webnovel

Ang Siguradong Pagkuha ng Kasunduan Bilang Isang Tagapagsalita

編集者: LiberReverieGroup

"Pero, wala pa sa plano ko na I-balita ang relasyon namin ni Mo Ting sa ngayon," kalmadong paliwanag ni Tangning dito. "Alam kong sa tulong ni Mo Ting, tataas ang career ko ng ilang ulit pero makikilala ako ng mga tao bilang asawa ni Mo Ting at hindi si Tangning na isang modelo. Sa tatlong taong nakaraan, nagawa kong maging isang top model sa Beijing, ngayon, pagkatapos ng tatlong tao, kumpyansa akong magagawa ko ulit ito gamit ang aking kakayahan. Kukunin ko kung anong dapat ay para sa akin," habang naglabas ito ng kumpyansa at nakakaksilaw na aura.

"Long Jie, kung gusto mo akong tulungan, then we are going into this together. If you don't want to, hindi kita pipilitin. Tutulungan kitang i-kansela ang kontrata mo sa Tianyi at tutulungan din kitang maghanap ng trabaho sa isang mgandang company."

"Anong na naman 'yang pinagsasasabi mo? Syempre, andito lang ako para sa'yo. I want to become the top manager of an international supermodel," buong tiwalang sagot nito. "Pero, balak mo ba talagang manatili sa Tianyi?"

"Sa tingin mo?" Tinignan lang ni Tangning si Long jie habang hinahayaan itong masagot nito mismo ang kanyang sarili, "Han Yufan has used me so many times. Kahit na anong mangyari, magbabayad siya sa mga ginawa niya."

Matapos marinig ang nais sabihin ni Tangning, hindi mapigilang mapasandal ni Long Jie kay Tangning sa sobrang tawa nito, "Tangning, napagtanto kong sa mga taong nakilala kita, hindi ko alam na ganito ka kalupit. So, anong susunod mong plano, anong gagawin natin? Ilalabas ba natin ang video?"

"No, let's secure the spokesperson deal. To be precise, kukunin natin ang nararapat para sa akin galing mismo sa mga kamay ni Mo Yurou. Pagkatapos, pagmagrereklamo ang mga fans ni Mo Yurou, 'yun din ang oras na ipalabas natin ang video!"

"Long Jie, you will need to work hard a little longer. Tulungan mo akong mag-edit ng clips galing sa Crown's Star show at I-post ito online."

"Ok, walang problema! Akong bahala," nangingislap ang mga mata ni Long Jie at tumango ito pagkatapos marinig ang plano. At higit sa lahat, natuklasan niyang nag-iba ang ugali ni Tangning - dati itong mahina at marupok, ngunit, sinong mag-aakalang, pag na-trigger ganito pala ito kalakas.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, nakiusap si Tangning kay Lu Che na ihatid pauwi si Long Jie bago siya tumayo sa sofa at bumalik sa magandang mabangong kwarto nito. Kakapalit pa lang ni Mo Ting sa robe nito at nakaupong ine-enjoy ang wine habang nakaupo ito sa sofa. Ikiniling nito ang kanyang baba na nagbigay sa kanya ng mas tukoy na jawline na para bang isang perpektong inukit na iskultura; na nagbibigay ng kilig sa isang tao.

Kinakabahang lumapit si Tangning upang umupo sa tabi ni Mo Ting habang umiinom sa baso nito. Nang biglang inabot at hinawakan nito ang balikat ni Tangning at hinagkan siya. May alak pa ito sa kanyang bibig habang ibinahagi niya ang mabangong lasa ng inumin kay Tangning.

Nabigla si Tangning sa ginawa nito at biglang namula. Marahang tumawa si Mo Ting at hinalikan ito sa dulo ng kanyang ilong, "Kung hindi ka iinom, you will be at a disadvantage when invited to events. You need to train."

Tinulak ni Tangning ang sarili nito sa makinis na katawan ni Mo Ting, "In that case, President Mo, anong gusto mong gawin?"

"Drink a small glass every day, sa tingin mo?"

"Using the same method as just then?" Itinaas ni Tangning ang kanyang kilay na may bahagyang pagpupukaw sa mga tingin nito.

'Di maiwasang tumawa ni Mo Ting at tumango rito, "Did you like it?"

"Uh huh," Tumatangong sagot ni Tangning.

"Let's do that then." Pagkatapos nitong magsalita, muling uminom si Mo Ting sa baso nito. Ginawa ulit nito ang paraang ginamit niya, muli siyang sumandal at sa oras na ito, pagkatapos nilang inumin ang alak, hindi na sila naghiwalay. Patuloy sila ng kanilang maramdaming halikan na para bang ang sofa sa ibaba nila ay isang kama.

Ang paulit -ulit na halik ni Mo Ting ay dahan - dahang nagbigay ng daan papunta sa iba't -ibang bahagi ng katawan nito, naramdaman ni Tangning na nanginginig ang katawan nito at hindi na siya makapagisip ng tuwid. Hindi pa niya nararanasan ang ganito ka lakas na damdaming na nagawang magpahina ng kanyang buong katawan na parang isang buhangin. Sa init ng mga sandaling iyon, ang kanyang nakikita ay ang magandang ilong ni Mo Ting at ang malambot nitong labi, ngunit, nararamdaman rin niya ang malakas na mga braso nito at…

"Mo Ting, let's go to bed, ayokong gawin ito… dito sa sofa."

