webnovel

Tatlong Taon na Hindi Makikita sa Labas ng Entablado

編集者: LiberReverieGroup

Ang sulok ng mga mata ni Lin Wei ay makikitaan pa rin ng mga luha. Pinunasan niya ito habang dahan – dahan siyang tumayo. Nag – isip muna siya bago sumagot kay Tangning, "26th, sa susunod na Miyerkules."

Inuutusan ka pa rin ba ni Mo Yurou na tanggihan ang lahat ng mga trabahong inaalok sa akin?" ipinagpalagay na tanong ni Tangning.

"Oo..."

"Ilista mo ang bawat isa at ipunin mo mga email ng kada isang kliyente para maging ebidensiya sa mga susunod na panahon. Sa susunod na Miyerkules, gagamitin ko yan lahat," kalmadong utos ni Tangning. "Kung marunong ka pa ring magtimbang ng mga bagay bagay, alam mo, na mas may patutunguhan ka kung susunod ka sa akin kaysa sa pagsunod kay Mo Yurou. Dahil sa katotohanang siya ay isa lamang kabit, hinding hindi siya magkakaroon ng pagkakataon na makatungtong sa international stage."

Pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ni Tangning, napagtanto ni Lin Wei kung bakit napakaraming problema ang dumadating kay Mo Yurou nitong mga nakaraang araw, sa kabilang banda naman patuloy ang pagsikat ni Tangning. Ngayon lang niya naunawan na si Mo Yurou ay isang modelo na umaasa lamang na makakuha ng awa sa iba upang magpatuloy ang kanyang career samantalang ginagamit naman ni Tangning si Mo Yurou bilang daan sa kanyang pagbabalik.

Tinimbang ni Lin Wei ang pros at cons ng mga bagay bagay at saka nagdesisyon na mas magandang sumunod kay Tangning, "Tutulungan kitang ihanda ang lahat."

Tumango lamang si Tangning habang papaalis. Ngunit bago pa man siya makarating sa pinto, huminto ito at lumingon kay Lin Wei, "Kung wala kang kakayahan na mapahalaan ang PR crisis, huwag kang gumawa ng mga bagay na kahiya -hiya para sa akin at hayaan ako na linisin ito para sa'yo."

Sa madaling salita, kung hindi niya kayang iwasan na makunan siya ng mga larawan, dapat lamang na itigil na niya ang pagsama sa kung kani-kanino at mang – akit ng mga taong hindi dapat para sa kanya.

Namutla ang mukha ni Lin Wei. Ngayon lang siya nakatagpo ng isang artist na mayroon na palang mga plano ng hindi nalalaman ng sinoman. Sa tingin niya, maliban sa pang - aakit sa mga lalaki, walang ibang plano si Mo Yurou at wala itong kaalam – alam sa naghihintay niyang pagbagsak kasama ng Tianyi Entertainment.

Pagkalabas niya ng gusali ng opisina ng Tianyi, napansin niya na masyado pa palang maaga. Bumalik siya sa kinaroroonan ng kanyang kotse na kung saan bakas sa kanyang mukha ang pagod. Nang mapansin ito ni Long Jie, labis ang sakit na nadama niya sa kanyng puso, "Nagkaroon ba kayo ng pagtatalo ni Han Yufan?"

"Hiniling ni Han Yufan na maghiwilay na kaming dalawa," sagot ni Tangning habang isinasandal ang kayang ulo pagkatapos ay dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Sa kanyang pagkakapikit ay parang nagpapakita ito nais niyang itago ang kanyang tunay na damdamin, "Long Jie, alam mo ba? Habang sinasabi ni Han Yufan ang mga kinakailangan na naming maghiwalay dahil may mahal na siyang iba, parang matagal na niya itong napag – isipan at tila nagbabasa na lamang siya ng libro sa sobrang perpekto ng bawat linyang namutawi sa kanyang bibig."

"Gusto pa niyang ipatigil ang aking mga trabaho sa loob ng 3 taon."

"Ang walang hiyang iyon, paano niya nagagawa ito sa iyo? Hindi ba siya natatakot na bigla na lamang siya tamaan ng kidlat?!" reklamo ni Long Jie. Nang nakita niya na nasasaktan si Tangning sa mga pangyayaring nagaganap, inabot niya ang mga kamay nito at tinapik tapik niya ng malumanay ang balikat nito, "Huwag mong hayaan na maapektuhan ka ng lalaking tulad niya, lalo na ngayon na sisiguraduhin mo na magbabayad ang walang hiyang iyon sa lahat ng ginawa niya sayo ng sampung beses."

