Ngumingiting tumakbo habang buhat-buhat ni Tangning ang kanyang damit papunta sa likod ng entablado. Kahit suot ni Tangning ang maskara pagikinumpara siya kay Mo Yurou. Ang makikitang pagkakaiba nilang dalawa ay ang mahahabang hita nito dahil dati, kilala si Tangning na isa sa may pinakamaganda hita sa buong mundo.
Habang ang lahat ay nagaantay ng pagbaba ni Tangning galing sa ibabaw ng entablado galing sa isang upuan, lahat ng ilaw ay nakapukos sa kanya.
Ngunit hindi nila makita ang Crown Star.
Anong nangyari?
Kinahabahang hinahanap ng lahat ang Crown Star at pati si Tangning ay hinanap na rin nila. Dahil dito, hindi maiwasan ng lahat ng taong mapatingin sa kanyang magandang mahabang binti na hinding-hindi nilang lahat makakalimutan.
May ngiting lumitaw sa likod ng gintong maskara habang ang mga ito ay malapit nang bumigay. Itinaas ni Tangning ang kanyang braso, ikinilang kanyang ulo at iniharap dito ang kayang kaliwang binti sa madla at nag-pose na parang isa itong nakakamanghang pose sa sayaw. Sa puntong iyon, sa ilalim ng kanyang puting gown at sa baba ng kanyang makinis na binti makikita ang kumikinang na Crown's Star.
Namamanghang naistatwa ang lahat sa kanilang nakita. Sa bawat galaw ni Tangning sa upuan na iyon ay tumatatak sa isipan nila. At sa bawat galaw na ipinapakita ni Tangning sa kanila, nabibigyang buhay nito ang Crown's Star; habang ipinapakita sa kanila ang kagandandahan nito ng paulit-ulit.
Binigyang ng masigabong palakpakan si Tangning habang nakatayo ang mga ito.
Sa gitna ng napakaraming tao, sa mataas at madilim na pwesto ay nakatingin lang si Mo Ting kay Tanging. Ang kanyang asawa na isang dating kilalang modelo ng Beijing ay nandito at naging kapalit ng isang B-Grade na modelo.
Sa tatlong taong pagkawala at tatlong taong nakalipas ay hindi maitatanggi na siya ay ipinanganak para maging isang modelo.
Pagkatapos ng panghuling pose ni Tangning ay kasiya-siyang natapos rin ang show. Labis na ikinagalak ng Founder ng HF ang palabas pero lingid sa kaalaman nito, ang modelo sa itaas ng entablado ay si Tangning at hindi si Mo Yurou.
Pinuntahan nito si Tangning sa likod ng entablado at maginoong inalok ang kamay nito habang mapatayo sa upuan at iginiya papunta sa gitna ng entablo at sabay na yumuko sa harap ng madla upang pasalamatan ang mga ito.
"Maraming salamat sa lahat at syempre, kay Ms. Mo para sa kanyang napakagandang pagganap, sadyang kahanga-hanga."
Tahimik at yumuko lang si Tangning bilang pagsagot dito hanggang may isang taong sumigaw sa ilalim ng runway, "She is not Mo Yurou, nakita ko na si Mo Yurou ng harap-harapan at wala siyang mahahabang mga binti!"
Sa puntong iyon ay nagulat ang lahat sa kanilang nalaman habang tinititigan nila mula taas hanggang baba ang mahahabang binti ni Tangning, "Kung ikaw nga talaga si Mo Yurou, tanggalin mo yang maskara mo. Kung hindi, ang lahat ng mga nasa Tianyi Entertainment ay sinungaling!"
Ang agam-agam ng mga ito ay lumaki at pagaalinlangan nila ay dumoble. Kahit ang mga designer ng HF ay nagsimula na ring magtanong kung ang babaeng nasa harap ba nila ay si Mo Yurou nga.
"Miss Mo, please remove your mask…" nakocurious na sabi ng mga designers kung siya ba talaga si Mo Yurou. Kung hind siya si Mo Yurou, ang pakikipagtulungan ng mga ito sa Tianyi Entertainment ay mawawalan na ng bisa.
Nag-aatubili man pero dahil napapalibutan na siya ay wala siyang magawa kung ang dahan-dahang tanggalin ang maskarang suot niya. Pigil-hiningang tinitigan siya ng mga ito at agad na nakilala kung sino siya.
"Si Tangning!"
Sinasabing pagkatapos mablacklist ni Tangning ang katayuan nito ay bumaba.Mas mababa pa kaysa mga modelong hindi pa nakapirm. Sinong mag-aakala na magiging kapalit lang siya ng ibang tao? Sadyang gusto lang ba niyang gumawa ng gulo o napipilitan lang siya dahil sa kanyang siwasyon?
"Tanging, it's actually Tangning." Mabilis na pinalibutan ng mga reporters si Tangning hanggang sa hindi na siya makatakas sa kanila.
"Miss Tang, pwede mo bang sabihin sa amin ang kasalukuyang sitwasyon mo? Si Mo Yurou ang inimbitahan sa show na ito ngayon, pero bakit ikaw ang dumating imbis na siya?"
"Sa pagkakaalam namin, blacklisted ka na tatlong taon ng nakakaraan. Kinuha mo ba ang opurtunidad na ito para ianunsyo ang iyong pagbabalik?"
"As once-famous model, kukunin mo ba ang mga trabaho ni Mo Yurou? Sinasamatala mo ba ang pagkakataong to at nakawin ang opurtunidad na maging tagapagsalita ng HF?
"It is obvious that you're just creating hype. Alam ko na 'yan. Nasugatan na si Mo Yurou, pano pa siya makaka-dalo ng palabas? Famous supermodel my a**! More like famous superCHEAPmodel!"
Paanghang ng paanghang ang mga tanong nga mga reporters at ang iba ang iniinsulto na siya.
"Outdated cheap model…"
"Yurou should be the spokesperson, ibalik mo sa kanya 'yon!"
Dahang - dahang sapilitang umu-urong si Tangning palayo sa mga ito habang ang ibang reporters at tinutulak na siya. At sa mga sandaling ito, dinagdagan ng HF ang mga insultong iyon, "I'm going to sue Tianyi Entertainment, ang ginawa niyo ngayong ito ay harap-harapang panloloko. Ang hiningi ko ay si Mo Yuoru, pero ang binigay niyo sa akin ay isang 3rd rate na modelo." Walang ideyang sumbat ng designer na walang alam kung gaano ka kilala si Tangning, tatlong taon ng nakalipas. Ang alam lang nito ay hindi niya nakita ang modelong ito na lumabas sa kamakailan lang.
"Sa ngayon, magkikita tayo sa korte. Pero ikaw, sa ngayon, umalis ka dito! Hindi ka karapat-dapat sa show ko!" sigaw nito sa kanya.
Nagulat ang mga reporters sa sigaw nito. Walang modelong tatayo sa gitna at hahayaan ang ibang tao na sigaw-sigawan lang sila.
"Ba't andito ka pa? Umalis ka na!"
Hinanda na ni Tangning ang kanyang sarli sa kahihiyang mangyayari ngayon. Pero sa pagkakataong iyon, may isang malalim at magandang boses ang maririnig sa buong entabladong iyon, "Yes, someone should get lost indeed…"
Nabigla ang lahat sa kanilang narinig na maging ang mga reporters ay hinanap kung saan nanggaling ang boses na iyon. Tumingin sila sa hulihan ng entablado at bumulaga sa kanila ang nakatayong si Mo Ting. 'Di ba siya ang CEO ng Hai Rui Entertainment? Anong ginagawa niyo rito?
At higit sa lahat, bakit siya nakatayo sa entablado? Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ayaw ni Mo Ting ng mga artistang nakikkipaglaro. Naghuhukay na nang sariling libingan niya si Tangning ngayong hindi na maiwasan na kahit ang Hai Rui ang lumabas.
Pigil-hiningang tiyak nilang nawawalan na ito ng pagkakataon. Nagulat silang biglang lumakad si Mo Ting sa tabi ni Tangning at hinarap ang designer na may nakakatakot na tono ng pagsasalita dito, "…pero hindi siya ang aalis kundi…. ikaw!"
"Kaya kong mawala ang HF kung gugustuhin ko. Ang ugali mo ay nasa ibang lebel ng iyong mga alahas."
Sandaling tumigil ang tibok ng puso ni Tangning. Sinong mag-aakala na ang asawa niya na tatlong beses pa lang niyang nakita ay ipagtatanggol siya.
Nasindak ang lahat ng mga reporters na naroon, kung alam lang sana nila na may ugnayan si Tangning sa Hai Rui, hindi na sana nila ito pinagsalitaan ng masama.
Hinidi bilib ang designer ng HF pero alam niyang hindi niya basta - basta na lang masisiraan ang Hai Rui International. Natahimik ito at biglang nagsalita, "Sorry, President Mo. Hindi ko alam na ang relasyon na namamagitan sa…"
"You're wrong, wala akong ugnayan sa kanya. I'm just simply… questioning your character!" Sagot ni Mo Ting na tinanggihan ang relasyon nila ni Tangning habang papa-alis ito. Pero bago pa ito maka-alis binalingan niya muna ang medya para I-anunsyo sa mga reporters na, "Pero ang tanging hindi ko lang maitatanggi, magiging sikat siyang modelo sa industriyang ito!"