webnovel

Hinding-hindi ako hihingi ng tawad sa’yo!

編集者: LiberReverieGroup

Kadalasan ang ospital ay may pangkaraniwang hindi kanais - nais na amoy. Habang papasok si Tangning kasama ang assistant ni Han Yufan, mag-isa lang siya at walang kasamang assistant para suportahan ang sarili niya.

Pagkatapos makita ang silid ni Mo Yurou, nakita ni Tangning ang assistant ni Mo Yurou na nakabantay sa labas ng silid na iyon. Itong lalaking ito ang nagsabi na ginawa niya lahat ng desisyon na iyon sa araw ng palabas.

Isinisi niya lahat ng mga ito sa kanya.

"Nandito ka na." sabi ito habang pasupladong tinitigan niya ito mula taas at pababa; sinasadya nitong gawing mahirap ang mga bagay - bagay para kay Tangning. "Antayin mo 'ko dito, nagpapahinga pa si Yurou."

Itinaas ni Tangning ang handbag sa kanyang dalawang kamay at diritsong tinignan niya ang assistant ni Mo Yurou. "Alam mo naman siguro ang apelyido ko?"

"Nonsense! Sinong hindi nakakaalam na ang apelyido mo ay Tang?!"

"Since alam mo naman pala na apelyido ko ay Tang, then alam mo rin dapat ang background pamilya ko. Anong karapatan ng isang assistant na katulad mo ang magmayabang sa harapan ko?"

"I…"

"Is that Tangning? Please come in." Narinig ni Mo Yurou ang boses ni Tangning sa labas at dismayadong tinignan niya ang kanyang assistant sa kabobohan nito. Hindi ito ang tamang paraan kung gusto niyang labanan si Tangning, dahil kahit hindi na siya gaanong pinapansin ng Tang Family kumpara noong kilala oa siya ay nasa likod niya pa rin ang mga ito.

Pumasok sa silid si Tangning at binaliwala ang galit na assistant. Tinignan nito si Mo Yurou na naka-upo sa kama at mukhang kaawa - awa dahil sa nasugatan nitong isang binti at ngumiti dito, "Yurou, okay ka na ba?"

Alam ni Tangning na sinaktan nito ang sarili nitong binti para pigilan ang pagpapakasal nila ni Han Yufan - Napakasama rin ng babaeng ito.

"I heard from President Han that we are to film a 3-minute live broadcast, totoo ba 'yon? Tangning, para na tayong magkapatid, I'm more than willing to help you with this favor so you can redeem yourself in front of the public."

Sandaling nag-atubili si Tangning. Hindi niya lubusang maisip na ganito ka kapal ang mukha ni Mo Yurou - at malapit na siyang umabot sa libel ni Han Yufan. Ang buong katotohanan sa likod ng pagiging kapalit niya ay alam nilang tatlo pero umaastang hindi ito nangyari si Mo Yurou.

Medyo naiinis na si Tangning at pagalit na nagsalita, "Pumunta lang ako para bisitahin ka…"

"You really don't need to be so polite."

"Oo nga pala, nakapag-prepare na kami ng gagawin mo. In a moment, papasok ang doctor at papalitang ang bandages ni Yurou. Sa oras na 'yon, para makita nila ang sinseridad mo, we have arranged for you to wash Yurou's feet. That way makikita talaga ng publiko kung gaano ka nagsisisi sa nangyari."

"That's enough!" Galit na apura ni Tangning sa kanila. "Mo Yurou, the substitution incident, alam natin pareho kung ano ang totoo. Don't you think it's time for you to stop?"

"Anong sinasabi mo Tangning? Hindi kita maintindihan."

"Talaga bang babaliktarin mo kung ano ang tama at mali?" Habang parang nagkasala ang tinig ng boses ni Tangning, "Kung hindi lang dahil kay Han Yufan, matagal na kitang pinatulan. Hindi pa ba sapat ang mga tulong ko sa'yo?"

"Tangning, okay lang kung ayaw mong humingi ng tawad sa'kin, pero kailangan mo ba talagang sira-an ang ibang tao? You've already admitted to creating everything for hype." Napagaling umarteni Mo Yurou, ni hindi man lang ito nagkamali sa mga sinabi niya at nanatili itong inosente.

