindi ka pa rin nagbabago."

Nang marinig niya ang mga papuri ni Bertha sa kanya, mapagkumbaba siyang ngumito dito. Mapagkumbaba siya dahil alam niya na maraming tao sa mundo ang mas magaling na abilidad kaysa sa kanya.

Pagkatapos matapos ng photography exhibition, may inutusan si Bertha na ihatid si Tangning sa kanyang bahay. Sa pagkakataong iyon, bigla na lamang lumabas si Mina na tumatakbo at pinatigil ang kotse, "Maaarin mo ba akong bigyang ng 5 minuto upang makapag - usap tayo?"

"Ano pa ang gusto mong pag - usapan nating dalawa?" Direktang tanong ni Tangning.

"Kapag pumayag ka na i - shoot ang front cover ng aming magazine, maaari mong ang kahit ano – sisiguraduhin ko sa'yo na tutuparin ko iyon."

"Kahit na ito ay laban kay Han Rouxue?" Tanong ni Tangning habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan, sa isang kaswal ngunit mapanganib na tono, "Mapaghiganti akong tao."

"Sinabi ko na ito, maaari kang humiling ng kahit ano at ito'y tutuparin rin ko, kahit ano pa man ang maging kapalit nito."

"Kung gayon … maghihintay ako na ipakita mo ang iyong katapatan," tumatawa si Tangning habang isinasara niya ang bintana ng sasakyan at inuutusan ang driver nito na maaari na silang umalis.

Han Ruoxue, bukas mapagtatanto mo, ang lahat ay nagbago na…

Translators Notes:

* Buy the case and return the pearl (买椟还珠) – ito ay ginagamit upang ipaliwanag ang isang indibidwal na may mahinang klase ng paghahatol sa isang bagay na hindi alam ang tunay na halaga ng isang bagay.

次の章へ