Biglang tumigil si Mo Ting ng marinig nito ang kanyang sinabi. Tinignan nito ang kanyang mahabang payat na mga binti, na napakaganda na para bang isang buntot ng sirena, pinigilan nito ang sarili at binalot si Tangning ng bathrobe. Binuhat niya ito at dinala sa banyo, habang maingat na inilagay sa bathtub.

"Bakit?"

Binaot ni Mo Ting ang sarili nito at lumuhod sa harap ni Tangning. Itinaas nito ang kanyang baba at nagsalita, "I want your heart first. Kung ano na ang nagiisang taong nasa puso mo, I will make you completely mine," pagkatapos niotng magsalita, tumayo si Mo Ting, pero pinigilan siya ni Tangning.

"I don't dislike us, doing this. Wala ka pa rin bang tiwala sa'kin?"

Marahang tinapik ni Mo Ting ang ulo ni Tangning at kinakalma rin ang kanyang sarili, "Gustong - gusto kita, hindi mo alam kung gaano ka kaganda pero gusto ang lahat ng sa'yo; katawan at puso mo. Aantayin kita kung kailan sigurado ka na."

Tumango si Tangning habang hawak ang kaliwang kamay ni Mo Ting, "Matagal na panahon na rin kung kelan ako tinrato ng ibang tao ng may respeto."

Naiintindihan ni Mo Ting ang sinasabi nito. Kahit gusto nitong tapusin si Han Yufan, naniniwala si Mo Ting na gagamitin ni Tangning ang sariling kakayahan nito upang makuha ang kanyang gusto.

Sa susunod na umaga, ang eskandalong nangyari sa dalawang modelo ng Tianyi ay napalitan ng bagong headlines. Habang kasabay nito, ang balita tungkol kina Han Yufan at Mo Yurou ay tinakpan ng PR ng Tianyi - ang hype ng entertainment news has mabilis na naglalaho sa sandaling lumitaw ito. Gayunpaman, dahil sa paglabas ni Tangning at pag-ako ng lahat ng sisi, nagkaroon siya ng bagong tagahanga. Ang mga ito ngayon ay naghahanap ng mga dating litrato ni Tangning.

Walang may nakakaalam, na sa mga sandaling iyon ay dahan - dahang bumabalik.

Lalo na sa Crown's Star Show, ang ginawa ni Tangning ay patunay na nilampasan nito ang lahat ng mga kasalukuyang hottest model. Ramdam ng mga bagong tagahanga ni Tangning na hindi makatarungan kung mawawala lamang ito, kaya ang ginawa nila ay sinimulan nilang ibahagi ang mga video nito online habang nakikipag-ugnayan sa HF. Pagkatapos makita ang mga video na iyon ni Tangning, humanga ang mga ito sa kagandahan ni Tangning. Lalo na ng makita ng mga ito ang karamihan sa litrato at postura ni Tangning, ang designer na nagalit dito sa araw ng show na iyon ay napagtanto nito kung gaano kahusay ang pagtugmang iyon ni Tangning sa kanyang alahas, na para bang ginawa ang mga ito para sa isa't - isa.

Sandaling nag-isip ang designer ng HF. Ang unang desisyon niya ay apektado ng kasinungalingang ginawa ng Tianyi, pero ngayon na humupa na ang galit niya at pinag-isipan ito, ang pagiging elegante at ang propesyonalismo ni Tangning ay mas bumagay sa tema ng Crown's Star.

Gayundin, dahil sa ginawang pag-amin ni Tangning ng kanyang saloobin na siya ay nagkamali, nagkaroon ng tiwala ang HF sa kanya.

Kaya ang mga nasa posisyon ay nag-tipon upang magsagawa ng isang pagpupulong tungkol sa pagpapalit nila ng kanilang tagapagsalita. Sa huli ay nagkasundo rin sila. May tawag sa telepono papunta sa opisina ng presidente ng Tianyi.

"Mr. Eugene, malapit nang gumaling ang mga sugat ni Yurou. The release of your new product definitely won't be delayed."

"No, hindi ako tumawag para doon. Mr. Han Yufan, gusto naming palitang ang aming tagapagsalita. We would like to swap Mo Yurou for Tangning," perpektong englis na pagkasabi nito.

Pagkatapos nitong marinig ang kanyang hiling, hindi alam ni Han Yufan kung pa'no mag-react dito, "No, Mr. Eugene, sa tingin ko hindi tama 'to."

"We haven't officially signed the contract yet. Kung hindi ka papayag na si Tangning ang magiging modelo namin, mas mabuti pang I-cancel na lang natin 'tong kasunduan natin at maghanap ka na lang ng ibang kompanyang makikipag-ugnayan sa'yo."

"We have other models, ones that are more famous than Mo Yurou."

"Gusto namin si Tangning."

Nagbigay na ng desisyon si Mr. Eugene at walang magawa si Han Yufan kundi um-oo dito. Gayunpaman, ang kasunduang ito ay ang orihinal na paraan ni Mo Yurou upang makapasok sa Top Ten Model Awards, sa halip ay si Tangning ang as higit na nakinabang dito. Sa mga pagbabagong ito, tiyak na magaalboroto si Mo Yurou rito.

Mabilis na kumalat ang balita papunta kay Long Jie; na tumawag ang HF sa opisina ni Han Yufan upang palitan ang kanilang magiging tagapagsalita. Kaya, nang maka-usap niya si Tangning sa telepono, ibang klaseng tuwa ang naramdaman nito, "Tangning, Tangning, you got the deal!"

"Don't get ahead of yourself, hindi hahayaan ni Mo Yurou na ganun na lang lahat ang mangyari," hindi tumigil si Tangning sa pagbabantay kahit alam niya nang nasa kamay niya na ang sitwasyon.

次の章へ