"Hinding- hindi ako hihingi ng tawad sa'yo!" Seryosong sabi ni Tangning dito. Sa mga oras na rin na 'yun, ni-record ng assistant ni Mo Yurou ang mga sinabi ni Tangning at mabilis na ikinalat nito ang video online, na may pamagat na: [Attention seeking Green Tea Bxxxx being insincere, secretly declares: 'I definitely won't apologize to you!']

Pagkalipas ng ilang sandali, ilang libong tao na naman ang nagsimulang magalit at handang ibagsak si Tangning.

Binaha ng reporters ang pinangyarihan pero walang ni isa sa kanila ang humarang kay Tangning at naiwang mag-isang umiiyak si Mo Yurou sa harap ng kamera. "Akala ko no'ng una dahil magkaparehas kaming modelo, hahayaan niya na lang ang insidenteng ito, pero sumusobra na talaga si Tangning. Hindi lang sa hindi siya humingi ng tawad, tinapunan niya pa ako ng mapang-abusong salita."

At doon nagsimula ang away ng dalawang modelong hindi makontrol ang ganilang sarili sa harap ng publikong umiiyak para mapansin ng mga naglalakad at ng mga taong nakapalibot dito.

Mabilis na naglabas ng pahayag ang Tianyi at humingi ito ng tawad sa lahat at sinabing siseryusuhin nila si Tangning, na nagpapahiwatig na gusto na nilang alin ito.

At sa mga oras ring iyon, ang sinabi ni Tangning na: 'Hinding - hindi ako hihingi ng tawad sa'yo' ay naging sikat sa internet. Habang iniinsulto ng lahat si Tangning, may isang kilalang taong naglabay ng isang album ng mga litrato. Ang pamagat nito ay: [It's not that Tangning won't apologize, it's that she shouldn't apologize!]

Puno ang album na ito ng mga litrato nina Mo Yurou at Han Yufan na magkayap sila sa loob ng ospital, nasa taas ni Mo Yurou si Han Yufan habang suot niya pa ang kanyang hospital gown.

Lumuwa ang mga mata ng netizens sa gulat ng makitang ang isang kilalang website na tumugon ito sa isang post: [Ilabas niyo ang katotohanan sa insidenteng naging kapalit si Tangning!]

Ang kitang - kita sa post na iyon ang nangyari sa insidente, habang alam na ng lahat ang panlolokong ginawa ni Han Yufan at Mo Yurou. Ito ang nagbigay ng hustisya kung saan napilitan lang si Tangning na makompromiso, hanggang sa pinigilan nila ito, at sa huli ay nagalit na talaga ito.

Para sa ngalan ng pag-ibig, sinalo niya lahat ng paratang nila dito. Sa mga oras ring iyon, ang kerida ng kanyang kasintahan ay ipinapahiya siya.

Sa ganitong pangyayari, ang eskandalong ito ay natuklasan na. Habang ang mga litrato nina Han Yufan at Mo Yurou ay nakakalat kung saan - saan, nakita ng mga netizens, na pwera sa isyu ng pagiging kapalit ni Tangning, walang ni isang masamang balita ang lumalabas patungkol dito. Kahit maghanap pa sila mula no'ng tatlong taong nakalipas, ang makikita lang nilang litrato ay ang pagiging isang modelo ni Tangning - maganda pa rin mula dati hanggang ngayon.

Ang babaeng ito na iniwan ang kanyang career para sa pag-ibig ay hindi man lang nag-abalang ipaliwanang ang kanyang sarili. At sakasalukuyang pangyayari, kaagad niya itong pinanindigan at inako ang lahat ng responsibilidad na kaakibat nito.

Dear god, everyone misunderstood Tangning!

Alam na alam talaga ni Mo Yurou kung pano umarte. Sinong mag-aakalang pipigilan ng Tianyi si Tangning.

At bumaliktad na naman ang siwasyon.

Maraming taong ang nakaramdam ng pagsisisi pagkatapos nilang husgahan si Tangning, at ang nararamdaman ng mga ito sa kanya ay lumiwanag. Nasa kalagitnaan ng panayam si Mo Yurou habang nangyayari ang mga ito, "Hindi ko na alam kung panong ko malalaman ang kawalang-hiyaan niya…"

Tutok na tutok ang reporter sa sandaling iyon ng biglang hinila ng kanyang katrabaho ang telepono nito at pinakita sa kanya.

Pagkatapos makita ang mga litrato ay iniharap ng reporter kay Mo Yurou ang telepono at tinanong ito, "Miss Mo, totoo ba ang mga litratong ito?"

"What's this?" Biglang namulta ang mukha ni Mo Yurou.

"These are the intimate photos of you and the CEO of Tianyi, Han Yufan. Gusto mo bang maghanap ako ng marami pang detalye para malaman ang ginagawa niyo sa likod ng mga litratong ito?"

Biglang nagising si Mo Yurou, kani-kanina lang ay nasa harap pa siya ng kamera umiiyak at mukhang kaawa -awa. Ngayon, naging isa siyang babaeng nang -akit ng kasintahan ng iba.Sa mga mata nila, wala siyang pinagka-iba sa mga modelong benebenta ang mga sarili nila para lang umangat sa industriyang ito.

At pinakamahalaga sa lahat, hindi siya makahanap ng anumang salita para linisin ang sarili nito.

Tila ang mga reporters ang nahihiya sa kanyang ginagawa.

"So, ang mga litratong ito ay halatang totoo. On one side you are crying, while on the other, inaakit mo na pala ang kasintahan ng iba." Matigas na tanong ng babaeng reporter sa kanya.

"N-No…"

"The photos are obvious. 'Wag mong sabihin sa akin na gusto mo paring I-deny ito?"

"No, it's fake. This is all part of Tangning's plans." Walang magawa si Mo Yurou sa harap ng kamera, "Don't film anymore, labas, ayoko na makipag-interview pa, alis!"

Binigyan ng reporter ng isang malamig na 'hmph' at kinamuhian si Mo Yurou. "Miss Mo, kahit sanay na ang lahat ng medya sa entertainment industry, kailangan ko pa ring sabihin sa'yo to: God will punish those that have bad intentions - there is justice in this world. Just by Tangning's action of stepping out at inako ang lahat ng sisihin ang kanyang sarili, mula ngayon, hindi na ako magsusulat ng masama tungkol sa kanya."

Nanginginig si Mo Yurou sa takot. Nang maka-alis ang lahat ng reporters, agad niyang tinawagan si Han Yufan sa telepomo.

"Yufan, nakita mo na ba ang mga litrato? Anong gagawin natin?"

"Mga litrato lang 'yan, ba't ka natataranta? Naghahanap na ng solusyon ang kompanya." Kalmadong tugon ni Han Yufan, pero sa loob - loob nito ay hindi ganun ka kalmado ang nararamdaman niya. Sa paglalantad ng lahat, hindi ang ang kinabukasan ni Mo Yurou ang maapektuhan kundi pati na rin ang Tianyi at pwede ring mawala sa kanya si Tangning habangbuhay.

Pagkatapos niyang pigilan at pinagtaksilan ito.

"Tangning must be behind all this."

"Kung hindi mo siya kinalaban, tingin mo mangyayari lahat ng ito?" Galit na pinatay agad ni Han Yufan ang telepono pagkatapos nitong mag - salita. Pagkatapos ay hinanap niya ang numero ni Tangning at tinawagan ito. "It's obviously ringing, Tangning pick up the phone."

Hawak ni Tangning ang kanyang telepono. Alam niya ang balisang nararamdaman nito ngayon kaya minabuti niya na lang na hindi sagutin ang ito.

Pagkatapos niyang lumabas sa kwarto ni Mo Yurou, nakahanap ng tahimik na lugar si Tangning at nagtago habang inaantay ang sundong galing kay Mo Ting. Sa gulat niya, nakita niyang si Mo Ting ang sumundo sa kanya.

"Tangning, get in."

Pagkatapos marinig ang mababang boses nito, ang lahat ng alinlangan niya ay nawala. Patuloy pa rin ang pag-ring ng kanyang telepono pero tinapon niya ito sa upuan sa likod ng kotse ni Mo Ting.

"Ayaw mong sagutin?" Tanong ni Mo Ting habang pinapakita dito ang isang bahagi ng gwapong mukha nito.

"Alam mo na ang sagot ko d'yan." Naka-ngising sagot ni Tangning. Ang gusto niyang mangyari ay hanapin siya ni Han Yufan buong magdamag at maramdaman dito kung papano ang masaktan.

次の章へ