"Wala pa akong kakayanan na kontrolin ang aking damdamin sa ngayon kaya iuwi mo nalang muna ako," pabulong na hiling ni Tangning.

"Ok … magpahinga ka muna."

Alam ni Tangning na batay sa mga kilos ni Han Yufan, hindi ito titigil na papuntahin siya sa mga walang kwentang event na katulad nito. Ang mga ito ay dahil lamang sa isang salita na nagmula kay Mo Yurou at hindi magtatagal ay maaaring makagawa pa ito ng mas malalang mga bagay. Kailangan na niyang makagawa ng paraan upang masira ang plano ni Mo Yurou na harangin ang kanyang daan sa muling niyang pagbabalik.

Alas 8 na ng gabi nang makarating si Mo Ting sa kanilang bahay. Ngunit naiiba ang araw na iyon sapagkat hindi niya naamoy ang mabangong halimuyak ng pagkain na nagmumula sa inihaing pagkain ni Tangning para sa kanya na karaniwang ginagawa nito. Noong una, inakala niya na hindi pa dumarating si Tangning ngunit sa pagpasok niya sa kanilang silid ay namataan niya ito na tahimik na nakahiga sa kanilang kama. Hindi na niya kailangan pang itanong dito ang nangyari, marahil nakaranas ito ng pagmamalabis ng araw na iyon.

Naglakad si Mo Ting papalapit sa kama at naupo sa gilid nito. Nang maramdaman ni Tangning ang pamilyar na presensya ng lalaki ay agad itong umupo at niyakap si Mo Ting.

"Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Siguradong gagaan ang iyong pakiramdam." Malumanay na tinapik ni Mo Ting ang balikat ni Tangning.

Maghapon na pinigilan ni Tangning ang umiyak ngunit pagkatapos na damayan siya ni Mo Ting, bigla na lamang bumuhos ang kanyang mga luha, "Sorry, ipinangako na hindi ko na muling iiyakan ang mga walang kwentang bagay…"

"Ok lang na umiyak ka … bukod sa akin kanino mo pa ba maaaring ipakita ang totoong ikaw?" panghihikayat ni Mo Ting. Siguro ay masyadong malumanay ang mga kamay ni Mo Ting habang tinapik siya, o maaari din dahil sa mas matanda ito sa kanya ng 7 taon, nakikita at nararamdaman niya na ligtas siya sa mga bisig nito. Umiyak ng matagal si Tangning habang yakap niya si Mo Ting hanggang sa wala na siyang luha na mailuluha pa.

"Gumaan na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Mo Ting.

"Yep." Sagot ni Tangning habang kumakawala sa yakap ni Mo Ting, "Hindi ka pa siguro kumakain, magluluto ako…"

Walang pasubali, hinila ni Mo Ting ang kamay ni Tangning at hinawakan niya ang baba nito, ginamit niya ang lahat ng kanyang lakas upang idiin ang kanyang labi sa labi ni Tangning. Nais niyang alisin ang mga luha sa mga mata ni Tangning, ngunit nais din niyang gamitin ang espesyal na sandaling ito upang damayan niya ito sa kanyang mga bisig.

Ang halik… ay isang mabisang gamot at pamawi ng sakit. Ang mag – asawa ay punong puno ng damdaming naghalikan na para bang ang mundo sa paligid nila ay umiikot ng mabilis habang hinahabol nila ang kanilang mga hininga.

"Tangning, sana sa mga darating na panahon ako ang unang tao na lalapitan mo at makakaalam kung ikaw ay masaya o malungkot. Wala akong pakialam kung gaano karami ang suot mong maskara sa labas ng ating tahanan, pero kapag narito na tayong dalawa at magkasama nais ko sanang harapin natin ang isa't isa ng totoong tayo. Dapat mamuhay tayo na katulad ng isang normal na mag – asawa. Kailangan lang natin ang isa't isa." Pinunasan ni Mo Ting ang natitirang luha sa mga pisngi ni Tangning habang tumatayo siya. "Sinabi ko na noon, hindi ka maaaring magtrabaho sa kusina."

Nakita ni Tangning na nagbabadyang umalis si Mo Ting, kaya naman agad niyang hinawakan ito, "Kailangan kita, Kailangan kita ngayon… kailangan kita na manatili sa tabi ko, yakapin mo ako, halikan mo ako…"

"Kailangan ko ng lakas para mahalikan kita."

Tumigil na sa pag – iyak si Tangning at tinanggal ang kumot sa kanyang katawan upang makaalis ng kama pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ni Mo Ting, "Sasamahan kita…"

Masayang kumain ng hapunan ang mag – asawa at sabay silang naligo. Pagkatapos nilang bumalik sa kama, sumandal si Mo Ting sa headboard upang magbasa mga dokumentong galing sa kanyang opisina, habang si Tangning naman ay pinipilit na makatulog. Pero kahit anong gawin niya ay hindi niya magawang makatulog.

"Anong problema?

"Hindi ako makatulog, maaari mo bang basahan ako ng aklat?" sumilip si Tangning mula sa kumot at nagmamakaawang nakatingin kay Mo Ting.

Tanging sa harap lang ni Mo Ting niya ipinapakit ang kanyang tunay na damdamin. Hindi rin niya kinakailangan palaging maging kalmado at episyente katulad ng ginagawa niya sa harap ni Long Jie. Sa harap ni Mo Ting, isa lamang siyang mumunting asawang babae – asawa na kailangang pagbigyan ng labis.

Sa harap naman ni Tangning, hindi kailangan ni Mo Ting ipakita ang Mo Ting na kilala ng lahat. Kung ang babaeng nasa harap niya ngayon ay tauhan niya sa opisina marahil ay kanina pa niya naitapon sa mukha nito ang mga dokumentong hawak niya. Pero, ang taong nasa harap niya ngayon ay si Tangning, kaya naman walang salitang tumayo siya at kumuha ng aklat sa lalagyan nito at saka lamang babalik muli sa kanilang kama. Ibinalot niya sa kanyang mga bisig si Tangning habang sabay nilang binuksan ang aklat at binasa ito.

Ang mga bagay na ginawa ni Mo Ting para kay Tangning ay mga simpleng kilos lamang na kahit kalian ay hindi man lamang nagawa ng walang hiya ni si Han Yufan para sa kanya. Sinong mag – aakala na ang kinikalalang King of the Entertainment Industry ay handang maranasan ang mga simpleng bagay na katulad nito na kasama niya.

Ang mga sugat ng kanyang puso ay para bang unti – unting naghihilom. Hindi nagtagal ay nakatulog din siya sa mga bisig ni Mo Ting… at kagaya ng dati, para kay Mo Ting kaaya – ayang tingnan ang imahe ni Tangning habang natutulog.

Nang sumunod na araw, ang hangin ay bahagyang mahalumigmig. Nagising si Tangning dahil sa tunog ng cellphone, si Lin Wei ang tumatawag. Mas malumanay ang boses niya sinagot ito kaysa noong nakaraang araw, "Tangning, kararating ko lang sa bahay mo, pero tanging ang assistant mo lang ang nasa bahay."

"Lumipat na ako."

"Pumunta lang ako para sabihin sayo na pagkatapos na ipahayag ni President Han na dadalo ka sa corporate event, ang mga tagahanga na nakamit mo ay nagkakagulo ngayon. Nagkakaroon ngayon ng pagtatalo ang mga tagahanga mo. Sabi nila kapag pumunta ka sa event na iyon, ibig sabihin ay sinusuportahan mo ang isang hindi mapagkakatiwalaang produkto, hindi nilang kayang matanggap ito at handa sila na talikuran ka…"

"Ano ang reaksiyon ni Mo Yurou?" Tanong ni Tangning kay Lin Wei.

"Hindi na siya makapaghintay na makita kang naghihirap. Ang utak ng pagpunta mo sa event na ito ay siya mismo. Hindi lang siya kontentong apakan ang iyong career kundi gusto din niya mamuhay ka na parang nasa impiyerno."

"Abangan nalang natin sa susunod na Miyerkules kung sino sa aming dalawa ang mamumuhay na parang nasa impiyerno…" sagot ni Tangning na para bang may iba pang nakatagong kahulugan ito, "Sa oras na ito, 'wag mo munang alalahanin ang mga tagahanga ko, pabayaan mo silang sigawan ako hangga't gusto nila!"

次の章へ