Sa Poison Fang Swamp, nililibot ng mga manlalaro ng Herb Garden, Misty Castle, Tyrannical Ambition, Samsara, Excellent Dynasty, Blue Brook Guild, Blossom Valley, at Void Walk ang lugar.
Hindi sa pare-parehong sandali natuklasan ng mga malalaking guild na lumitaw na pala ang BOSS. At tungkol doon sa guild na unang nakakita sa BOSS ay kaagad na sinubukang paslangin ang BOSS bago pa man malaman ng mga malalaking guild na lumitaw na ito.
Sa kasamaang-palad, hindi naging sapat ang lakas nila para patayin ang BOSS sa loob ng maikling panahon. Dahil diyan ay sumuko na lamang sila matapos makita na dumating na ang mga pangunahing manlalaro ng mga malalaking guild.
Iyan ang dahilan kung bakit ito ang naging resulta; walang kahit na sino sa mga manlalaro ng mga malalaking guild ang umatake sa BOSS para ipagpatuloy ang nasimulan ng naunang guild.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください